Chapter 6

29.8K 783 58
                                    


MAFEL

HANGGANG ngayon ay nandito pa rin ako sa hide out nila. Ang sabi sa'kin kanina ni Isaiah, ito raw ang hide out nila.

Hindi pa raw siya pwedeng umalis dito, dahil may kakausapin pa raw siya at saka titingnan pa raw ng private doctor niya ang sugat niya.

"Why are you pouting?" tanong nito.

"Wala lang, akala ko kasi makakapag-swimming tayo ngayon." Nginitian ko siya. "Pero ayos lang, ang mahalaga ngayon ay gumaling ka."

"No, we will swim-"

"-Wag na, bago pa lang 'yang sugat mo. Baka mamaya ma-infection pa 'yan," sambit ko. "At saka, one month naman tayo dito, diba? So, may time pa para makapag-swimming."

"Promise, babawi ako." Bahagya itong umusad palapit sa'kin. Hinawakan niya ang kamay ko. "Sorry for not keeping my promises, little pony."

"Tutuparin mo pa rin naman, wag ka ng mag sorry." Inabot ko ang pisngi niya at kinurot ito. "And stop calling me pony, wala naman akong sungay."

"I want to call you, pony, because you're so soft and beautiful-"

"Ehem! Ehem!" Pareho kaming natigilan ni Isaiah at napalingon sa tumikhim.

If I'm not mistaken, isa siya sa mga sinama ni Isaiah noon sa bahay niya.

"You're here, Valrio." Umayos ng upo si Isaiah at sumeryoso ang mukha.

"Everyone is here, Gallego." Lumapit ito sa'min. "Nasa basement yung iba, they torturing those motherfvckers." Bumaling ang tingin nito sa'kin. "Hello, mi lady."

Nginitian ko siya. "Hell-"

"-We can start now, Valrio!" madiing sambit ni Isaiah. "Maf, go outside. Tell to fifth to assist you."

Tunango ako at tumayo. Tahimik lamang akong lumabas. Nadatnan ko si fifth sa gilid ng pinto na nakatayo.

"Fifth, pwede bang kumain?" tanong ko rito. "Pengeng pagkain."

"Sure, mi lady." May itinuro itong isang upuan. "You can sit there, while waiting for me."

Tumango lang ako at naupo roon. Kagaya ng sinabi ni Fifth ay hinintay ko lamang siya-

"ARGHHH!" Napaigtad ako sa kinauupuan ko nang may narinig akong sumigaw mula sa likuran ko.

Nakakita ako ng isang pinto doon. Tumayo naman ako at dahan dahang lumapit doon. Akmang bubuksan kona ang pinto, pero napaatras ako nang makarinig ako ng sunod sunod na putok ng baril.

Nanginginig na bumalik ako sa kinauupuan ko. Kinutkot ko ang daliri ko at sunod sunod na huminga ng malalim.

Ilang sandali lang ay dumating na si fifth dala ang pagkain ko. Nanginginig na kinuha ko sa kaniya iyon at tumayo.

"Doon na lang ako sa kuwarto ni Isaiah," sabi ko.

Naglakad ako palapit sa kuwarto ni Isaiah. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok. Nadatnan ko siyang ginagamot ng Doctor niya.

"Dito na lang ako." Lumapit ako doon at naupo sa kabilang side ng kama. "Ayoko sa labas, naririnig ko sila."

Nilingon ko si Isaiah at seryoso itong nakatitig sa'kin.

"Okay, continue eating, don't mind me." Tumango lang ako at nagsimulang kumain.

Natural ng may mga ganoong eksena dito, dahil nga Mafia sila at hide out nila ito. Pero hindi pa rin ako sanay, feeling ko kasi ay nasa puder pa rin ako ng mga sindikatong iyon.

Yung putok ng baril kanina ay nagpaalala sa'kin sa nangyari kay Anna.

Bigla akong nawalan ng gana dahil sa mga naisip ko. Ibinaba ko ang pagkain sa bedside table at nahiga sa kama. Feeling ko lalagnatin ako.

UNDERGROUND SERIES 1: Chained to the Mafia King [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon