Chapter 27

1.1K 61 11
                                    

I do not proofread. This chapter is unedited.

Chapter 27

Afraid

The night is long for Paige to make his decision. He will talk to Rafael to get to learn everything that happened before tomorrow. Gusto na niyang malaman ang katotohanan at huwag ng patagalin pa. Six years is long enough.

Pero mukhang hindi ata aabutin ng bukas ang kanilang pag-uusap dahil hanggang ngayon ay hindi umaalis si Rafael sa pagkakatayo sa labas. Ilang beses ng pabalik-balik si Paige sa kama at bintana sa mga oras na nakalipas at nanatili parin si Rafael doon.

Hindi na siya mapakali kakaisip dito! Hindi siya makatulog kasi binabagabag siya ni Rafael.

"Mom?" His son woke up from his slumber.

Nilingon ni Paige ang kaniyang anak na ngayon ay inaantok pang pumunta sa kaniyang pwesto.

"Uh..." Hindi nakapagsalita si Paige ng lumapit ang kaniyang anak para yakapin siya.

"It's cold, let's sleep together." Si Ralph Angelo sa inaantok na boses.

"Yeah... It's cold." Saad ni Paige at napalingon sa labas.

Dahil sa pagtingin ni Paige sa labas ay napatingin din ang kaniyang anak. Kinusot-kusot pa nito ang mata upang makita ng mabuti ang kaniyang tinitignan sa labas.

"Let's sleep." Baling ni Paige sa kaniyang anak, ginigiya ito patungo sa kama upang matulog na.

Bumalik sila sa kama at natulog na. Ngunit hindi maipikit ni Paige ang kaniyang mga mata dahil sa pag-iisip kay Rafael na nasa labas.

Malalim na bumuntong hininga si Paige.

"Okay lang ba na hayaan na'tin siya doon?" Tanong ng kaniyang anak. Napatingin si Paige dito. Nakapikit ang mga mata nito ngunit kitang-kita sa noo nito ang kunot at kilay nito ay magkadikit na tila ba nag-iisip.

"He won't leave." Wala sa sariling saad ni Paige.

Biglang bumangon ang anak ni Paige dahilan para mapatingin siya dito.

"I'll go out. He should leave." Saad nito sa inaantok pang boses pero rinig sa boses nito ang katiting na concern.

Ralph Angelo grew up kind and good. Mababait ang lahat ng mga tao dito sa Claveria lalo na si Aling Belen at Diego kaya naman lumaki itong mabuti. At lumaki ang mga bata dito na pinapangaralan ng kung ano-ano gaya ng huwag pananatili sa labas kapag gabi dahil makikita mo ang babaeng ahas at maninigas ka na parang bato.

"No." Saad ni Paige at pinagilan ang kaniyang anak na ambang bababa na sa kanilang kama.

Napalunok si Paige. Kanina pa niya gustong lumabas pero pinipigilan niya lamang ang kaniyang sarili dahil hindi niya alam ang mangyayari kung lumabas siya.

"Masyadong malamig sa labas, baka magkasakit ka." Saad ni Paige sa kaniyang anak at bumangon.

"Ako na ang magpapa-alis sa kaniya." Tinignan ni Paige ang kaniyang anak. "Stay here."

Magrereklamo pa sana ang kaniyang anak ngunit agad nang lumabas si Paige sa kanilang kwarto. Dahan-dahan ang kaniyang paglalakad sa hagdang gawa sa kahoy upang hindi makagawa ng ingay.

"Saan ka pupunta?" Nagulat si Paige ng marinig ang boses galing sa kwarto nina Aling Beleng sa unang palapag ng kanilang tinitirhan.

"Ah!" Gulat na anas ni Paige.

Impetuosity of Lust (El Refugio #2)Where stories live. Discover now