Chapter 7

1.8K 92 5
                                    

This chapter is unedited.

Chapter 7

Marked

Inalalayan nga ni Rafael si Paige patungo sa ground floor. Wala pa masyadong tao sa building dahil masyado pang maaga. Kaunting security guard lang ang kanilang nakita at nakapansin sa kanila.

"You can rest on my room, I paid it for three days." Saad ni Rafael.

"No, I'm going home. My husband is waiting for me." Masungit na sagot ni Paige dito at bahagyang napadaing ng sumakit ang kaniyang balakang.

How long will he fake things? How could he make Rafael stop following him? Ano pa ba ang kailangan niyang gawin para matigil na ito?

The restaurant was still close. Wala ng ibang paraan para makapasok siya doon kaya nilingon niya ang entrance ng building.

He decided to just go home. Kunti pa naman ang mga tao kaya wala na siyang pake kung sino ang makakita ng mukha niya ngayon or kung ano man ang sabihin ng mga ito sa kaniya.

"Just stay on my room please." Sunod sa kaniya ni Rafael.

"No. I'm going home." Matigas na saad ni Paige.

"Then, let me drive you home." Saad ni Rafael ang nakasunod parin kay Paige hanggang sa makalabas na sila sa building.

Tinignan ni Paige ang kalsada. Kakaandar palang ng taxi kanina nang makalabas siya kaya wala siyang masakyan ngayon.

For the past years, he didn't buy a car here. Dahil alam niyang uuwi din siya ng Pilipinas kaya hindi na siya bumili pa.

Nilingon ni Paige sa Rafael na kinausap pa ang guard bago siya tinignan nito.

"Stay right there." Rafael warned. Umigting pa ang panga nito dahil sa tigas ng ulo ni Paige.

Pumasok si Rafael sa building at nagtungo sa parking para siguro kunin ang susi nito at ang sasakyan nito.

"Please sit down here." Ani ng guard na lumapit kay Paige at binigyan siya nang mauupuan.

Masakit pa ang kaniyang katawan kaya naupo na siya agad.

Nagtaka siya nang hindi lumayo ang guard sa kaniyang tabi na animo'y binabantayan siya.

"Can you please go back to your post?" Awkward na saad ni Paige sa guard.

Hindi sumagot ang guard at nanatili lamang itong nakatayo.

Minutes have a passed, may dumating na taxi. Medyo may kalayuan iyon sa kaniyang pwesto ngunit matiim niya iyong tinignan.

This is the chance! Nasa isip ni Paige.

Hinintay niyang lumabas ang sakay nito para sana tumakbo papunta doon. Ngunit bago pa man siya makatayo ay nahawakan na siya ng guard sa kamay upang mapigilan.

"What are you doing?" Magkadikit ang kilay na tanong ni Paige sa guard.

"The mister order me to guard you, sir." Sagot nito.

Impetuosity of Lust (El Refugio #2)Where stories live. Discover now