CHAPTER THREE

2.8K 46 4
                                    

"Bumaba kana raw at kakain na kayo. " Saad ni Carol pagkabukas niya ng pinto.

"N-nandito ang matandang intsek? " nanlaki ang mata at hindi niya mapigilang tanong na ikinatawa nito ng mahina.

"Baka marinig ka noon at maparusahan ka. " babala nito na ikinalunok niya sa takot.

"Halika na. " aya nito at naunang bumaba kaya agad na siyang sumunod.

"Nandito na po si Aurelia Mr. Cheng. " anunsyo ni Carol pagkarating nila sa dinning area.

Nakita niya ang paglingon nito sa kanyang  gawi  at ang pagpasada nito ng tingin sa kanyang katawan. Humigpit ang pagkakakapit niya sa laylayan ng kanyang suot na dress nang magtagal ang paningin nito sa nakalantad niyang mga hita. Nanginginig ang kanyang kamay nang ngumise ito ng kakaiba. Animo'y may nabuong plano sa isip.

Sunod sunod ang ginawa niyang paglunok. At ang palihim na paghinga ng malalim. Malawak ang ngise nito sa labi na sinenyasan siyang maupo sa katabi nitong upuan.

Maliit ang ginawa niyang paghakbang patungo dito at mahigpit na kinuyom ang nanginginig na kamay.

Kinakabahan siyang umupo sa katabi nitong upuan at hindi ito tinapunan ng tingin. Hindi niya gusto ang klase ng paninitig nito. Para siyang hinuhubaran sa klase ng mga tinging iginagawad sa kanya.

Mabilis silang pinaghanda ng mga katulong ng pagkain. Umalis rin ang mga ito pagkatapos at pumila sa gilid.

Nanginginig ang kanyan mga kamay na sumandok ng pagkain. Naisipan niyang kumain ng kunti kahit wala siyang gana. Nawawalan siya ng ganang kumain dahil hindi siya mapakali sa mga titig nito sa kanya. Kinikilabutan siya.

Maliit ang ginawa niyang pagsubo at hindi ito tinapunan ng tingin. Tahimik lamang siya habang ngumunguya, nang maubos niya ang pagkain sa plato ay mabilis siyang uminom ng tubig.

Ngunit malakas siyang apasinghap at nabulunan sa iniinom na tubig ng maramdaman ang mga kamay nitong pinipisil ang kanyang mga hita. Dahil sa kanyang pagkakagulat ay naitapon niya ang tubig sa mukha nito. Nanginginig ang kanyang kamay at awang ang bibig.

Galit nitong malakas na hinampas ang lamesa na ikinatalon niya sa gulat. Pinanlilisikan siya nito ng mata. Mabilis siyang napahakbang paatras nang makita niya ang mabilis nitong paghakbang patungo sa kanya. Nanginig ang katawan niya sa takot ng mabasa ang galit nito sa mga mata.

Malakas siyang napatili nang malakas nitong hilahin ang kanyang buhok dahilan kung bakit napatingala siya. Umiiyak siyang napahawak sa kanyang buhok na mariing hawak nito.



"YOU'RE A FVCKING BITCH!!" Galit nitong sigaw sa kanyang mukha. Nanlaki ang kanyang mata nang makita ang pag–angat nito ng kamay at ang malakas nitong pagsampal sa kanya. Pumutok ang kanyang labi at nalasahan niya ang dugo.

Nakita niya sa kanyang peripheral ang akmang paglapit sana ni Carol ngunit pinigilan ito ng isang matandang katulong. Wala itong nagawa kundi ang bumalik sa paghakbang paatras at tumungo.

"A-aray! "

Nasasaktan niyang daing ng mahigpit nitong hinawakan ang kanyang panga at marahas na iniharap. Nanlilisik ang mga mata nito.

"You want this right? I will give it to you! " galit nitong saad at marahas na binitawan ang kanyang panga na agad niyang hinimas dahil sa sakit.

Umiiyak siyang napatingin dito ng makita ang pagtanggal nito sa suot na sinturon. Pinalibot nito sa kamao.

Ngumise ito ng nakakaloko bago siya hatawin nito ng sinturon na ikinadaing niya ng matamaan ang kanyang hita sa ulo ng belt.

Paulit-ulit siya nitong hinampas ng belt, ang nagawa niya lamang ay iharang ang kanyang mga braso, kaya ito ang mas natamaan ng husto na alam niyang mamamaga at magkakaroon ito ng pasa.

 POSSESSION SERIES 1: HUNTER GRAYSON [Soon To Be Publish]Where stories live. Discover now