CHAPTER TEN

2.4K 48 0
                                    

"Ihanda niyo na ang hapag at maya't-maya ay bababa na ang senyorito. " utos ni nanay Isme na agad nilang sinunod.


Siya ang kumuha ng pinggan‚ kutsara at tinidor. Habang ang iba naman ay sa mga pagkain at juice.



Nang matapos sa paghahanda ay nagsi-linya na sila sa gilid na agad ring ginaya.Tahimik lang sila hanggang sa pumasok ang Senyorito. Sabay-sabay na bumati ang lahat maliban sa kanya. Walang salitang tumango lamang ito at umupo sa gitnang upuan. Para itong hari na naghihintay na pagsilbihan ng mga kawaksi.


Agad silang nag si–kilos ng ito'y makaupo. Si nanay Isme ang naglagay ng kanin at ulam sa plato nito habang siya naman ang nag lagay ng juice sa baso.


"Maaga kang aalis ngayon hijo? " Paunang tanong ni nanay habang patuloy na nilalagyan ng ulam ang plato ng senyorito.

"Yes nay‚ I have a board meeting today. " Maikli nitong sagot. Tumango si nanay at hindi na nagtanong pa habang sila naman ay bumalik sa kanilang linya sa gilid.

Tahimik lang nilang pinapanood ang bawat galaw nito hanggang sa ito'y matapos sa pagkain. Pinunasan nito ang labi gamit ang table napkin at tumayo.


Akmang lalapit na sana siya para tumulong sa pagliligpit ng magsalita ito.

"You're coming with me. " Maikli nitong anunsyo.

"Po? Ako po ba? " maang niyang tanong at parang tanga pang tinuro ang sarili.

"Your not a deaf aren't you? I said your coming with me. Change now and I'll wait you outside. I'll give you ten minutes to change. " Saad nito at naglakad palabas ng kusina.

Di makapaniwalang sinundan niya ito ng tingin.

"Sige na hija, magbihis kana." Saad ni nanay Isme sa kanya at tinulak siya palabas ng dinning area.

Agad siyang kumilos at tumakbo patungong second floor para makapagbihis. Hindi niya alam kung ano ang susuotin niya dahil hindi naman ito nagsabi kung ano ang klase ng damit ang kanyang susuotin kaya sa huli ay isang blue jeans na hapit na hapit sa kanya at isang white croptop na medyo kita ang tiyan. Bigay ito sa kanya ni Kristine‚ mahilig kasi itong magsuot ng mga damit na medyo exposed ang balat. Pinaresan niya rin ito ng lumang white sneakers na bigay sa kanya ni Marisa. Sinuklay niya ang kanyang buhok at hinayaan lang itong nakalugay‚ naglagay din siya ng liptint sa kanyang labi dahil medyo namumutla ito.

Mabilis siyang bumaba ng matapos.
Nadatnan niya ang senyorito sa labas ng mansion nakasandal sa mamahaling sasakyan nito na Gordon Murray  a kulay itim. Pinasadahan nito ng tingin ang kanyang kabuuan na ikinaiwas niya dahil sa hiya.


"Let's go. "Saad nito at pumasok sa driver seat. Akmang bubuksan niya na ang backseat ng masungit itong magsalita.



"What do you think of me? A driver? " Suplado nitong saad. Bakas sa boses nito ang pagiging sarkasmo. Napapahiya niyang binuksan ang front seat at pumasok sa loob.


Nang makapasok ay nagtataka siyang napalingon dito ng hindi man lang ito kumilos para buhayin ang makina ng sasakyan.

"H-hindi paba tayo aalis? "Nahihiya niyang tanong ng mapansing hindi parin nito pinapaandar ang sasakyan makalipas ang ilang minuto.


"Hindi tayo aalis hangga't hindi mo sinusuot ang seatbelt mo. " Saad nito at tinapunan siya ng walang kabuhay-buhay na tingin.

Napaawang ang kanyang labi bago dali-daling hinila ang seatbelt pero kahit ilang beses niya itong hilahin ay hindi mahila. Rinig niya ang matunog nitong pagbuntong hininga bago dumukwang sa kanyang gawi na ikinasinghap niya sa gulat. Muntik ng magkabanggaan ang tungki ng kanilang ilong dahil sa sobrang lapit nito.



 POSSESSION SERIES 1: HUNTER GRAYSON [Soon To Be Publish]Where stories live. Discover now