•Chapter 5: Actions•

797 40 0
                                    

—Actions speaks louder than words.

---

Sky's POV

Masama ang pakiramdam ko ngayon. Maybe because naulanan ako kahapon tapos naligo pagkarating. Pero wala akong choice, kailangan kong pumasok ng maaga. May practice kami ngayon ni Miss Gray. Need ko rin ibalik ang jacket niyang ginamit ko kahapon.

Flashback..

"Ma, i'm here!" Saad mo pagkapasok ng bahay.

"Oh anak, bakit basang basa ka?" nagaalalang tanong ni Mama.

"Naulanan ako, Ma. Nakalimutan kong may payong ako sa kotse kaya tinakbo ko"

"Nako, magpalit ka at baka magkasakit ka niyan" kinuha ni mama ang gamit ko.

"Ma, can you please wash this jacket. Ibabalik ko 'yan sa may ari bukas" saad ko at akmang aakyat na sana ng hagdan nang biglang magsalita si Mama.

"Who's jacket this is?" takang tanong ni Mama habang nakatingin sa akin.

"Miss Gray's" simpleng sagot ko.

"What's her full name, by the way?" Tanong ni Mama.

"Klea Luna Gray" i said.

"Ah, s-sige" sambit ni Mama at umalis na.

People are getting weirder these days.

End of the flashback..

May times na nagiging iba si Mama kapag binabanggit ang pangalan ni Miss Gray.
Bakit kaya?

I parked my car and lumabas na ako para dumiretso sa office ni Miss Gray. Inagahan ko talaga at baka mamaya at bumuga na naman ng apoy ang dragon na 'to. Mahirap na.

Kahit na nilalagnat ako ay kaya ko naman umarte na okay lang. I need to do this since kasalanan ko rin naman. Paulan pa, Sky.

Nandito na ako sa tapat ng pinto ng professor ko. I knocked two times then i heard the voice of that woman.

"Come in"

I breathe out at pumasok na sa office niya.

"Good Morning, Miss" magalang na sabi ko. Pero wala akong nakuhang sagot.

"Change your clothes to the ones that I told you to bring" she said without even looking at me.

"Ang aga aga, ang sungit" mahinang sabi ko.

"You're saying something?" She asked.

"Ay wala po. Magpapalit na po ako" I told her then headed to the cr of this office.

Pagkalabas ko, ay tinignan ako ni Ma'am at umiwas na rin ng tingin.

"Miss, ito po pala 'yung jacket ninyo kahapon. Pinalaba ko na po iyan kay Mama. It's clean, Miss. Thank you po" i said.

Nilagay ko sa table niya 'yung paper bag na pinaglagyan ko ng jacket niya. She's been silent for a few seconds and I noticed that her facial expression turns into something unexplainable. She looked at me pero binalik niya rin sa ginagawa niya ang tingin niya. Luh?

"Okay, let's start. Let's practice your posture first" she said. Tumayo siya then lumapit sa may couch. Tumayo na rin ako para lapitan siya.

Us, This TimeWhere stories live. Discover now