Chapter 4

32.6K 923 52
                                    

MAFEL

     NGAYON na ang alis namin ni Isaiah. Nakasakay kami ngayon sa kotse niya at nagda-drive siya patungong airport.

"What do you want to do once we arrive there?" tanong nito.

"Gusto ko mag-swimming," sagot ko sa kaniya. "Pero kung busy ka naman, okay lang kahit nasa bahay mo lang ako."

"Nope, busy is not in my vocabulary when it comes to you."

"Ang galing, marunong kapa lang bumanat ng mga ganiyan." Sumeryoso ang mukha nito dahil sa sinabi ko. "Bakit? May problema ba?"

"Didn't you like it?" Saglit ako nitong nilingon. "Corny ba?"

Umiling ako. "Narinig kona siya, pero hindi naman corny."

Napatango ito at may binulong.

Ilang sandali lamang ay huminto na kami sa airport. Ipinarada ni Isaiah ang sasakyan niya sa gilid at bumaba. Bumaba na lang din ako.

"Iiwan mo lang yung kotse mo dito?" takang tanong ko sa kaniya. "Baka mawala 'yan."

"Nope." Hinawakan nito ang kamay ko. "May kukuha niyan mamaya. Let's go."

Magkahawak kamay kaming pumasok sa airport. Dire diretso lamang ito na para bang siya ang nag-mamay-ari nitong airport.

"Teka, diba dapat ay titingnan nila yung passport?" Tanong ko rito.

Huminto ito sa paglalakad at nilingon ko. "No need, Maf. I have my own prive plane."

Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi nito. "May sarili kang airplane?" Tumango ito. "Tapos tayo lang dalawa ang sasakay doon?" Tumango ulit ito.

Astig!

Tuloy tuloy na kami, hanggang sa makita ko ang isang eroplano na may kulay puti at itim.

"Diyan tayo sasakay?" Tumango ito.

Dire diretso kaming umakyat sa hagdan ng eroplano. Hindi ko maiwasang hindi mamangha habang inililibot ang paningin ko sa maganda at malawak na eroplano.

"Ang ganda.."

"I know you're amaze, but we need to sitdown." Hinila ako nito paupo.

Bale, magkaharap kami sa upuan. Inabot nito ang seatbelt ko at ikinabit ito.

"Better," sabi nito at sumandal sa kinauupuan niya.

Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang unti unting pag angat ng eroplano. Napahawak ako sa kamay ni Isaiah dahil sa pagkalulang naramdaman ko.

"Are you okay?" alalang tanong nito.

Huminga ako ng malalim. "Okay na ako,"

"Do you want me to sit beside you?" Nahihiyang tumango ako. "Okay, no problem."

Tinanggal nito ang seatbelt niya at umupo sa tabi ko. Kinabit niya muna ang seatbelt niya, bago niya pagsiklupin ang kamay namin.

"You can sleep for a while," sabi nito. "Dito lang ako, hindi ako aalis."

Tumango lang ako at sumandal sa balikat niya. Pumikit ako hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

Nagising na lamang ako nang may maramdaman akong mainit sa mukha ko. Nang magmulat ako ng mata ay agad bumungad sa'kin ang sinag ng araw.

Napatingin ako sa katabi ko. Natutulog ito. Maingat ko namang kinuha ang kamay ko kay Isaiah at bahagyang ibinaba ang bintana ng eroplano.

Nilingon ko si Isaiah na natutulog pa rin. Bahagya akong tumayo at sinilip ang mukha niya. Ang kinis ng mukha niya, walang tagyawat at walang dumi. May kaunting balbas siya, pero bumagay naman sa kaniya.

UNDERGROUND SERIES 1: Chained to the Mafia King [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon