•Chapter 32: Comatose:

508 15 0
                                    

—I thought we will be dreaming together...But why did I stay awake......alone?

---
Sky's POV

"Sky, na ready mo na 'yung part mo sa thesis? Bukas na defense natin" tanong ni Z sa akin kaya naman lumingon ako rito.

"Oo, ready na" sagot ko at nag thumbs up.

Nasa school kami ngayon at nag-ha-handa ang lahat para sa aming thesis defense tomorrow.

Wala nang activities or project ang pinagawa sa amin. Lahat sila ay pinag-focus kami sa defense para hindi masyadong maraming trabaho.

Syempre, Ako, si Z at si Viya ang magka-grupo. Kami naman palagi lalo na kapag groupings ang pinag uusapan. Kami kami lang naman ang magtutulungan.

Bukas na ang thesis defense namin, aaminin ko kinakabahan ako pero may excitement akong nararamdaman.

Isa sa mga strenghts ko ang reporting at memorization. Aaminin kong magaling ako sa ganiyan.

Mabilis akong makakabisado ng mga paragraph or essays lalo na kapag sinisipag ako. In that way, mas lalo kong naiintindihan ang message bawat sentences.

"Class, tomorrow na ang thesis defense ninyo. There are three to four panelist bukas. Goodluck to your defense. I will see you all sa graduation march, okay?" Masiglang sabi sa amin ng professor namin.

"Yes, Ma'am!" Sabay naming sabi lahat.

"Perfect. Okay, class dismissed. Take care everyone" sabi ni Ma'am at inayos niya na rin ang mga gamit niya.

Nagsilabasan na ang mga students habang kaming tatlo ay nag aayos pa ng mga gamit namin.

"Daan muna tayo sa supermarket bago dumireto sa hospital" sabi ni Viya kaya naman tumango ako.

"Oo, may bibilhin din ako ro'n" sabi ko naman at isinukbit ko na ang bag ko sa balikat ko.

"Let's go?" Rinig ko ang boses ni Jess sa pintuan kaya naman nilingon ko ito. Kasama niya si Van at dala na rin ang mga gamit nila.

"Yup, tara" sabi ko at naglakad na palabas ng classroom.

"Saan tayo?" tanong ni Jess sa amin habang pinaglalaruan ang susi.

"Sa supermarket muna, may bibilhin kami" sagot ni Z kay Jess.

"Sakto, nagugutom na rin kami. Bili na lang tayo ng food tapos sa hospital na tayo kumain" sabi ni Jess.

"Ayon naman talaga gagawin natin. Take out na lang" saad naman ni Z pabalik kay Jess kaya naman napangiti ako.

They really value Luna a lot.

"Tomorrow is your thesis defense, right? Ready na kayo?" Tanong ni Van sa amin.

"Yes. Si Sky pa, baka nga kabisado na niyan buong thesis paper" sabi ni Viya habang natatawa.

"Medyo, malapit na" sabi ko at napatigil sila.

"Weh?" , "'di nga?" Sabay nilang saad.

"Hindi ba kayo marunong mag take ng sarcasm, ha? Jusko" natatawang sabi ko sa kanila.

Natawa si Jess at si Van habang nangasim naman ang mukha ni Z at ni Viya.

Well, oo, totoo naman, except lang sa tables na meron sa thesis.

"Hahahaha tara na nga" saad ni Jess kaya naglakad na ulit kami patungo sa parking lot.

"Ako magd'drive" pag-hablot ko ng susi kay Jess kaya naman nagulat ito.

Us, This TimeWhere stories live. Discover now