•Chapter 4: The Rain•

870 39 1
                                    

—Never be afraid of the rain.

---

Sky's POV

Ilang araw makalipas ang nangyaring 'yun, wala na ulit ni isang litrato ang nakikita ko sa utak ko. I guess, it is just some sort of imagination, 'no?
Baka, my mind is making things out of nowhere. Bored lang siguro ako.

It's lunch time and nandito kami ngayon sa cafeteria ng school.

"Sky" pagtawag ni Viya sa akin habang ngumunguya ng pizza na binili niya.

"Why?" Sabi ko sa kaniya at uminom ng juice. Yuck, juice na lasang tubig amp.

"Anong plano mo? Malapit na birthday mo, 'di ba?" pagtatanong niya sa akin.

Oo nga pala. My birthday is near, and I have no idea what to do. These past years, hindi ako excited sa birthday ko. Feels like may kulang na hindi ko maintindihan.

"Ewan. Maybe stay at home na lang" walang ganang sabi ko sa kaniya.

"Boring mo naman. Out of town na lang tayo" excited na banggit nito.

"Wow, makapag aya, libre mo ba, ha?" panghahamon na sabi ko sa kaniya.

Lakas mag-aya nito. Akala mo pera niya gagamitin sa out of town na 'to. Tho wala namang problema sa akin na ilibre sila.

"Hindi, hehehe. Suggestion lang naman." malungkot na pagkasabi niya.

"Hmm, sige. Pero, saan?" tanong ko. Simula nung umuwi kami rito sa pilipinas, i haven't really travelled a lot. Wala akong gana.

"Sa favorite place ninyo, i mean, mo. Hehe" sabi niya sabay iwas ng tingin sa akin. Weird.

"Niyo? Who do you mean by that? Tska saan 'yan?" curious na tanong ko.

"Sa Tagaytay" she said.

"Yep, pwede. Pero sino 'yung tinutukoy mong "niyo"? Tanong ko sa kaniya. Pero tahimik lang itong kumakain. Problema nito?

"Ah wala 'yon. Ang sabi ko, favorite ninyo, like kayong family" mabilis na pagkakasabi niya.
Something's wrong with her, pero hindi ko na lang pinansin.

---

Bumalik na kami sa classroom namin. Habang nagtuturo ang professor namin, biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Shit, wala akong payong.

Sana lang huminto bago i dismiss ang klase. Uulan kung kailan hindi ako nakapagdala ng payong, sana man lang ininform ako. Hahaha joke, okay corny.

Someone knocked on the door and Miss Gray comes in.

She walked inside at nagtama ang mga mata namin. Nginitian ko ito pero iniwasan lang ako nito ng tingin. Kahit saang anggulo talaga tignan, ang ganda niya. She screams authority with her white longsleeves and a pencil cut skirt, idagdag mo pa ang 2 inches heels. Woahh, perfection.

"Attention, everyone" said by our Professor which is si Miss Tan.

"Miss Gray is here to announce something. Listen first" she said at sinenyasan si Miss Gray para pumunta sa gitna.

"Good Afternoon. As you all know, Hamilton's Foundation Day is coming. This year's celebration is thru a pageant of all courses in this school" she said which makes the whole room excited for this.

"Now, i need 1 representative for the Nursing Department" she said at tinignan ako. Haha no.

"Miss, Si Sky po!" sabi ni Miller, isa sa classmate ko.

Us, This TimeWhere stories live. Discover now