•Chapter 2: Remember her?•

1.2K 41 9
                                    

-Words can lie, actions don't.

---

Sky's POV

Nang makababa ako sa hagdanan mula sa floor kung nasaan ang office ni Miss Gray, I saw a flower. A familiar flower.

A tulips..

Familiar sa akin ang flower na 'yon, pero hindi ko na lang pinansin. Bumaba na ako para bumalik sa room namin. Hays, feeling buong breaktime ko ay kinuha ni Miss Gray.

Kaasar.

When I entered the room, sinalubong ako ng bestfriend kong si Viya. Nakalabas na rin pala ang iba para sa breaktime.

"Bakla!" Masiglang sigaw ni Viya. I haven't seen her since vacation kaya ganito na lang ang bati ng isang ito sa akin.

"Teka teka teka, ang ingay mo naman" reklamo ko sa kaniya at dumiretso na sa upuan ko.

Ang ingay niya kasi.. Magkalapit lang naman kami pero ang lakas talaga ng bunganga ng isang ito. Akala mo nakalunok ng mega phone sa lalamunan.

"Tsk, parang hindi mo ako namiss ah" Inis na sagot ni Viya. Nagpout pa ito na parang baby kaya napairap ako.

"Of course not, ang panget mo" natatawang sabi ko at inirapan ako nito.

Isa sa mga hilig kong gawin ay pikunin ang isang ito dahil sobrang laughtrip ang nagiging emosyon niya palagi. Mahilig siya mang asar, pero siya rin ang unang pikon.

"Edi wow, tara bar tayo" pag aaya niya sa akin na ikinagulat ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"BAR!? SA FIRST DAY OF SCHOOL?!" Tanong ko.

Bar? Sa unang araw ng klase? Ano na naman kaya naisipan nito at ganito 'to. Nagb'bar lang kami kapag may ic-celebrate or kapag broken ang isa.

"Sige" pag sang ayon ko na lang dahil gusto ko rin naman gumala para rin mawala sa isip ko ang professor na 'yon.

Nandito ako ngayon sa last subject for this day. Hindi gaanong nagturo ang mga professor since first daw ng school year. Puro mga paalala lang at pagsasabi ng mga kailan sa kani-kanilang asignatura.

Buti na lang at isang beses lang ang subject namin kay Miss Gray. Hindi ko kakayanin kung dalawa. Ako na naman ang magiging bunot no'n kapag siya ang professor. Parang ang laki ng galit sa akin or what.

It's 3pm, mamaya kami lalabas ni Viya ng 7pm. Ang tagal pa ng oras, yawa. Bored na bored akong sinandal ang katawan ko sa upuan ko. I tried to keep myself busy pero wala talaga akong magawa.

Naisipan ko na lang magscroll sa facebook. Wala namang ginagawa dahil naghihintay na lang kami ng oras para i-dismiss ng professor namin.

Habang nags'scroll ako, lumabas sa newsfeed ko ang pangalan ng isang professor. Nagtagal ang tingin ko ro'n nang ma realize ko kung sino ito.

Klea Luna Gray

Automatikong napangiti ako sa aking nakita. Nagdadalawang isip pa ako kung i-a-add ko ito or hindi. Baka kasi i-ignore naman ako ng babaeng 'to kung sakaling mag send ako ng friend request sa kaniya.

I was about to click her profile pero iba ang napindot ko. I accidentally send her a friend request.

Aish, hindi ko na lang babawiin. Hayaan na lang. Sana lang ay i-accept ako ni Ma'am kahit feeling ko malabo itong mangyari.

Dahil bored ako walang magawa dito sa loob ng classroom. Si Viya naman ay busy sa cellphone niya at parang may kausap. Naisipan ko na lang na bisitahin ang profile ng professor na ito.

Us, This TimeWhere stories live. Discover now