•Chapter 13: Sick•

760 28 2
                                    

Sky's POV

Everyday feels surreal. I'm still happy dahil we're getting comfortable in each other. I feel like bumabalik kami sa dati. Nakikita ko na ulit ang soft side niya.

"Excuse me po, Miss Van" someone at door said that kaya napalingon kami.

"Yes?" Miss Van said. Speaking of Miss Van. Nagtuturo na siya ulit sa amin pero ibang subject na. Hindi ko alam kung bakit siya binalik sa department namin pero magaan sa pakiramdam knowing na isa siya sa mga malapit na kaibigan ko. Hahahaha ikaw ba naman may kaibigan tapos may ka something na professor eh.

"Pinapatawag po ni Miss Gray si ate Sky" the girl said kaya napalingon ako. I saw Miss Van smiled at me at tumango ito. Tumayo na ako at lumabas ng pintuan.

"Bakit daw?" I asked the girl.

"Hindi ko po alam, ate" she said and she smiled at me. She's cute. 1st year student siya. Malalaman 'yun dahil iba ang type ng uniform niya sa uniform namin. She's a girly type, mahinhin at palangiti. Nakakahawa ang ngiti niya.

"Ate, ang ganda niyo po" she said kaya napangiti ako. A lot of people knows me because of my title na Miss Hamilton. After that pageant ay sumabog ang notif at friend request ko. Hindi ko naman sila ma accept lahat dahil hindi ko naman sila kilala. May mga bumabati sa akin kapag naglalakad ako sa hallway. Kapag kasabay ko si Miss Klea ay iniirapan nito ang mga bumabati sa akin. Sabi niya ay pa cute raw ako masyado. Hahahaha konti na lang ay iisipin ko nang pinagseselosan nito ang mga students na'yon.

Ehe ako lang 'to.

"Thank you. Sige na, bumalik kana sa class mo" i said at ngumiti pabalik. Tumango ito at umalis na. Naglakad na ako papunta sa office ni Miss Klea. Napangiti ako while fixing myself. Excited ako huwag kayong ano.

I knocked 3 times at pumasok na. There I saw Miss Klea na nakayuko sa lamesa niya.

Is she sleeping?

Lumapit ako rito at hinawakan siya. Shit. Inaapoy siya ng lagnat. Medyo nataranta ako pero I manage to make myself calm.

"Miss Klea? Wake up" i said while tapping her cheeks.

"Miss Valeria?" She asked kaya tumango ako.

"Bring me home" she said. At somepoint, natuwa ako dahil ako ang pinatawag niya. She wants me to take care of her. Pero may class ako, shocks anong gagawin ko?

Ahh, alam ko na.

"Wait lang, Miss" i said at kinuha ko ang phone ko sa bulsa. I dialed Jess' number.

"Hello, Sky? What's up" Jess said on the other line.

"Jess, could you do me a favor?" I said at medyo nap'panic na. Pero pinapakalma ko ang sarili ko. I don't have the reason to panic, maybe because si Miss Klea kasi 'yun eh.

"Sky? Everything's fine?" She asked at ramdam kong nagaalala siya.

"Inaapoy ng lagnat si Miss Klea. She wants me to bring her home. Pwede bang i excuse mo na lang ako sa mga prof ko?" I pleaded her.

"Ah sige sige, i'm on it. Kaya mo ba?" She asked.

"Yes, Jess. Thank you" sabi ko sa kaniya.

"Alright. Drive safe, Sky. Ako na bahala" she said at pinatay na ang call. Buti na lang talaga ay may pinsan akong teacher din dito.

Bumalik na ako sa pwesto ni Miss Klea. I fixed her things at kinuha ko na rin ang bag niya. Kinuha ko na ang susi ng kotse niya para hindi na ako mahirapan mamaya.

Us, This TimeWhere stories live. Discover now