•CHAPTER 8•

186 18 8
                                    

Nagising ako dahil sa ingay ni Tori, bat ba to nakapasok sa room ko?

"Hoy Vee gising naaaaa" -yugyug sa'kin ni Tori, jusko naman tong lalaking to ang aga aga.

"Teka lang, wala naman tayong pasok ngayon." -sagot ko tsaka nagtaklub ng kumot sa pagmumukha ko.

"Kahit na, may pupuntahan tayooo. Bangon ka na daliiii" -pangungulit niya sa'kin at hinila ako dahilan upang makatayo ako.

Ewan ko talaga sa lalaking to, ano nanaman ba yung pupuntahan namin?

"Saan ba tayo pupunta?" -tanong ko habang kinakamot yung mata ko.

"Basta. Diba kailangan mo ng pera upang matulungan yung pinsan mo? Ito na yun." -sabi niya kaya naging interisado ako makinig.

"Ano ba yan?" -tanong ko sa kaniya.

"Maligo ka muna dun, ang baho baho mo." -wika niya habang pinagtutulakan ako sa banyo.

"Makapagsabing ang baho ko ah, pambihira kasi nakaligo ka na." -sagot ko at pumasok na sa banyo.

Binuksan ko na yung shower at as usual sobrang cold ng tubig, kasing cold niya. Chariz.

Pagkatapos ko maligo, nagbihis agad ako tsaka lumabas na ng banyo.

Nakita ko si Tori na naghahanda ng almusal namin, wow naman tong lalaking to, first time niya akong linutuan ng almusal na hindi ko siya inutusan.

"Oh tapos ka na pala, Dali na." -yaya niya sa'kin upang kumain. Umupo naman ako at nagsimula ng kumain kasama si Tori.

"Wala Kang bigas no? Kaya andito ka." -pagbibiro ko.

"Hoy hoy, wag moko ganyanin. Pinagluluto kita kasi antagal mo kasi naligo tas pag ikaw pa magluto mas matatagalan tayo." -sagot niya tsaka sumubo ng panghuli.

"Sige, saan ba kasi tayo pupunta?" -tanong ko ulit.

"Ang dami mong tanong, malalaman mo yan mamaya." -sagot niya at pumunta sa lababo upang hugasan ang pinggan na ginamit niya.

"Sige manahimik na ako" -sagot ko at sinubo yung naiwan na kanin ko sa plato.

"Bilisan mo na d'yan." -sigaw ni Tori galing sa lababo kaya mabilis akong pumunta sa lababo upang hugasan yung pinggan na ginamit ko.

"Ako na nga maghuhugas niyan. Akin na." -sabi niya sabay kuha sa pinggan na bitbit ko. Napakagentleman naman nitong si Tori, kaya love na love ko to eh.

"Kaya love na love kita eh." -sabi ko.

"Weh? Si ssg president nga yung love mo eh. Pero sige na nga, love din kita." -sagot niya habang pinipigilan niya tumawa.

Bumalik ako sa kwarto ko at nag selpon selpon muna doon habang 'di pa tapos si Tori sa paghuhugas.

Makalipas ang ilang minuto, pumasok si Tori sa kwarto.

"Tara na." -yaya niya sa'kin kaya tumayo na ako.

"Tara." -tanging sagot ko at tumayo na.

Lumabas na kami ng dormitoryo at pumunta kami sa isang parke? Anong gagawin namin dito?

"Ano bang ginagawa natin dito Tori?" -tanong ko.

"Ayan na siya oh." -wika ni Tori at sinalubong ang babaeng papunta sa direksyon namin.

A-ano? Sino ba tong babaeng to? Siya ba yung tutulong sa'kin? Di ko gets.

"Vee, siya si Ms.Samantha, siya yung tutulong sayo. Sige maiwan ko muna kayo, dun lang ako sa unahan para makapag usap kayo ng maayos." -sabi ni Tori saka umalis na.

REGRETSWhere stories live. Discover now