CHAPTER TWO

3K 51 1
                                    

"So‚ You are Aurelia? The niece of Isabel? " the old Chinese smirk and stroke her hair at pikit mata nitong sininghot ang kanyang buhok. "You are beautiful‚ you're perfect to become my wife. " she shut her eyes tightly as she feel his rough hand on her face. Nandidiri siya sa bawat haplos ng matandang intsek sa kanyang pisnge.


"Bring her in her room. " utos nito sa katulong na hula niya'y ay matanda lang sa kanya ng ilang taon. Agad namang kumilos ang katulong nito at inakay siya paakyat.

She heaved a deep sigh ng makaalis siya sa harapan ng matanda. Sobrang lakas ng pintig ng kanyang puso sa sobrang takot. Kita niya sa mga mata nito ang namumuong pagnanasa sa kanya.

"Anong pangalan mo? " Napa–angat siya ng tingin direkta sa katulong na maghahatid sa kanya sa kanyang magiging silid ng magtanong ito.

"A-aurelia " tipid niyang sagot. Mukha naman itong mabait dahil sa amo ng mukha.

Nilingon siya nito at tipid na nginitian.

"Ako naman si Carolina. Ako ang pinakabatang kasambahay dito sa mansyon ni Mr. Cheng. " pakilala nito.
"Kung ano ang gusto ng matandang intsek ay sundin mo nalang para hindi ka masaktan. " Dagdag pa nito.


Mas lalong nadagdagan ang kanyang takot sa matanda. Sa boses palang ni Carolina ay mukhang hindi mabait ang intsek na iyon. Pero kita naman sa mukha. Para itong hindi mapapagkatiwalaan.


Tumango siya at maliit na ngumiti. Wala naman siyang ibang magagawa kundi sundin ang matandang intsek. Pwera nalang sa isang bagay na hindi niya kayang gawin. Gagawin niya ang mga gusto nitong ipagawa sa kanya basta huwag lamang ang bagay na iyon.

"Nandito na tayo. " Imporma ni Carolina nang makarating sila sa isang kulay itim na pinto. Binuksan nito ang pinto at naunang pumasok kaya sumunod narin siya.


Maganda at sakto lang ang laki ng kuwarto. May katamtamang laking flat screen TV at may veranda din. Ngunit kahit gaano kaganda ang kuwartong ito ay wala parin siyang saya na makapa sa kanyang dibdib. maramdaman. Sino ba naman kasi ang sasaya kung ang dahilan ng lahat ng ito ay ang pagiging bayad sa utang ng kanyang tiyahin?

"Ito ang magiging kuwarto mo pansamantala. " napalingon siya kay Carolina dahil sa sinabi nito.

"Pansamantala? Bakit pansamantala lang? "kunot noo niyang tanong. Naguguluhan kung ano ang pinapahiwatig nito.


"Sabi sa amin ni Mr. Cheng na kapag kasal na kayo ay ililipat namin ang gamit mo sa kanyang kuwarto. " napaawang ang kanyang bibig dahil sa sinabi nito. Agad nag taasan ang kanyang mga balahibo sa batok sa iisiping ikakasal siya sa matanda at magkatabi silang dalawang matulog. Nalukot ang kanyang mukha at parang masusuka siya sa naisip.

Tulala siyang umiling–iling. Bumalik ang mga luha sa kanyang mata hanggang sa tuluyan na nga itong sunod-sunod na nahulog sa kanyang pisnge.

Umiiyak siyang napaupo sa panghihina. Parang hindi siya makahinga sa sobrang bigat ng kanyang dibdib.

Ito na ba talaga ang kanyang kapalaran? Ikakasal siya sa isang matanda at hindi niya mahal.



Mas lalong nanindig ang kanyang balahibo sa iisiping mag gagalawin siya ng matanda pagkatapos ng kasal. Mariin niyang pinikit ang kanyang mga mata. Pinuno niya ng hangin ang kanyang baga at huminga ng malalim.


Ayaw niya‚ hindi niya kayang maikasal sa matanda. Pero may choice ba siya? Siya ang kapalit sa utang ng kanyang tiya sa matandang chinese. Pero mas mabuting nang siya ang naging kapalit pambayad kesa ang kapatid niya. Hindi niya kayang makita ang kapatid na magpapakasal sa lalaking hindi naman nito mahal‚ at higit sa lahat ay sa matanda pa talaga at mukha pang adik.



"Maiwan na muna kita. " nanghihina at wala sa sarili siyang tumango ng magpaalam sa kanya si Carolina. Nakalimutan niyang nandito parin pala ito sa kuwarto kasama niya.


Pinalis niya ang kanyang luha't tumayo.

Mabigat ang kanyang ginawang pagbuntong hininga at nanghihinang umupo sa malawak at malambot na kama. Hinilamos niya ang kanyang palad sa mukha at malungkot na napangiti. Miss niya na agad ang kanyang kapatid. Kumusta na kaya ito? Baka sinasaktan na ito ngayon ng kanyang tiyahin.


Nang maalala ang kanyang pangako sa kapatid ay mabilis siyang nabuhayan ng pag–asa. Hindi dapat siya panghinaan ng loob. Kailangan niyang maging matatag at maging malakas para ma–sulosyonan ang problemang ito. Hindi siya maaring tumira sa pamamahay na ito pang–hambuhay. Kailangan niyang makaisip ng plano para makatas at mabayaran ang utang ng kanyang tiyahin para hindi na siya maikasal sa matandang intsek na iyon.

Agad siyang tumayo at pumuntang closet para maghanap ng damit dahil maliligo siya. Wala siyang nadala na maski isang gamit dahil biglaan ang pangyayari. At kung alam niya lang na gagawin to sa kanila ng kanyang tiya ay matagal na silang lumayas na magkapatid. Pero huli na ang lahat. Nandito na siya sa puntong kailangan niyang tiisin ang lahat.


Pagbukas niya palang sa closet ay tumambad na agad sa kanya ang mga mamahalin at sobrang maiikling damit na kulang nalang ay makita ang kanyang kaluluwa.


Namili siya ng damit na para pambahay ngunit wala siyang makita dahil halos lahat ay maiikli. Wala na siyang ibang nagawa kundi ang suotin ang dress na hanggang hita ang haba. Pagkatapos niyang mamili ng damit ay agad na siyang pumuntang banyo.

Maganda rin ang banyo. Sakto lang ang laki, may bathtub at shower. Kompleto ang gamit ngunit hindi siya nakaramdam ng tuwa. Kahit kailan, hindi siya madaling masilaw sa mga bagay bagay.




Pinuno niya ng tubig ang bathtub at pagkatapos ay hinubad lahat ng kanyang saplot bago lumusong sa shower. Pikit matang tumingala siya at sinalubong ang patak ng tubig sa kanyang mukha. Pinasadahan niya ang kanyang buhok at hinayaan ang malamig na tubig na bumalot sa kanyang katawan.

Sana‚ isang masamang panaginip lamang ng ang lahat ng ito. Na sana, pagmulat niya ng kanyang mga mata ay malabong magkakatotoo.


Binalot niya nang tuwalya ang kanyang katawan pagkatapos niyang maligo at nagbihis. Hindi siya nag tagal sa pag ligo dahil sobrang okupado ng kanyang isip sa mga possibleng mangyari sa kanya habang nasa bahay ng matanda.


Pero kahit na anong gawin niya. Ito ang katotohanan. Ipinambayad na siya ng kanyang tiyahin upang mabayran ang mga utang nito sa magtandang intsek. At wala na siyang ibang magagawa pa kundi tanggapin ang lahat. Wala na siyang kawala.

Ikakasal siya sa matandang chinese.

Masakit man isipin ngunit, iisipin niya na lang na para sa kapatid niya ang lahat ng to, ang kapatid niyang si Elle ang dahilan kung bakit niya ito ginagawa. Mas mabuting siya ang magdusa kesa ang kapatid niya. Makakaya niya ito.


Kaya mo 'to Aurelia.

                          Miss4phrodite

 POSSESSION SERIES 1: HUNTER GRAYSON [Soon To Be Publish]Where stories live. Discover now