CHAPTER SIX

2.6K 53 2
                                    

KINABUKASAN AY naging abala ang lahat para sa gaganaping kasal ngayong araw habang siya nama'y ito‚ hindi mapakali sa kinauupuan at pabalik-balik ang tingin sa pinto. Simula kanina ay hindi niya pa nakita si Carol at kinakabahan siya na baka may nakaalam sa plano nila.


“Ma'am tapos na po tayo.”

Nabalik siya sa ulirat ng magsalita ang baklang make up artist na siyang nag mag-makeup sa kanya. Tumikhim siya at umayos ng upo at pilit na pinapakalma ang tensyonado niyang katawan.

Alanganin siyang tumango at pilit na nginitian ang mga ito. Nagpaalam na itong lalabas na at binilin siyang hintayin nalang ang taong kukuha sa kanya dito sa kuwarto.

Mabilis siyang tumayo sa pagkakaupo ng makitang nakalabas na ng silid ang baklang make up artist. Nagmamadali siyang nagtungo sa bintana ng kuwarto at tiningnan ang baba kung saan nandoon ang harden. Nanlumo siya ng makitang wala doon si Carol at ang mga armadong tauhan lang ni Mr. Cheng ang nandoon.

Napabaling ang kanyang paningin sa pinto ng makarinig nang papalapit na yapak patungo sa kuwartong kanyang kinaukulan. Nagmamadali siyang bumalik sa kanyang kinauupuan kanina kung saan kaharap niya ang isang malaking salamin at nag kunwaring may ginagawa.

Napansin niya ang pagbukas ng pinto sa kanyang peripheral at pumasok ang isang armadong lalaki.


“Tayo na at nasa simbahan na si Boss naghihintay. " Binalingan niya ito ng tingin at pilit na ngumiti.

Tumayo siya at inayos ang kanyang suot na wedding dress bago naglakad patungo dito.
Hindi naman ganoon ka bongga ang kasal nila  kuno dahil ito at ang mga tauhan at ang pari lang naman ang naroon.

Napansin niya ang kakaibang paninitig ng lalaki sa kanyang katawan. Nag tagal ang titig nito sa nakaluwa niyang dibdib na ikinabundol ng kanyang takot. Tinago niya sa kanyang likod ang nanginginig niyang kamay at umaktong normal.

Nilagpasan niya ito at nag lakad palabas habang nasa likod niya ito nakasunod.“Ang bango mo‚ Sayang at hindi kita matitikman. ” nanindig ang kanyang balahibo sa katawan dahil sa mahalay nitong sinabi ng  malampasan niya ito.

Namuo ang butil niyang pawis sa noo at napaigtad nang maramdaman niya ang palad nitong humahaplos sa kanyang nakalantad na likod. Mariin niyang kinagat ang kanyang pang-ibabang labi bago nagmamadaling naglakad palayo dito. Mas binilisan niya ang kanyang bawat hakbang para makaiwas dito.


Agad siyang sumakay sa bridal car ng makalabas. Agad niyang pinakawalan ang pinipigilang hangin sa kanyang baga. Nilingon niya ang pinto at nakitang nandoon ang lalaki habang nakahilig sa pinto at mahalay siyang tinignan. Agad niyang iniwas ang paningin at sinenyasan ang driver na magmaneho na.

Agad naman nitong pinasibad ang sasakyan paalis sa mansyon ng matandang chinese.







ILANG MINUTO na silang nasa byahe at napansin niyang hindi na patungo sa simbahan ang daang tinatahak nila. Kinakabahan siyang napakapit ng mahigpit sa laylayan ng kanyang wedding gown.

“K-kuya, hindi po ito ang daan papuntang simbahan. ” kinakabahan niyang saad. Kahit naman ayaw niyang mai-kasal sa matandang intsek na iyon ay hindi niya naman pinangarap na makidnapped. Hindi ito nagsalita at nagpatuloy lang sa pagmamaneho. Pansin niya ang panaka-naka nitong tingin sa kanya. Hindi niya ito makilala dahil may suot na mask at nakasuot din ito ng cap kaya hindi niya kita ang mukha.

“K-kuya? ” ulit niyang tawag ng hindi parin ito nagsalita.


Mas lalong dumagsa ang kaba sa kanyang dibdib ng makitang malayo na sila sa mataong lugar dahil parang nasa tagong lugar na sila. Marami silang nadadaanang puno dahilan ng pagdoble ng kanyang kaba.


 POSSESSION SERIES 1: HUNTER GRAYSON [Soon To Be Publish]Where stories live. Discover now