CHAPTER NINE

2.5K 49 0
                                    

Kinabukasan ay maaga siyang nagising. Nasa guest room parin siya natutulog dahil hindi na sila kasya sa maid's quarter. Hindi naman siya pinapaalis ng senyorito at hinahayaan lang siya r'ong manatili. May mga damit ring binigay sa kanya ang tatlo kaya yun muna ang pansamantalang sinusuot niya dahil wala pa siyang perang pambili nang sariling gamit. Siyaka na siguro siya bibili kung may sahod na siyang matatanggap.


Nagtaka pa sila kung bakit wala siyang dalang gamit. Dinahilan niya nalang na nanakawan siya habang naghahanap ng trabaho.


Naghilamos at nag sipilyo muna siya bago bumaba. Napagpasyahan niyang tumulong sa pagdidilig ng halaman dahil wala pa naman siyang ibang gagawin dahil wala namang labahan ang pinapalabhan sa kanya ni nanay Isme.


Dumeretso siya sa likod ng bahay dahil naroon ang malawak na harden na puno ng iba't-ibang bulaklak. Gaya na lamang ng rosas na iba't iba ang kulay, there's red and pink. Meron ring tulips. Pink tulips‚ that symbolizes happiness and confidence. Purple tulips that symbolizes royalty. And other kind of flowers. Tinahak niya ang faucet at pinaandar at tinapat ang water hose sa mga bulaklak.

Ilang minuto pa ang kanyang ginugol sa pagdidilig bago natapos. Pinatay niya ang faucet at nilagay sa tamang lagayan ang water hose bago pumasok ulit sa mansyon.

Nagtungo siya sa kusina at doon nadatnan si nanay Isme na siyang nagluluto.

"Magandang umaga po nanay Isme " bati niya at binigyan ito ng matamis na ngiti.

Bakit ito ang nagluluto? Akala niya ba ay may cook?

Nilingon siya nito at binati pabalik." Magandang umaga rin sayo hija‚ ang aga mo naman yatang nagising? Hindi pa nga nagigising yung tatlo. " manghang saad nito.

"Sinadya ko po talagang agahan ang gising nay dahil balak kong tumulong sa mga gawain, wala pa naman po akong gagawin ngayon kasi wala pa kayong binibigay sa akin na labahin ng senyorito. " Sagot niya at tinungo ang counter at umupo sa mataas na upuan.

Tumango nalang ito at hindi na nagsalita pa.

"Bakit po pala kayo ang nagluluto ngayon? Diba po may mga cook naman? " Nagtataka niyang tanong habang nakatitig sa ginagawa nitong paghalukay sa nilulutong ulam.

"Nagkasakit kasi ang anak ng kaisa-isang cook natin dito‚ nag file muna siya ng leave kaya ako na muna ang magluluto pansamantala. " Tumango siya at nag pangalumbaba.

Marunong siyang magluto ng kahit na anong ulam pero huwag lang yung pag piprito dahil takot siya sa talamsik ng mantika. Baka masunog pa yung piniprito niya at hindi na makain‚ masasayang lang pag nagkataon kaya nga iniiwasan niya ang pag piprito.


"Hindi kaba muna iinom ng kape? Maaga pa naman‚ mamaya pa bababa ang Senyorito kaya mabuti pang mag kape kana muna. " pag–aalok ni nanay Isme

Napakamot siya sa kanyang batok at nahihiyang sumagot.

"Hindi po ako umiinom ng kape nay. " Sagot  sa mahinang boses. Kagat labi niyang pinagmasdan ang reaction nito ngunit nagulat siya ng hindi nagbago ang reaksyon nito. Seryoso lang ang mukha habang nasa hinahalong ulam ang paningin.

Nakahinga siya ng maluwag nang hindi siya nito nilingon at tinaasan ng kilay. Ganoon kasi ang ginagawa ng kanyang tiya Isabel. Sinasabihan pa siya nitong maarte.

Sadyang ayaw niya lang talagang uminom ng kape dahil sa kanyang allergy. It's called anaphylactic shock kung saan mamaga ang mukha, mata at dila niya kapag iinom siya ng kape. Minsan na niyang maranasan ang pagsumpong ng kanyang allergy nang pilitin siya ng kanyang Tiya Isabel na painumin ng kape.

 POSSESSION SERIES 1: HUNTER GRAYSON [Soon To Be Publish]Where stories live. Discover now