•Chapter 34: Awake•

470 23 1
                                    

-You are always worth the wait.

---

Sky's POV

"Sky, anong oras ka pupunta sa Film station?" tanong ni Jess sa akin.

"Mamaya sigurong hapon" sabi ko at naupo sa upuan sa tabi ng higaan ni Luna.

"Aalis na rin pala ako mamayang tanghali. Pupunta ako sa tagaytay." sabi ko at binuksan ko ang phone ko.

"For what? Anong gagawin mo ro'n?" tanong ni Van sa akin habang gumagawa ng kape.

"Sa business ni Luna. Nakapangalan din pala sa akin 'yun. Shared kami, kaya ako tinatawagan ever since na coma si Luna last year" sabi ko at tumingin sa kanila.

"You have been managing their business? Tapos hindi man lang namin alam?" sabi ni Z habang nag pout pa.

"Hindi ko naman kasi alam na hindi niyo pala alam. Tska, ito ang unang beses na pinapapunta ako ro'n. Mostly on calls lang naman ako" sabi ko na lang.

"Samahan ka namin? Para rin maka labas tayo ulit" sabi ni Viya.

"Hindi na, guys. Tska walang bantay si Luna rito. Si Mama kasi umalis, probably bukas or mamayang gabi pa ang balik no'n" sabi ko.

"Okay, okay. We will stay here na lang. Tinatamad din naman ako" sabi ni Jess kaya ngumiti na lang ako.

It has been a week since graduation and things are back to normal. Pero ngayon, full time akong nagba-bantay sa hospital para kay Luna.

Tapos na ang studies ko, at balak ko munang mag-pahinga bago namin i-take ang bored exams. Ayon ang napag usapan naming tatlo. We will take a rest first before kami mag take ng exams to become a registered nurse.

Gusto muna namin ipahinga ang mga utak namin na nang-galing sa studies bago mag aral ulit para sa exams.

Regarding naman sa business ni Luna sa Tagaytay. A resort that her late parents left to her. Ako na ang pansamantalang nag mamanage nito.

Nagulat din ako nang tawagan ako ng staff niya to ask about Luna. At first, akala ko babae ni Luna pero nagpaliwanag naman agad ang babae.

They even explained to me about my name being in it. Si Luna ang nag-lagay ng pangalan ko sa papers and owners ng resort na iyon.

Nung una, hindi ko alam ang kung paano ito ima-manage pero habang tumatagal, ay okay na rin pala.

Pinapa-punta nila ako roon just to sign some papers at hingin ang opinion ko sa isang building na naka schedule ipa renovate. They let me choose the designs dahil daw girlfriend at co-owner naman ako ni Luna.

Wala namang problema sa akin iyon since same naman ang taste namin ni Luna pagdating sa design and outlines ng building.

At kahit siguro gising si Luna ay sa akin niya pa rin ito papa lay out at ipapa designs.

Pupunta ako roon mamayang tanghali para makabalik din ako sa Manila ng hapon dahil dadaanan ko pa 'yung disc na pinagawa ko.

It was the disc of my video I made for her. Pinagawa ko ito sa isa sa mga close friends ko kaya pwede kong kuhanin every time na free ako.

I am actually free everyday since wala naman talaga akong ginagawa. Ayaw ko lang iwanan si Luna rito.

Pero ngayong araw ay need ko talagang umalis dahil need ako sa tagaytay para sa resort nila at para na rin bumili ng kung ano ano.

"Ano pala ang breakfast natin?" napabalik ako sa wisyo ko nang marinig kong magsalita si Viya.

"Ah, we ordered na ng breakfast sa Jolibee. On the way na raw ang rider" sabi ni Van.

Us, This TimeWhere stories live. Discover now