Chapter 21

25.2K 704 10
                                    


MAFEL

    MATAPOS ang nangyari noong isang linggo, pakiramdam ko ay pwede na akong makakilos ng walang iniisip na panganib o banta.

"Are you feeling well?" alalang tanong ni Isaiah.

Tumango lang ako at kinuha yung tubig na inaabot niya.

Naawa na ako, kay Isaiah, kaya muli ko siyang hinakbangan. Nasabi kasi sa'kin ni Fifth na habang nakikipaglaban ito ay suka ito nang suka at ang nasa isip ay mais, kaya ayun tinamaan siya sa balikat. Effective naman yung pabalik kong paghakbang sa kaniya, bumuti na ang pakiramdam niya at bumalik na sa'kin yung nararamdaman ng buntis.

"Yung sugat mo? Kumusta?" tanong ko rito. "Bakit tinanggal mo agad yung cast mo?"

"I'm okay." Ngumiti ito. "Are you hungry?"

Umiling ako at sumandal sa headboard ng kama. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko.

"Isaiah, gusto kong pumuntang mall." Nilingon ko siya. "Pwede ba tayong mag-mall mamaya? Gusto ko kasing magtingin ng damit para kay baby. Gusto ko rin tikman yung nutella ice cream doon. Masarap daw yun, sabi ni Pink."

Tumango ito. "Wala naman akong lakad mamaya. Pupunta tayong mall mamaya."

"Thank you." Nakangiting yumakap ako sa beywang niya.

Natawa lamang ito bago maupo sa tabi ko. Umakbay ito sa'kin at sinimulang haplusin ang buhok ko.

"Isaiah, paano pala kayong naging magkaaway ni Riffle?" ramdam kong natigilan ito sa tanong ko.

"Uhm, it's about the throne. Riffle is my half brother," bahagya akong nagulat sa isinawalat nito. "We both wants revenge. He love our father that much, after what happened to our father, he changed. Si Riffle ang unang pumasok sa Mafia world, after a years, sumunod ako. We both trained by our trainor, we both fight for the thrown. But the thrown given up to me. He became mad and joined to rebel mafia. That's where it all started." Tumingin ito sa'kin. "I became the King of all Mafia, and he became the King of all rebel mafia."

"Anong pagkakaiba ng rebel mafia, sa inyo?"

"Pareho lang naman. But rebel is worse. They didn't follow any ultors law. Gumagawa sila ng sariling batas nila, na nauuwi sa pagkadamay ng mga inosenteng tao. Mas marami ang rebel mafia, kaysa sa'min. Pero mas malakas ang alyansa namin, kumpara sa kanila." Napatango ako. "But I think the war between us is over. Si Riffle na mismo ang tumapos non, kaya wala nang magagawa ang iba."

"Paano kapag may lumabag pa rin?" tanong ko.

"Then, they will face Riffle's punishment. Hindi namin sila pwedeng galawin, pero kung ikaw ang ginalaw nila. I won't hesitate to kill them and fvcking rip their fvcking throat." biglang dumilim ang awra nito. "No one can hurt you."

"Sigurado namang walang lalabag, nakakatakot kaya si Riffle." Napanguso ako. "Kapag nagsama kayo, pakiramdam ko guguho agad yung mundo."

Natawa lang ito, bago ako halikan sa pisngi.

Saglit pa kaming namahinga ni Isaiah, bago kami tumayo at mapagpasyahang magtungo sa mall. Hindi na kami nagpalit ng damit. Naka-pajama at t-shirt na white, samantalang siya ay naka-khaki short at plain black t-shirt.

"Excited ako," nakangiting sabi ko, kay Isaiah. "Makakapunta na ako sa mall nang hindi natatakot."

"I'm happy for your recovery," sabi nito. "I'll buy, all you wan–fvck!"

Kung hindi ako naka-seatbelt ay baka tumilapon na ako sa dashboard dahil sa biglaang pag-preno niya. Bahagyang naipit ang tiyan ko, pero hindi naman gaanong masakit.

UNDERGROUND SERIES 1: Chained to the Mafia King [COMPLETED]Where stories live. Discover now