•CHAPTER 12•

197 16 3
                                    

Dumaan ang ilang mga minuto nakarating na kami sa pupuntahan daw namin kuno. Huminto siya sa isang restaurant, I think mga mayayaman lang ang mga kumakain dito.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan at bumaba na ako, how gentleman he is?

"Tara?" -yaya niya at hinawakan ang kamay ko. Medyo naiilang ako kaya tumango nalang ako bilang sagot.

Umupo na kami at may lumapit ngang waiter sa amin at kinuha ang order namin.

"Uhm, ano po yung order niyo sir, ma'am?" -tanong nung waiter.

"Sayo vee?" -sabi niya habang tinitignan ako, naiilang tuloy ako. Ano ba yan!

"Uh, cake lang, oo cake." -sagot ko at kinuha yung cellphone ko.

"Sa'kin ano, juice and beefsteak lang." -order naman niya.

Habang naghihintay kami sa order namin, nagchikahan muna kami, para naman kahit papaano makilala namin yung isa't isa no.

"Vee, I know that you don't know my name. Right?" -panimula niya kaya tumango ako bilang pagsagot.

"I'm David Hunkerson, just call me David for short." -pagpapakilala niya.

May sasabihin pa sana ako ngunit dumating na yung order namin kaya kumain nalang ako at ganun din siya.

Binalot ng katahimikan ang aming paligid kaya binasag ko ito para 'di naman kami magmumukhang ackward dito.

"Uh, sasali ka ba sa prom next month?" -tanong ko kaya napatingin siya sa'kin.

"Yeah, of course HAHA. Well anong course mo? Baka magka partner tayo." -wika niya.

"Uhm accountancy ako, may ka partner na kasi ako eh." -sagot ko, bakas sa mukha niya ang pagka dismaya sa sinabi ko.

"Ah, di'ba mga engineering yung mga ka-partner niyo?" -paninigurado niya.

"Oo." -tanging sagot ko.

"Ah, sayang. Sana engineering nalang kinuha ko no HAHA." -sabi niya habang natatawa.

Ilang oras din ang inabot namin dito kaya medyo tanghali na rin. Naisipan namin na umuwi na, hinatid niya ako sa dorm ko tsaka umalis na rin siya.

Pagpasok ko sa room ko andun si Sofia naglalaro ng mobile games kaya linapitan ko ito.

"Hoy saan ka galing babaitang ka? Kanina ka pa daw umalis sabi nung mga nakakita sa inyo tas may kasama ka pang lalaki? Sino yun ha?" -bungad niya sa'kin nang mapansin niyang andito na ako.

"Teka nga lang, easy lang. Ang init naman ng ulo mo, kumain lang eh." -sagot ko kaya binebewangan niya ako.

"Kumain? Kumain lang talaga? Nako Vee, ewan ko sayo. Sumama ka pa sa lalaking 'di mo naman kilala." -wika niya na mukhang stress na stress sa'kin.

"Excuse me, kilala ko yun no. Sasama ba ako pag hindi?" -sagot ko pero mas lalong sumama yung tingin niya sa'kin. Anyare ba dito?

"Ah ganun? Di'ba ayaw mo ng gulo?" -tanong niya kaya tumango ako, ayaw ko naman talaga ng gulo.

"Layuan mo yun." -tanging sagot niya tsaka bumalik sa paglalaro.

"At bakit naman? Ang bait niya kaya no." -sagot ko kaya tinignan nanaman ako ng masama.

"Mabait? Talaga? Oh edi sige, dun kana sa kaniya. Magpapauto ka dun total ayaw mong makinig eh." -wika niya tsaka nag walkout. Anyare ba dun?

Bat galit na galit yun? Ka-ano ano niya ba yung si David? At galit na galit siya sa'kin? Di ko naman siya inaano eh.

Pagkaalis ni Sofia ang siya namang pagdating ni Tori, sinalubong ko naman agad si Tori.

"Tori sabihin mo nga sa'kin, anyare ba dun kay sofia?" -salubong ko sa kaniya kaya medyo natawa siya.

REGRETSWhere stories live. Discover now