•Chapter 31: Unexpected•

453 13 11
                                    

—Die with you.

---

Sky's POV




Umuwi muna ako sa bahay para sana kumuha muna ng gamit at para maligo na rin.



It has been 2 days pero hindi pa rin nagigising si Luna. Sa 2 days na 'yon ay ilang beses din siyang nawalan ng heartbeat na siyang kinakatakot ko.



I can't lose her, I just can't. Hindi ko kayang wala siya. Susunod ako sa kaniya kapag nawala siya.



I was about to walk towards the cr nang mag ring ang phone ko. Kinuha ko iyon sa table at tinignan kung sino ito.



Jessica's calling...



"Hello, Jess? Maliligo lang ako then babalik na ako diy--"



"S-sky.." napatigil ang pagsasalita ko nang marinig ko ang hikbi ni Jess.



"Jessica? What happened?? Si Luna?" pag bomba ko ng tanong sa kaniya.



Kinakabahan na ako. Siya ang naiwan ro'n at si Z and Viya. Binilin ko muna na doon sila at bantayan si Luna hanggang sa makabalik ako.



"S-si Luna.....S'sky...W-wala na siya" pag-hikbi nito na siyang ikinipanlumo ko.



"N-no" saad ko at dali daling lumabas ng kwarto at tumakbo sa labas.



"Sky?" Tanong ni Mama ngunit hindi ko ito pinansin.



Tumakbo ako palabas ng bahay at tinakbo ng mabilis para makarating sa kotse ko.



I can't contain my emotions, hindi ko kaya.



No, Luna.



Pumasok na ako sa loob ng kotse ko at pinaadar ng mabilis ang kotse ko. Luckily walang traffic.



Hindi ko alam kung paano ako nakakapagmaneho habang natataranta at nagmamadali. Sa bilis ng takbo ko, pwede akong mabangga anytime.



Pagka pasok ko sa loob ng hospital ay agad akong nagtungo sa elevator. Wala akong pake kung may mabunggo man ako or matamaan.



Pagka labas ko ay agad kong nakita sina Jess, Z and Viya na nakaupo sa upuan sa dulo.



Tinakbo ko agad ang direksyon na iyon at tinanong sila.



"Si Luna!? Nasaan siya!?" Tanong ko sa kanila pero tanging hikbi lang ang natanggap ko.



I saw Luna's room open kaya pinasok ko ito. I saw her, wala nang heartbeat at nakatalukbong na.



Ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay pumatak na. Parang nag slow-mo lahat sa paligid ko at dahan dahan akong naglakad patungo sa higaan niya.



"L-luna?"



"Love?" Tanong ko at nagbabaka-sakaling sumagot ito pero hindi. Niyakap ko ito ng mahigpit ay dito na humagulgol ng iyak.



"Loveee!! No!!! Please wake up....please..I can't..I don't want....baby please.." pag iyak ko habang nakayakap sa kaniya.



"This is not a good joke, please wake up....l-love..no...please.."



"I can't..."



Sa pagsasalita ko kay Luna ay naramdaman kong may humihila sa akin sa likod.



"S-sky...tama na..tara na." Boses ni Jess habang umiiyak ito.



"Ayo'ko!! Dito na lang ako...Luna!!!" Patuloy na pag iyak ko at sinisigaw ang pangalan ni Luna.



Hindi ko kayang wala siya. Marami pa kaming pangarap dalawa. Marami pa kaming plano na magkasama. This is not right.



Please wake me up.



Sa gitna ng pagiyak ko ay napagdesisyon ko nang tumigil.



"Tatawagan ko lang si Mama. Process na natin ito" sabi ko at nagmadaling maglakad papalabas.



Dumiretso ako sa elevator at pinindot ang pinaka taas ng floor.



Rooftop..



Pagkabukas ng elevator ay naglakad na ako papasok sa pinto at tinahak ang hagdan papunta sa rooftop. Pagka bukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin ang malakas na hangin.



Naglakad ako papunta sa dulo at tumayo roon. Bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng mga luha na kanina lang ay pinipigilan ko.



"ANG DAYA MO NAMAN, LOVE EH! AKALA KO BA HINDI MO AKO IIWAN?! LOVE? NASAAN KANA!?" pag sigaw ko habang nakatingin sa langit.



Kasabay ng iyak ko ay ang ulan na parang sumasabay sa bigat na nararamdaman ko.



"love..please...comeback.." napayuko ako habang nakapikit ang mga mata ko.



Nag flashback sa akin lahat ng memories na magkasama kami ni Luna.



Mula pagkabata, pagkakahiwalay, sa school ang pagkakabangga namin sa isa't isa. Lahat lahat. Bumabalik ito sa akin.



Tumingin ako sa langit at ngumiti.



"I can't live without you, love..." huling sabi ko.



Nilaglag ko ang sarili ko sa building ng hospital na ito hanggang sa maramdaman ko ang mabigat na pagbagsak ng katawan ko sa lupa.



Wala akong naramdamang sakit, kun'di kasiyahan na alam kong magkikita kaming muling dalawa.



"I love you, Luna" huling sabi ko at bumigat na ang talukap ng mata ko.



The end...



---









































Izza prank!! Hehehe, sorry na guys, wala akong magawa eh.



Joke lang 'yang update na 'yan, mwehehehehe



Payag ba kayong hindi sila endgame?



What if patayin ko si Luna?



Hahahahaha..



Publish ko 'yung next update sa Tuesday.



Hehehe sorry na, i love you guys!! 🥹🥹



Interact with me, please!! Mwah!









































---

Don't forget to vote hehe🖤

Us, This TimeWhere stories live. Discover now