•Chapter 35: Amnesia?•

637 24 3
                                    

-Your mind probably forgot about me. But your heart never will.

---

Sky's POV

"Luna's awake....Sky"

The moment i heard those words ay natigilan ako sa paglalakad ko. Parang nag-echo sa buong sistema ko ang narinig ko kay Jessica.

Bahagya ko pang kinurot ang sarili ko sa hita para lang alamin kung nananaginip lang ba ako or hindi. Please, tell me this is all real.

"W-what?" ang tanging response ko na lang sa kaniya.

"Sky! She is awake!" pag ulit nito sa akin.

"But, She have--"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito at tumakbo na ako papunta sa kotse ko at pumasok na sa loob. Pinaandar ko na ito na walang pagaalinlangan.

Pero kapag sinusubok ka nga naman ng pasensya mo ay talagang ma-ba-badtrip ka.

"Bakit ngayon pa nag traffic!? Fuck" inis na sabi ko at hinampas ang manibela.

Bakit biglang dumami ang mga sasakyan dito sa kalsada? Bakit ngayon pa naging traffic? Hindi ko alam kung swerte o malas ba ako dahil sa mga nangyayari ngayon.

Excitement and disappoinment ang nararamdaman ko ngayon.

Excitement dahil finally, gising na siya. Gising na si Luna. Pero on the other side, disappointed ako dahil wala ako roon sa tabi niya nang magising siya. I should be there.

Malapit na ako sa hospital pero nakaramdam na rin ako ng konting kaba sa loob ko. Normal lang naman ito since ito ang unang beses sa loob ng mahigit isang taon na hindi kami nakapag usap.

Pero kakaiba ang kaba na nararamdaman ko sa loob ko. Like, something is happening na hindi ko maintindihan.

"Shocks...Kalma lang, Sky." i mumbled to myself nang makapasok ako sa parking lot ng hospital.

Madali kong kokinuha ang mga gamit ko. Pinasok ko sa loob ang disc na kinuha ko kay Adi kanina. Sinukbit ko ang bag ko sa katawan ko at kinuha ang phone ko.

I got out of the car and ran as fast as I could para makahabol sa elevator na pasarado na. Buti na lang ay naka abot ako at luckily, walang tao. Para akong tangang hingal na hingal dito.

I cursed my mind sa bagal ng elevator na ito. Ngayon lang ata ako nabagalan sa kilos ng elevator. Maybe because i feel like ang tagal ng oras kaya ganito.

After that one minute hell inside the elevator ay finally bumukas na rin ito sa floor kung nasaan ang kwarto ni Luna.

Pero, ako naman ang bumagal sa paglalakad dahil ramdam ko na naman ang kaba na hindi ko alam saan nang-gagaling.

Ang lakas ng tibok ng puso ko habang papalapit sa kwarto niya. I feel like, everything around me stops for a moment at tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig ko at wala nang iba.

Nang makarating ako sa tapat ng pintuan niya ay napatigil ako at parang wala akong lakas na pihitin ang door knob at pumasok sa loob.

Para akong naestatwa sa harap ng pintuan niya. Alam kong pinagtitinginan ako ng mga tao na dumadaan pero wala akong pake.

Huminga ako ng malalim. Pinihit ko ang pintuan at pumasok ako sa loob. Sinalubong ako ng kabibinging katahimikan.

I looked at Jess pero iniwasan ako ng tingin nito. Even them, lahat sila ay mababakas ang lungkot sa mga mukha nila.

Bakit?

Until my eyes found Luna. She is sitting now in her bed looking at me.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang luhang tumulo sa mga mata ko. But one thing is for sure, I felt happy for the first time again after a year.

Us, This TimeWhere stories live. Discover now