CHAPTER ONE

5.4K 71 0
                                    

"Nako, Aurelia mabuti naman at nandito kana, bilisan mong umuwi dahil may nangyayaring hindi maganda sa bahay ni'yo ngayon. "tarantang salubong sa kanya ni aling Mercedes. Isa sa matanda nilang kapitbahay.


Nanlaki ang kanyang mata. "Ho? Bakit ho? ano bang nangyayari? " kinakabahan niyang tanong.

"Ang kapatid mong si Elle, pilit pinapasakay sa van ng mga naka-unipormeng lalaki. " kumabog ng mabilis ang kanyang dibdib at agad na mabilis na tumakbo patungo sa kanilang bahay.


Nadatnan niyang pilit na pinapasakay ng kanyang Tiyahin ang kanyang nakababatang kapatid na si Elle sa isang kulay itim na van.


'Sinabing sumama Kana eh! '


'Ayaw ko po tiya! '


Kita niya mariing pagtanggi nang kanyang kapatid. Pilit itong kumakawala sa pagkakahawak sa mga nakaitim na unipormadong mga lalaki.



"Elle! "


Malakas ang boses niyang tawag dito na ikinalingon nila sa kanya. Nanikip ang kanyang dibdib matapos makita ang mata nitong luhaan. Agad niya itong kinulong sa kanyang mga bisig nang siya'y makalapit.



Sinapo niya ang mukha nito kalaunan at mariin itong tinitigan sa mata. "Anong nangyari ha? " nag-aalala niyang tanong. Hindi ito sumagot at patuloy lang na humihikbi kaya nilingon niya ang kanyang tiya Isabel.


Magkasalubong ang kanyang kilay. "Tiya ano 'to? Anong ibig sabihin nito? Bakit 'niyo pilit na pinapasakay ang kapatid ko sa van na yan? " naguguluhan niyang tanong.


Pinamewangan siya nito habang humihithit sa hawak na sigarilyo. Binuga nito ang usok sa kanyang mukha dahilan kung bakit maubo siya ng malanghap ang usok.


"Anong ibig sabihin nito? Hindi ba halata? Ipambabayad ko yang palamunin mong kapatid kay Mr. Cheng, para mabayaran ko na ang aking utang total wala namang kwenta iyan! " galit nitong singhal.


Dumilim ang kanyang paningin at nag tagisan ang kanyang ngipin dahil sa sinabi nito. Mahigpit na kumuyom ang kanyang kamao at galit na tinapunan ito ng tingin.


Kapal ng mukha, eh siya nga itong palamunin lang.


"Ano ho ang karapatan ninyo para gawin to sa kapatid ko? At ano? palamunin? Bakit hindi po ninyo tanongin ang sarili ni'yo kung sino sa inyong dalawa ang palamunin lang? Baka nakakalimutan mo tiya. Bahay mo nga ito pero ako ang bumubuhay sayo. " galit niyang sagot at hindi naiwasang sumbatan ito.


Nag-ngitngit ang ngipin nito sa galit at pinanlilisikan siya ng mata bago tinapon sa kanya ang upos nitong sigarilyo na tumama sa kanyang balat. Napangiwi siya dahil sa init at sakit. Suminghap siy at tiningnan ang namumula niyang balat dahil sa paso.


"Pinagmamalaki mo pa talaga yang trabaho mo? Hah! Maliit nga lang ang sweldo mo diyan eh. At kung hindi dahil sa akin ay baka matagal na kayong patay. Wala kayong utang na loob na magkakapatid! " galit nitong sikmat.


"Halah sige, isakay niyo na ang punyetang babaeng yan! " Utos nito.


Dahil sa sinabi ng kanyang tiya ay agad na nag si-kilos ang mga naka-unipormeng itim na kalalakihan at pilit silang pinaghiwalay na ikinataranta niya at ng kanyang kapatid.



"H-HINDI! HUWAG NINYONG KUNIN ANG KAPATID KO!!"


Malakas niyang sigaw at pilit na hinahampas ang kanilang mga kamay. Tinago niya ang aking kapatid sa kanyang likod para hindi nila ito makuha. Mahigpit namang yumakap ang kanyang kapatid sa kanya habang umiiyak. Binaon nito ang mukha sa kanyang likod at doon mas lalong humagolgol.



 POSSESSION SERIES 1: HUNTER GRAYSON [Soon To Be Publish]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें