CHAPTER FOUR

2.6K 39 1
                                    

She woke up in the middle of the night when she feel someone kissing her neck down to her chest. Agad siyang naalarma at napaupo pero napahiga ulit dahil sa bigat na nakapatong sa kanya. Bumibigat ang kanyang paghinga dahil sa sobrang kaba.

Pilit niyang inaaninag ang lapastangang tao sa madilim niyang kuwarto. Nanlaki ang nanlaki ang kanyang mata ng makilala ang taong nasa kanyang ibabaw. Kinilabutan siya nang makita ang malawak nitong ngise na may halong pagnanasa. Napaigtad siya ng dumapo ang mga kamay nito sa ibabaw ng kanyang dibdib. Takot na takot siyang nagpupumiglas para makawala sa pagkakahawak nito sa sa kanyang braso.


"B-bitawan mo ako. A-ano ba! " mangiyak-ngiyak niyang saad at mas lalong nagpupumiglas.

Humalakhak ito na ikinatindig ng kanyang mga balahibo sa sobrang takot. Halos hindi na siya makahinga ng maayos dahil binagsak nito ang bigat sa kanya. Kahit madilim ay kitang kita niya ang pagnanasa sa mga mata nito. Naamoy niya ang amoy ng alak sa bibig nito dahil sa kanilang lapit.


Umiiyak niyang iniwas ang kanyang mukha nang umakma itong hahalik sa kanyang mga labi.

“W-wag...pakiusap! ” Umiiyak niyang pagmamakaawa at pilit paring pumapalag sa pagkakahawak nito sa kanya.


Madiin nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang palapulsuhan na ikinangiwi niya sa sakit. Pakiramdam niya ay magkakapasa ito dahil sa higpit.

“H-huwag parang awa mo na. ” hagulgol niya at pilit itong tinatadyakan.

Hindi siya nito pinakinggan at dumukwang para mahalikan ang kanyang leeg nang hindi ito mag tagumpay na halikan ang kanyang labi. Nanindig ang kanyang balahibo ng amoyin nito ang kanyang leeg at pagkatapos ay dinilaan. Nandidiri niyang pilit na tinatagilid ang kanyang katawan para iwasan ang mga halik nito sa kanya.


"Hmm, ang bango mo. "


"N–noo!! Tulonggg–hmm." Mabilis nitong tinakpan ang kanyang bibig at sinamaan siya ng tingin.


“Ikaw tigil puta ka! ” malakas at galit nitong singhal sa kanya at pilit siyang pinipigilan sa pagtatangkang pagtayo.

“Hindi ako pumayag na gawin kang kapalit ng utang para gawing display. Pumayag ako para may parausan. Kaya kung ano ang gusto ko susundin mo! ” nanlilisik ang matang singhal nito at sinampal siya sa pisnge na ikinabaling nito sa kanan. Parang nabingi siya sa lakas ng pagkakasampal nito na ikinatigil at ikinatulala niya.

Galit itong umalis sa kanyang ibabaw at inayos ang nagusot nitong damit habang siya ay wala parin sa sarili.

“Sa susunod hindi lang yan ang matitikman mo. Kaya wag na wag mo akong pipigilan sa gusto ko. ” huling saad nito bago umalis sa kanyang kuwarto at pabalibag na isinara ang pinto na ikinaigtad niya.

Napahugolhol siya ng iyak at mahigpit na niyakap ang sarili. Wala siyang ibang ginawa kundi ang umiyak buong magdamag. Kahit kunting kaloskos lang ay nagigising at napapaigtad agad siya sa takot. Parang na trauma siya sa nangyari.





              

                 ‧͙⁺˚*・༓☾ ☽༓・*˚⁺‧͙

KINAUMAGAHAN ay agad siyang nag-ayos at bumaba. Sobrang tamlay niya at halos wala parin sa sarili. Nangingitim rin ang ilalim ng kanyang mata dahil sa walang tulog. Hindi sana siya baba kung hindi lang siya nakaramdam ng gutom. Kunti lang ang kinain niya kagabi kaya mabilis siyang nagutom.

“Anong nangyari diyan sa labi mo? Bakit dalawa na yang putok? Nangingitim rin ang ilalim ng mata mo. ” kunot noong tanong sa kanya ni Carol pagkababa.

 POSSESSION SERIES 1: HUNTER GRAYSON [Soon To Be Publish]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu