Chapter 26

1.2K 65 18
                                    

I do not proofread. This chapter is unedited.

Chapter 26

Cold

Tumila ang ulan makalipas ang ilang minuto kaya nagpasyang lumabas si Paige buhat-buhat ang kaniyang anak na mahimbing na natutulog.

Ilang hakbang palang ang kaniyang natatahak ay napatigil siya ng makita si Rafael na nakatayo sa kabilang parte ng kalsada. Nakita ni Paige si Rafael na basang-basa dahil sa ulan kanina. Mababakasan sa mukha nito ang takot at pangamba. Hinahanap nito sina Paige simula pa kanina ngunit hindi niya ito nakita. Ngayon pa lang na tumigil ang ulan.

"Paige..." Rafael spoke in a deep voice, calling out Paige across the road.

Paige eyed Rafael and his state. Naka uniform parin ito at basang-basa.

They look at each other's eyes. Pero hindi makayang tignan ni Paige ang intensidad ng pagtingin sa kaniya ni Rafael at agad siyang nag-iwas ng tingin.

May nabubuhay sa kaniyang kalooban na hindi niya mapangalanan ngayong nakikita niya si Rafael sa kaniyang harapan.

Hindi pa siya handa. Hindi pa niya kayang harapin ngayon si Rafael kahit na ilang taon na niyang ini-imagine kung ano ang kaniyang gagawin kung makikita man niya si Rafael sa mga nakalipas na taon.

Pero ngayong nasa harapan na niya ito, tila ba nalulunod muli ang lahat ng gusto niyang sabihin dito at napapalitan ng takot sa kung anong susunod na mangyayari kung makikipag-usap pa siya kay Rafael.

Mabilis ang tibok ng puso ni Paige gaya ng dati kung nakikita niya si Rafael. Kaya naman naglakad siyang muli at tinahak ang daan pabalik sa restaurant, hindi pinansin ang pagtawag sa kaniya ni Rafael.

Sa daan pabalik sa restaurant ay nararamdaman ni Paige ang pagsunod ni Rafael sa kaniya. Damang-dama niya ang tingin na pinapako sa kaniya ni Rafael. Pero hinayaan niya lamang iyon.

Hindi na siya natatakot ngayon.

"Saan kayo nanggaling?!" Nag-aalalang sigaw ni Aling Belen ng makita niya si Paige at ang anak nito na papasok sa restaurant.

Hindi sumagot si Paige dito at nagpatuloy na naglakad.

"Pinaghahanap namin kayo kasi ang lakas ng ulan kanina! Hindi pa talaga kayo nag paalam." Ngayon ay mababakasan ang galit sa tono ni Aling Belen.

"Pasensya na po..." Saad ni Paige.

"Naku! Paeng, sa susunod magpaalam kayo kung lalabas kayo!" Saad ni Aling Belen. "Tatawagan ko pa si Diego at ang ibang sumali sa paghahanap sa inyo para sabihing nakauwi na kayo."

Hindi iyon pinansin ni Paige at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa hagdan papunta sa pangalawang palapag.

Patuloy na nakasunod si Rafael sa kanila kaya gusto itong takasan ni Paige upang makapag-isip muna sa susunod niyang gagawin ngayong nagkita silang muli ni Rafael.

Does he want to go back to his old life?

The answer is no. Paige wants to stay here, with his son. Natutunan na niya itong mahalin. Naging comfortable na siya sa buhay dito sa Claveria.

Does he want to know the truth?

Yes, he wants it. He wants it badly. Gusto niyang makuha at malaman ang mga kasagutan sa lahat ng nangyari noon.

Pero ang problema ay hindi pa siya handa. Hindi pa niya kayang ungkatin ang nangyari noon.

"Paeng," Tawag sa kaniya ni Diego sa labas ng kanilang kwarto. Ilang minuto pa lamang ang nakalipas nang makapasok sila sa kanilang kwarto.

Impetuosity of Lust (El Refugio #2)Where stories live. Discover now