Chapter 14

24.6K 696 5
                                    


MAFEL

  
    "AFTER this, I'm gonna make sure that I will not leave you alone." Sumimangot ito na ikinatawa ko. "Why we need to separate? Fvck this!"

"Isaiah, isang gabi lang." natatawang sabi ko. "Wag ka nang sumimangot, baka magka–wrinkles ka niyan."

"I will miss your cute voice and cute mind, Maf." Sinapo nito ang pisngi ko at gigil akong hinalikan. "I love you, Maf. I love you so much."

Napahagikhik lang ako na ikinatawa niya. Napalayo ito sa'kin nang hilahin na ako ni Pink, palayo sa kaniya.

"King, ang cringe mo pala." Napalingon kami kay Death na nakasandal sa pintuan. "Labas na. Kanina pa sila naghihintay."

"Bantayan niyo siyang mabuti," seryosong sabi nito. "Wag niyong hahayaang masaktan siya. Call me everytime to update about her."

"King, kabisado na namin ang bilin mo. Kahapon kapa." Napairap si Pink. "Sige na, King. Kami ng bahala sa Queen mo."

Napahinga ito nang malalim. "I love you, Maf."

Muli ako nitong hinalikan bago tuluyang lumabas. Sinara naman ni Death yung pinto at patalong humiga sa kama. Tinabihan naman siya ni Pink.

"Grabe, never kong na-imagine na magiging ganoon si King." Umiling iling si Pink. "Ibang klase ka, Mafel. Kinulam mo ata yun."

"Mabait lang talaga si Isaiah," sabi ko. "Pogi rin siya at magaling–"

"–Magaling sa kama?" Ngumisi si Pink.

"Magaling maglaba!" pakiramdam ko ay nangangamatis ang aking mukha dahil sa kaniyang sinabi. Pero sa bagay, magaling naman talaga si Isaiah sa ganun.

"Hindi rin ako makapaniwala. Kababalik ko lang, tapos ganito agad ang bungad." Umiling iling si Death. "I can't imagine that he will marry you after of what happened–"

"–Death!" saway rito ni Pink. "Magagalit siya kapag binanggit mo ang bagay na yun."

Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko. Bigla iyong kumirot at dinumog ng kaba. Bakit parang may inililihim sila sa'kin? Bakit parang may kailangan akong malaman? May sinisikreto ba sa'kin si Isaiah?

"Hindi pala niya sinabi?" Nakangising umupo si Death sa kama. "Malaking pagkakamali niya. Siguradong magiging gulo ito."

"Anong ibig mong sabihin?" kinakabahang tanong ko.

Umiling lang ito at tumayo. Tinanaw ko lang ang pigura nitong lumabas ng cabin.

"Wag mo siyang pansinin." Hinila ako ni Pink, paupo sa tabi niya. "May topak yung minsan. Ah, basta, wag mo nang pansinin ang sinabi niya."

Tumango lang ako.

Pero, ano kaya yun? Bakit parang may malaking kasalanan akong nagawa? Napahinga na lamang ako nang malalim at nahiga sa kama.

Wala naman kaming masyadong ginawa ni Pink. Si Death ay hindi pa rin bumabalik, kaya kaming dalawa lang ni Pink ang nag usap tungkol sa mga bagay bagay.

"Shit! Alas singko na!" Napabangon si Pink. "Sandali lang ah? Nakalimutan kong ibigay yung gamot ni fifth. Babalik din ako."

Sinuot nito ang jacket niya at agad lumabas ng cabin. Mukhang pupunta siya sa underground.

Dahil naiinip ako ay naisipan kong hanapin si Death. Naglakad lakad ako sa isla at natagpuan ko ito sa may batuhan na nakaupo at nakatanaw da medyo palubog na araw.

"Hindi kapa kumakain," sabi ko rito. "Hindi ka bumalik."

"Si Pink?" tanong nito.

Umupo ako sa tabi niya. "Dadalhin niya raw yung gamot ni fifth."

Tumango lang ito at hindi na kumibo. Napatitig ako sa mukha niya. Maganda siya, mukha siyang manika. Pero nakakatakot ang awra niya, ang lakas ng dating niya, ang tapang ng mukha niya. Gayunpaman, napupuna kopa ring may kalungkutang nakakubli sa likod ng walang emosyon niyang mukha.

"Gaano mo kakilala si King?" Bahagya akong nagulat nang lumingon ito sa'kin. "Gaano mo kakilala ng pagkato niya?"

"Hindi ko rin alam," sagot ko. "Basta ang alam ko lang ay Mafia siya. Na-kwento rin niya sa'kin yung tungkol sa mga magulang niya.",

"Alam mo ba kung sino yung pumatay sa mga magulang niya?" Umiling ako. Ngumisi ito. "Kung malalaman mo ba ngayon ay itutuloy mo pa rin ang pagpapakasal sa kaniya?"

Bumalik ang kabang naramdaman ko na nawala na kanina.

"S-siyempre naman." Napatikhim ako. "Itutuloy ko pa rin. Aamin na rin ako sa kaniyang mahal ko siya–"

"–Paano kung ang pumatay sa magulang niya ay ang mga magulang mo?" Natigilan ako sa sinabi nito. "Ano? Tatanggapin mo pa rin?"

"A-ano bang sinasabi mo?" kunot noong tanong ko rito. "Hindi ko maunawaaan ang nais mong iparating."

"Nasabi ni King kung paano namatay ang mga magulang niya, diba?" mapaglarong ngumisi ito. "Nahanap na niya ang mga pumatay sa magulang niya. Ang kaso nga lang ay patay na rin ang mga ito. . . Hindi ba ay patay na rin ang mga magulang mo?"

"Death, wala akong alam sa mga sinasab–"

"–Kaya nga sinasabi mo para may alam ka. Para alam mo ang lahat at malinawan kang mabuti. Mafel, ang mga magulang mo ang pumatay sa mga magulang ni King." pakiramdam ko ay nanggigilid ang luha ko dahil sa sinambit nito. "Your parents killed King's parents, for money."

"Hindi," umiling ako. "Nagsisinungaling ka! May gusto kaba kay Isaiah? Gusto mo lang hindi matuloy ang kasal namin!"

"Bago ko siya maging boss, kaibigan ko muna siya. Hindi ko sinasabi ang mga ito, dahil may gusto ako sa kaniya. Sinasabi ko ito dahil saksi ako sa mga pinagdaanan niya." Bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya. "Alam ko ang hirap ni King, noong namatay ang mga magulang niya. Gustong gusto niyang mapatay ang mga gumawa non sa mga magulang niya, pero hindi na niya magagawa dahil patay na rin ang mga ito. . . Mafel, kung iniisip mong pakakasalan ka ni King dahil maghihiganti siya, nagkakamali ka. Pakakasalan ka niya dahil mahal ka niya."

"A-alam ba ito ni Isaiah?" nanginginig kong tanong.

"Alam niya," tugon nito. "Alam niyang mga magulang mo ang pumatay sa mga magulang niya. Pero isinantabi niya yun, dahil ganoon ka niya kamahal."

Si Isaiah. Kaya pala ganoon na lamang ang reaksiyon niya noong umuwi siya. Kaya pala naging malamig siya noong malaman niya kung sino ang pumatay sa mga magulang niya.

Unti unting nagsibagsakan ang mga luha ko. Halo halong emosyon ang aking naramdaman. Pagkalito. Guilty. Takot. Lungkot.

Kung gayon ay ang mga magulang ko ang tinutukoy niyang pumatay. Kung gayon ay malaki ang kasalanan ng mga magulang ko sa kaniya. Nasira ang buhay niya dahil sa mga magulang ko. Naulila siya nang dahil sa mga magulang ko.

Tumakbo ako pabalik sa cabin. Nilock ko yung pinto at naupo sa isang sulok. Niyakap ko ang mga tuhod ko at humagulgol.

Inisip niya pa rin ako kahit na ganoon ang nangyari. Alam kong mabigat ang kalooban niya. Noong sinabi niya sa aking gusto niyang patayin ang mga pumatay sa mga magulang niya ay sobrang determinado siya.

Hindi dapat ako mapangasawa niya. Anak ako nang pumatay sa mga magulang niya. Hindi dapat ako ang iharap niya sa altar. Hindi siya bagay sa isang katulad ko.

"Sorry, Isaiah... Sorry."

UNDERGROUND SERIES 1: Chained to the Mafia King [COMPLETED]Where stories live. Discover now