Chapter 12

26.4K 693 8
                                    


MAFEL

    HALOS lahat ng santo ay dinasalan kona, pero wala pa rin hanggang ngayon sila Isaiah.

"Balikan na kaya natin sila?" Mangiyak ngiyak kong nilingon si Pink. "Natatakot na 'ko, baka mamaya ay may nangyari na sa kanila, baka mamaya napahamak na si Isaiah."

"Ikalma mo, Mafel. . ." Napailing ito. "Si Master? Mapapahamak? Malabo pa sa blurred yan."

"Hindi malabo yun, Pink. Nabaril nga siya eh." Napanguso ako. "Alam kong malakas si Isaiah, pero may limitasyon din yun."

"Ayan na yung hinihintay mo. ." Nginuso nito yung likuran ko.

Humarap naman ako roon at bumungad sa'kin si Isaiah na kaswal na nakatayo sa pintuan habanh nakatingin sa'kin.

"Isaiah!" Tumakbo ako palapit sa kaniya at sinalubong siya ng yakap. "Kumusta ka? Hindi kaba nasaktan?"

"I'm okay, Maf. . ." Humiwalay ito sa yakap at pinagmasdan ako. "Ikaw? Hindi ba nila kayo nasundan? Hindi ba nila nakita ang mukha mo?"

Umiling ako. "Okay lang ako. Ikaw ba? Hindi ba bumuka yung sugat mo? Hindi kaba natamaan–"

Naputol ang sasabihin ko nang idampi niya ang kaniyang labi sa'kin.

"Calm down, okay?" Hinawakan nito ang magkabilang braso ko. "I'm okay, wala akong tama at hindi bumuka ang sugat ko. Don't be panic, okay?"

Dahan dahan akong tumango. "Sobra lang akong nag alala sa'yo..."

"I know, and thank you for that." Ngumiti ito. "Halika, maupo muna tayo."

Hinila ako nito paupo sa kama. Ikinandong ako nito habang nakayakap sa beywang ko.

"Si fifth?" Nagsalita si Pink. "Buhay paba?"

"Yeah," tugon dito ni Isaiah. "May tama siya, nasa underground siya, puntahan mona lang."

Napahinga ito ng malalim at tumango. "Sige, mauna na ako. Mawalan pa ng tatay yung kambal ko."

Dire diretso itong lumabas ng cabin.

"Kambal? May anak si Pink?" Pang uusisa ko, kay Isaiah. "Hindi halata sa katawan niya."

"Yeah. . . Kasal sila ni Fifth." Gulat akong napalingon sa kaniya. "Hindi halata diba? Professional kasi silang dalawa, alam nilang ihiwalay ang trabaho sa personal na buhay."

"Hindi ko napansin, ang kaswal kasi nila kanina." Napakamot ako sa ulo ko. "Buti na lang chismoso ako."

"I'm not chismoso, Maf. Nagtanong ka, sinagot ko lang," sambit nito.

Nginitian ko lang siya, bago yakapin sa leeg at halikan sa labi.

"Kung hindi kapa bumalik kaagad, balak na sana kitang balikan." siniksik ko ang mukha ko sa leeg niya. "Hindi ko kayang wala ka sa tabi ko, ayoko, Isaiah."

"Hey, I'm not going anywhere." Napapikit ako nang maramdaman ko ang haplos niya sa buhok. "I will stay here.... With you... Kung nasaan ka ay nandoon rin ako, Maf."

Tumango lang ako at lalo pang idinikit ang sarili ko sa kaniya. Na-imagine ko bigla na nabaril siya o nasaktan. Pakiramdam ko ay bumigat ang paghinga ko dahil sa naisip ko.

"Maf, your breath became heavy. Are you thinking something?" alalang tanong nito.

Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang luha kong nagbabadyang mahulog. "Iniisip ko, paano kung nasaktan ka? Ang dami kong iniisip na pwedeng mangyari, sa'yo. Bumibigat ang pakiramdam ko dahil doon."

"Maf, I told you. I won't leave. Stop think some scenario that will make you sad." Hinawakan nito ang baba ko at inangat ang ulo ko. Sinalubong ko ang mga mata niya. "Damn. Stop thinking bad, okay?"

Tumango lang ako. Inabot nito ang pisngi ko at tinuyo ang mga luha ko gamit ang kamay niya.

Maingat ako nitong binuhat at hiniga sa kama. Tumabi ito sa'kin at niyakap ang beywang ko. Pakiramdam ko ay sobrang ligtas ko sa mga bisig niya.

"I love you, Maf." sumiksik ang mukha nito sa leeg ko. "I won't leave. Promise."

Tumango lang ako.

Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pagbigat nang paghinga nito. Mukhang nakatulog na siya.

Kinabukasan ay inayos ko ang mga pinamili namin ni Pink. Grabe, nagkabakbakan na kahapon pero hindi man lang nabawasan yung mga pinamili namin. Kumpleto ring nakauwi.

Napanguso ako habang nakatingin sa white dress na isusuot ko sa kasal namin ni Isaiah. Maingat ko itong inilublob sa downy na pinabili ko kay Isaiah at maayos na isinabit sa hanger.

Nasa banyo ako ng cabin at naglalaba. Yung mga accessories at sapatos ang inayos ko sa lagayan. Yung mga damit naman ay kinusot ko ng kaunti at inilublob sa downy.

"Maf, where shout I put these?" tukoy ni Isaiah sa mga damit na nakahanger na hawak niya.

Itinuro ko yung bakal na mahaba sa labas. Mukhang pwede naman doong magsampay.

"Seriously?" kumunot ang noo nito. "Hindi ba mananakaw itong mga damit?"

Natawa ako. "Isaiah, walang kukuha niyan."

Tumango lang ito at lumabas. Bahagya akong umusad sa pinto at sinilip siya. Isa isa niyang ikinawit yung hanger sa bakal.

Maayos naman kami ngayon ni Isaiah. Walang nag open sa'min nung nangyari kahapon. Mukhang iniiwasan niya rin namang buksan ang pangyayaring yun.

Napangiti ako nang makitang pumasok na ulit ito. Itinapon ko yung downy na ginamit ko sa bowl bago linisin yung balde. Basang basang lumabas ako ng kuwarto at nakangiting yumakap kay Isaiah.

"You're wet," tukoy nito sa damit ko. "You should change your clothes, Maf. Baka magkasakit ka."

Tiningala ko siya habang nakayakap sa beywang niya. "Basa ka rin, magpalit ka rin."

Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "You make me hard, Maf."

Naramdaman ko ang isang matigas na bagay sa puson ko. "Wala naman akong ginagawa. Laging galit sa'kin yung bestfriend mo."

"He's not mad, Maf. He's just attracted at you, and wanted to own you." Pinagapang nito ang isang kamay niya patungong leeg ko. "But for now, he needs to calm down. He needs to calm down until our wedding."

Napangiti ako. "Mabait naman pala yung kaibigan mo."

He chuckled. "I love how innocent naughty you are, Maf."

Ngumisi lang ako at yumakap sa kaniya. Saglit pa akong nagtagal sa bisig niya bago ko mapagdesisyunang magpalit na ng damit. Nang makalabas ako ng C.R ay nadatnan ko itong may ka-text. Iba na rin ang damit nito.

"Maf, one of my friends invited me to his birthday party." Nag angat ito ng tingin sa'kin. "Can we go?"

"Friends? Yung mga tao noon na nasa bahay mo?" Tumango ito. "Uhmm. . . Kailan ba?"

"Later," tugon nito. "Seven o'clock."

Natatakot ako. Hindi pa rin ako gaanong sanay na may ibang taong nakakahalubilo. Lalo pa yung mga kaibigan niyang, akala mo'y papatayin ka kapag tumitig.

"It's okay–"

"Sige." Nginitian ko siya. "Punta tayo."

"Aren't you afraid?" walang emosyon man ang mukha niya pero mababakas doon ang pag aalinlangan.

Nakangiting umupo ako sa tabi niya. "Takot ako.... Pero naisip kong nasa tabi kita kaya hindi ko muna kilala yung takot. Alam kong hindi mo ako pababayaan, Isaiah. May tiwala ako sa'yo."

Lumamlam ang mga mata nito. "Thank you for trusting me, Maf. I won't break it. Promise."

Ngiti lang ang itinugon ko sa kaniya bago yumakap sa beywang niya.

"You deserved my trust, Isaiah."

"You deserved my damn thrust too, Maf."

Mahina ko itong hinampas dahil ibang meaning na yung sinasabi niya. Tumawa lamang ito bago ko maramdaman ang labi niya sa noo ko.

UNDERGROUND SERIES 1: Chained to the Mafia King [COMPLETED]Where stories live. Discover now