CHAPTER FIVE

2.6K 46 1
                                    

“Nasa baba si Mr. Cheng, Mukhang may hindi magandang nangyari dahil madilim ang anyo ng mukha nito. ” Imporma ni Carol pagkapasok sa kanyang kuwarto kinahapunan. Agad bumundol ang kaba sa kanyang dibdib ng malamang nakauwi na naman ito.

Hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan‚ napansin ito ni Carol kaya magaan at nag-aalala nitong hinawakan ang kanyang kamay.

“Relax‚ huwag kang kabahan. ” pagpapakalma nito sa kanya.


She heaved a deep breath and calm her self. Walang mangyayari maganda kung patuloy niyang ipapakita rito na takot siya.

Tok! Tok! Tok!

Nahinto sila sa pag-uusap ng may biglaang kumatok sa pinto.

“Ako na. ” pigil sa kanya ni Carol ng akmang tatayo siya para pagbuksan ang kung sinong kumatok.

Hinayaan niya nalang ito at pinanood na naglakad palapit sa pinto at pag buksan ang kung sino mang kumatok. Hindi niya nakita kung sino ang nasa labas dahil kunting siwang lamang ang binuksan ni Carol.

“Ano po 'yon nanay Belinda? ” rinig niyang tanong ni Carol. Medyo nakahinga siya ng maluwag ng malamang ang matandang mayordoma lang pala ang kumatok.


“Pinapababa si Aurelia ni Mr. Cheng. ” Namutla siya dahil sa narinig. Huminga siya ulit ng malalim at pinikit ang mga mata at tahimik na nag dasal sa isip.

Bakit siya pinapababa? Anong kailangan nito?  Gagawin ba ulit nito 'yon sa kanya? Hindi malabong hindi mangyari yun.


Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi na ikinasugat nito. masyado niyang nadiin ang pagkakakagat kaya nalasahan niya ang kunting dugo. Halos puro sugat na ang kanyang labi dahil sa kanyang pagkakagat. Hindi pa nga naghilom ang putok sa kanyang labi. Meron na naman.

Rinig niya ang pagsagot ni Carol bago sinara ang pinto at naglakad papunta sa kanyang gawi.

“Pinapababa ka. ” Mahinang saad nito.

Nagdadalawang isip siyang tumango at walang imik na tumayo sa kama at lumabas ng kuwarto at naglakad pababa. Hindi siya mapakali. Mabuti nalang at nariyan si Carol para pakalmahin siya.

Sinamahan siya nito pabababa. Nang makita si Mr. Cheng na prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa ay agad siyang napatigil sa paglalakad. Bumalik ang panginginig ng kanyang katawan sa takot na baka saktan na naman ulit siya nito dahil sa madilim na anyo ng mukha nito.



Sinenyasan siya nito na lumapit ng mapansin ang kanyang pagbaba. Sunod– sunod siyang napalunok at maliliit ang ginawang paghakbang. Nanginginig ang kanyang tuhod, ano mang oras ay baka babagsak na siya. Grabeng trauma ang dinulot nito sa kanya.



“BILISAN MO ANG KILOS PUTANGINA!!”

Napaigtad siya dahil sa malakas at puno ng nagtitimpi nitong sigaw. Mabilis siyang naglakad patungo sa kaharap ng kinauupuan nito. Parang halos takbuhin nalang niya ang pang–isahang sofa dahil baka magalit pa ito ng husto.


Nang makaupo siya sa harap nito ay mas dumoble ang kanyang takot. Pinagpawisan narin siya ng malamig.

“Bukas na ang ating kasal. ” imporma nito. Napantig ang kanyang tenga sa narinig. Nanlaki ang kanyang matang nilingon ito.

Seryoso itong nakatitig sa kanya. “ B-bakit ang bilis? ” nauutal niyang tanong.

Akala niya ba dalawang buwan pa bago ang kasal kuno nila?  Anong gagawin niya? Ayaw niyang mai–kasal sa manyak na matandang ito. Hindi siya mapakali sa upuan dahil sa sobrang pag o–overthink.


Nag salubong ang kilay nito at matalim ang mga mata siya nitong tiningnan.“Ikaw, huwag mag reklamong babae ka, dahil ikaw pambayad utang ka lang akin at magiging parausan lang kita. ” madiin ang bawat salitang binibitawan nito gamit ang chinese accent. Minsan lang maging tuwid ang pananalita nito.

Palihim niyang kinuyom ang kanyang kamao. Tss! Akala ba nito mangyayari 'yon? Mamamatay muna siya bago maging parausan nito.

Hindi siya nagsalita at palihim lang na tinutupok ito ng matalim na tingin.

“Bumalik kana iyo kuwarto at wag na wag kang lalabas. ” may pagbabanta sa boses nito at pinanlilisikan siya ng mata.


Balisa siyang bumalik sa kanyang kuwarto. Namamawis rin ang kanyang mga palad, hindi alam ang gagawing plano para makaalis dito.

Napabaling ang kanyang paningin sa pinto nang bigla itong bumukas. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang si Carol lang pala 'iyon.



“Narinig ko ang pag-uusap ninyo kanina. Payag ka ba talagang maikasal kay Mr. Cheng? ” agap na tanong nito pagkalapit sa kanya.


Malungkot siyang bumuntong hininga at hinarap ito at paulit-ulit na umiling.


“A-ayaw ko...Ayaw kong mai–kasal sa matandang iyon. ” nanghihina niyang sagot.

Ayaw niya naman talagang makasal sa matandang intsek na iyon. Kahit naman sino hindi papayag na maikasal sa matandang mabaho ang hininga, kulubot ang balat, at malaki ang tiyan. Talo pa nito ang buntis.


“Itatakas kita. ”

Napaawang ang kanyang bibig at nanlaki ang mata, umurong rin ang kanyang luha at parang nabuhayan ng pag–asa. Ngunit nang maalala ang mahigpit na seguridad ay agad ring natupok ang kanyang pag–asa.

“P–paano? Masyadong maraming bantay. ” nawawalan niyang pag–asang usal.

Malalim itong bumuntong hininga.

“Akong bahala. Itatakas kita bago pa magsimula ang kasal. " Disidedo nitong saad. " Ayaw kong mai–kasal ka sa lalaking hindi mo naman mahal at kaedad. ” bumalik ang panunubig ng kanyang mata dahil sa sinabi nito.

Mabilis niyang nilapitan ito at mahigpit na niyakap. Gumanti rin ito sa kanyang yakap at hinaplos ang kanyang buhok.


“S-salamat...maraming salamat.” umiiyak niyang pasasalamat dito.


Masaya siya. Kahit papaano may tao pang handang tumulong sa kanya kahit alam naman nitong delikado. Lalo na't hindi basta-bastang tao si Mr. Cheng.

Marahan nitong hinaplos ang kanyang likod bago sinapo ang kanyang mukha at pinahiran ang mga luha.

“Para na kitang kapatid. Kahit maikling panahon lang tayo nagkakilala tinuring na agad kitang kapatid at kaibigan ko. ” saad nito at ulit siyang niyakap.


“Itatakas kita bukas bago ang kasal. ”



HINDI AGAD siya nakatulog kinagabihan dahil sa labis na kaba na kanyang nadama. Sobrang daming what if na pumasok sa kanyang utak. Na what if mahuli sila at parehong maparusahan? What if hindi lang parusa ang matanggap nila? Hindi niya kakayaning may madamay sa kanyang gagawing pagtakas pero kung hindi niya gagawin ito. Mapipilitan siyang pakasalan ang matandang iyon na hindi niya naman mahal at lalong hindi niya maatim na pakasalan ang ganoong klaseng tao. Hindi niya kaya.

Malalim siyang bumuntong hininga at pinikit ang mga mata upang mag dasal at humingi nang gabay sa panginoon na sana'y mag tagumpay ang gagawin niyang pag takas bukas.

Lord, please guide me. Sana mag tagumpay ako, sana makatakas ako sa lugar na ito. Ayaw ko po na makasal sa taong hindi ko naman mahal. Ikaw na po ang bahala sa lahat. Amen. Taimtim niyang dasal sa kanyang isipan.


Pagkatapos niyang magdasal ay agad na siyang humiga ngunit lumilipad ang kanyang isip. Sobrang lakas ng pintig ng kanyang puso. Kinakabahan at nae–excite sa gagawing pag takas.

Ilang minuto pa ang ginugol niya sa pag–iisip bago tuluyang tangayin ng antok at tuluyang makatulog.


I hope that everything's gonna be alright.

***
:)

 POSSESSION SERIES 1: HUNTER GRAYSON [Soon To Be Publish]Where stories live. Discover now