CHAPTER THIRTEEN

2.6K 52 2
                                    

"Hija‚ pakihatid nga nitong juice doon sa pool. " Utos ni nanay Isme sa kanya pagkalapit.


Ngumiti siya at tumango. "Sige po nay. Akin na po. " Saad niya at inabot ang tray na nag lalaman ng anim na babasaging baso na may lamang juice.



Agad niyang tinungo ang pool sa likod ng mansyon. Nang makarating sa pool ay nanlaki ang kanyang mata at umawang ang kanyang bibig pagkakita sa naglalakihang topless na katawan. Bumaba ang kanyang katawan sa nakalantad na tiyan ng mga ito na may mga matitigas na tinapay.


Parang nabusog yata ang kanyang mga mata sa nakita. Nahuli niya ng tingin si Hunter na ngayon ay nakikipag asaran sa mga kaibigan. Naka suot ito ng swimwear shorts at kitang kita niya ang malaking umbok sa pagitan ng mga hita nito. Nanuyo ang aking lalamunan dahil sa nakitang laki.


Nag–iinit ang kanyang pisngeng nag–iwas ng tingin. Diyos ko, bakit po naging mahalay ang aking isipan? Patawarin niyo po sana ako. Pikit mata niyang dasal sa isipan.


"Hey!"


"—Ay malaking tite! " Gulat niyang bulalas ng makarinig ng pagtawag at pagkalabit sa kanyang likuran. Nilagay niya sa ang kanyang kamay sa dibdib dahil sa sobrang gulat.


Agad nilang naagaw ang pansin ng mga kalalakihang nagkakatuwaan dahil sa malakas niyang pagsigaw sa gulat. Namumulang nag-iwas siya ng tingin at hilaw na ngumiti.


"A-ah eh! Hello. " Nahihiya niyag pagbati sa taong nasa kanyang likuran nang makaharap at sinabayan pa ng pag kaway.


Mabilis na bumalanghit ito ng tawa na ikinagulat niya. Napakagat siya ng labi dahil sa labis na hiya.



Nakakahiya ka Aurelia. Palihim niyang kastigo sa kanyang sarili.


"Y-your..." Nahihirapan nitong bigkas dahil sa pagtawa. "...face is so fvcking funny. " Natatawang saad nito sabay punas ng pekeng luha dahil sa kakatawa.


Napakamot batok siya at hilaw na tumawa.



"Oh‚ sa amin ba yan? " Tanong nito ng makabawi. Agad siyang tumango at sumagot.



"O-opo. "


"Give me that‚ ako na ang mag dadala roon. "Saad nito at inagaw sa kanya ang tray na agad niya ring hinila pabalik.


Umiling siya. "Ah, hindi na po‚ ako na. " Tanggi niya.


Nakakahiya naman kasi kung ito pa ang mag dadala e siya ang inutusan ni nanay Isme at siyaka siya ang katulong dito at bisita ito.


Umiling-iling ito at sinubukan ulit na agawin ang tray kaya ang ending ay nag-aagawan sila kung sino ang magdadala.


"My hallway is not for flirting area. "


Agad silang natigil sa pag-aagawan ng marinig ng isang malalim at malamig na boses sa kanyang likuran.



Agad na lumakas ang pintig ng kanyang puso pagka–dinig niya sa baritonong boses nito. Sobrang lalim na animo'y galing sa hukay. 


"Oh, it's not what you think it is bro. " Kontra ni Leo sa kaibigan.



"Really? Then how can you explain it to me? I saw you two fought over that fvcking tray, as far as I know. Aurelia is the fvcking maid here and not you so technically, siya dapat ang mag dadala niyan at hindi ikaw. " Walang emosyon nitong saad at nahuli niya pa itong nag-tiim bagang nito at sinamaan ng tingin ang kaibigan.


Napakagat labi siya. Nagalit pa tuloy.


"Or, maybe you two just wanted to have a fvcking quality time together! " paratang nito na ikinalaki at ikinaawang ng kanyang bibig. Hindi makapaniwala niya itong tinapunan ng tingin.


S–sila? Quality time together?


She heard Leo burst into laughter na mas lalong ikina-igting ng panga ni Hunter.


"Damn! I didn't know you could be so jealous like this. " Natatawang sabi nito at tinapik sa balikat ang kaibigan.


Hunter glared Leo. Natatawang initinaas ni Leo ang kamay na animoy sumusuko.



"Hindi ko naman aagawin ang sayo. " Saad nito sa panunuyang tono at tumatawang nag tungo sa iba pa nilang kaibigan na ngayon ay parehong nakakunot ang noo na animoy nalilito kung ano ang kanilang pinag-uusapan.

Bumalik ang kanyan paningin kay Hunter.  nagulat siya ng makita ang malalalim nitong paninitig sa kanya.


Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at tumikhim.


"A-ahm‚ dadalhin ko lang po ito roon. " Saad niya sa mahinang boses at humakbang paalis ngunit agad ding napahinto ng maramdaman ang mainit nitong palad na mahigpit na nakahawak sa kanyang pala-pulsuhan.


Kinakabahan siyang nag-angat ng tingin habang nakatagilid ang kanyang katawan.


"B-bakit? " Muntik na siyang mapapikit dahil sa pagka–utal.


"Stop flirting with my friend. " Matigas ang boses na saad nito ikinagulat niya.


"Ha? H-hindi ko naman siya nilalandi eh. " tanggi niya kasi yun naman ang talaga ang totoo.


He 'tss' at agad na binitawan ang kanyang pala-pulsuhan. Tumalikod ito at nag lakad pabalik sa kinaroroonan ng mga kaibigan.


Agad siyang sumunod dito at nilagay sa babasaging lamesa ang tray. Nahuli niya pa ang panaka-nakang tingin sa kanya ni Leo. Nang magtagpo ang kanilang mata ay agad siya nitong kinindatan habang may malawak na ngiseng naka plastar sa mga labi.  Nag–init ang kanyang pisnge dahil sa hiya at umiwas ng tingin.


Palihim siyang napailing at pagkatapos ay nag paalam nang babalik sa loob. Nagmamadali agad siyang nag lakad pabalik sa loob nang hindi lumilingon.



"Oh? Anong nangyari sayo at ang pula-pula ng mukha mo? " Salubong na tanong sa kanya ni Marisa ng makasalubong niya ito sa hallway. May dala itong bag na hula niya ay aalis ito para mamalengke.


Mabilis siyang umiling.


"W-wala, mainit kasi. " dahilan niya at ngumiti ng pilit. Tinaasan siya nito ng kilay at tinapunan ng mapanuring tingin. Nangliit ang mata nito na animo'y hindi naniniwala.


"Gano'n? " Di kumbinsidong tanong nito.


Agad siyang tumango at mas nilawakan ang pag kaka-ngite.



"Huwag kang ngumite ng ganyan, mukha kang natatae. " Saway nito sa kanya kaya bahagya niyang kinagat ang pang–ibabang labi.


"May nangyari doon no? " Pang-uusisa nito.



Nakanguso siyang bumuntong hininga.
Wala talaga siyang matatagong sekreto dito. Napilitan siyang tumango na ikinangite nito.


"Bakit? Ano bang nangyari? " excited nitong tanong at lumapit pa talaga sa kanya ng husto.


"Napagalitan ako. " Saad niya sa maliit na boses.

Napaawang ang bibig nito at kalaunan ay natawa.




"Puta! akala ko pa naman mahal ka. " Natatawang saad nito na ikinalukot ng kanyang mukha.


"Anong mahal pinag sasabi mo? " Lukot mukha niyang tanong.

Umiling-iling ito.


"Mamaya nalang tayo mag–uusap pagkatapos kung mamalengke. "  Paalam nito at nag mamadaling umalis.


Hinabol niya ito ng tingin at ng mawala ay agad na siyang pumasok sa loob para tumulong.


****

 POSSESSION SERIES 1: HUNTER GRAYSON [Soon To Be Publish]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora