•CHAPTER 4•

192 12 0
                                    

Bumalik na ako sa dorm ko at tanaw ko si Tori sa 'di kalayuan na ngumisi sa'kin. Kala mo talaga nanalo sa lotto eh.

Pagkalapit ko sa kaniya bigla siyang tumalon na parang ang saya saya talaga.

"Anyare sayo?" -tanong ko sa kanya, paano ba naman kasi parang nanalo sa lotto ampta.

"Ako dapat magtanong eh, anyare sa inyo?" -sagot niya, bwesit talaga to kahit kailan 'di na naging matino. Ibenta ko kaya ito?

"So pakana mo yun?" -tanong ko at tinaasan siya ng kilay.

"Obvious ba?" -sagot niya.

"Bat ba Tori? Ikaw lang yata may gusto dun eh." -sagot ko at inirapan siya

Muntik na siyang masuka sa sinabi ko kaya medyo napatawa ako.

"Hoy! Lalaki ako no. Anong akala mo sa'kin?" -sagot niya at binebewangan ako.

"Akala ko kasi ikaw may gusto dun eh, ginagamit mo lang ako para magkalapit kayo yieeeee." -pang-aasar ko sa kaniya kaya inirapan niya ako.

"Luh? Gusto ko lang naman magkalablayp yung bespren ko eh." -sagot niya habang nginisian ako ng nakakaloko.

Binatukan ko siya kaya lumayo siya ng kunti sa'kin. Napatawa ako sa reaksyon niya, para siyang Bata na kinurot ng kanyang ina HAHAHAHAHAH.

"Isa pang ganun Vee itutulak talaga kita dun sa ssg president." -sabi niya habang kinakamot yung ulo niya.

"Edi itulak mo." -panghahamon ko sa kaniya. Kala niya siguro 'di ako marunong sumabay sa trip niya.

"Sa prom itulak kita para kayo maging partner yieeeee." -sabi niya habang kinikilig daw kuno.

"Sige." -tanging sagot ko at pumasok na sa dorm.

Pagpasok ko sa dorm nagluto ako agad ng hapunan, 'di na ako manghihingi dun kay Tori mapupuno lang ako ng asar dun.

Habang nagluluto ako dito ng ulam sa mini kitchen ko biglang tumunog ang aking cellphone kaya kinuha ko ito at sinagot yung tawag.

*Cring~cring*

Hello?

Punta ka po daw dito sa gym.

Sino ka?

Ssg officer po ako.

Ano bang gagawin ko diyan?

Malalaman mo po pag andito ka na. Ikaw nalang po yung hinihintay, sabi kasi ng chairman hanggang 'di daw nakukumpleto ang accounting 'di daw mag s-start.

Ahh, sige. Papunta na.

Call ended

Jusko naman kakagaling ko lang doon babalik nanaman ako, bat kasi 'di nila sinabi kanina.

Pinuntahan ko si Tori para sabay na kami pero wala akong Tori na naabutan, siguro nauna na yun.

Pumunta nalang ako sa gym ng mag isa, actually namimiss ko si Tori pero minsan nakakainis lang.

Pagdating ko dun sobrang sama ng tingin sa'kin ni Jennie, ano bang ginawa ko? Bat inis na inis sa'kin yung babaeng yun? Parang patayin na ako sa titig eh.

"Okay, Ms.Villaluna is here, so ngayon mag start na tayo magbunot for our partners for the upcoming js prom. I have here a different colors so each of you are going to choose one color, you are going to choose one color while you are blind fold. The rules is, if there's a man and woman who choose same color then they will be the partners, sabay bumunot ang babae't lalaki and Toriyama will be the assist kasi 'di siya kasali because he have some task, I mean different task for the js prom. G?" -paliwanag ng isang ssg officers.

REGRETSWhere stories live. Discover now