CHAPTER EIGHT

2.6K 52 1
                                    

KINABUKASAN ay agad siya nitong pinakilala sa mayordoma ng mansyon.

"She's nanay Ismeralda‚ she's the one who will assign you sa mga gawain dito sa mansion. Do not make stupid things that makes me regret accepting you as my maid. "Malamig nitong saad. Tumungo siya at kinagat ang pang-ibabang labi dahil sa hiya.

"Are we clear? " agad siyang tumango bilang tugon.

"Tingnan mo ako sa mata kapag sasagot ka. " Mabilis siyang tumingala at tumingin sa mga mata nito at tumango. Walang buhay siya nitong tinitigan bago binalingan ng tingin kay Nanay Ismeralda at kinausap ito.

"I'm going nay. " Paalam nito sa matanda pagkatapos sabihin ang mga habilin.

"Mag-iingat ka hijo. " Tumango lang ito at umalis ng hindi siya tinapunan ng tingin.

Ngumiti sa kanya ang matanda kaya sinuklian niya rin ito ng matamis na ngiti. Kanina ay akala niya'y istrikta ito dahil plain lang ang mukha kung tingnan.

Sumenyas ito. "Halika, sumunod ka sa akin at ituturo ko sayo ang iyong mga gagawin. Pero bago yun ililibot muna kita sa mansyon. " Saad nito at nagpatiunang maglakad kaya agad siyangsumunod.

"Ano ang iyong pangalan hija? " tanong ni nanay Ismeralda sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad.

"Aurelia ho nay. " Sagot niya.

Bahagya siya nitong nilingon bago binalik ang tingin sa unahan. "Ikinagagalak kong makilala ka hija, tawagin mo na lamang akon nanay Isme. " nakangiti nitong wika.

Nang makarating sa isang pinto na may nakalagay sa itaas na sign board ‘ Maid's quarter’ ay agad nitong binuksan at pumasok. Sumunod rin siya papasok.

"Dito ang maid's quarter. Apat kaming nandito at ako ang pinakamatanda sa lahat .Yung tatlo ay kaedaran mo lang. "

Nilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng maid's quarter. May dalawang double deck bed na sakto lang talaga sa apat. Sakto lang ang laki nito para sa apat na tao sa isang kuwarto. May isang pinto siyang nakita na hula niya'y banyo.

May isang kalakihang aparador na nakasandig sa pader. Diyan siguro nilalagay ang mga gamit.


"Halika, doon naman tayo sa itaas." Tahimik lang siyang sumunod kay nanay Isme patungong second floor. Hanggang tatlong palapag meron ang mansyon. At dito siya sa pangalawang palapag dinala ni nanay Isme.

"Lahat ng kuwartong nandirito ay Guest room. " Namangha siya dahil sa sinabi nito.


Limang kuwarto? Guest room lahat?

Binuksan ni nanay Isme ang isang kuwartong malapit sa kanila. Kagaya din ito sa kuwartong kinaroroonan niya. Malawak at malaki at espasyo ng kuwarto. Napaka lambot din ng kama at napakasilaw ng titles. Kung malaki ang mansyon ng matandang intsek ay mas triple naman ang lawak at laki nang bahay ni Hunter.

"Doon naman sa huling palapag ay naroon ang kuwarto at opisina ng senyorito. Bawal kayong pumunta roon kaya iwasan mong umakyat sa panghuling palapag. " Habilin ni nanay Isme.

Nangunot ang kanyang noo dahil sa pagtataka.

Hindi niya maiwasang ma curious kung bakit bawal ang pumunta doon."Bakit po nay? " hindi niya mapigilang tanong.

"Ayaw na ayaw ng Senyorito na may ibang taong pumupunta sa pribadong pag-aari niya." Pagtatapos nito bago lumabas kaya agad narin siyang sumunod.

Pababa na ulit sila sa hagdanan habang sinasabi nito sa kanya ang kanyang mga kailangan gawin.


"May mga cook na tagaluto kaya hindi mo na kailangan magluto. Ang trabaho mo nalang ay maghugas ng mga pinagkainan at maglaba ng mga maruruming damit ng Senyorito. "


 POSSESSION SERIES 1: HUNTER GRAYSON [Soon To Be Publish]Where stories live. Discover now