•CHAPTER 9•

178 18 1
                                    

Umuwi na ako pagkatapos nung nangyari kanina, bigla bigla nalang akong naging matamlay. Wala akong gana sa lahat, ang gusto ko lang ay magpahinga at kalimutan ang lahat ng nagyari kanina.

"Te, okay ka lang?" -tanong ni Tori habang nilulutuan ako ng ulam pananghalian.

"Ah, oo." -sagot ko.

"Dali na, kain na." -yaya niya sa'kin.

Sabay kaming kumain ni Tori ng pananghalian, nakaupo lang ako dito at hindi ko man lang kinuhaan ng kunti yung kanin ko, wala akong ganang kumain.

"Vee kumain ka na nga d'yan." -wika ni Tori, siguro napansin niyang hindi pa ako nakaisang subo.

"Wala akong gana." -sagot ko.

"Hay naku Vee, so nasaktan ka kanina na nakita mo silang magkasama?" -sabi ni Tori.

"Naghihinayang lang ako." -sagot ko.

"Naghihinayang? Bakit may pinagsamahan ba kayo?" -tanong ni Tori habang pinipigilan niyang tumawa.

"Wala, wala kaming pinagsamahan pero naghihinayang lang ako sa part na hindi ko ipinalit sa pera yung rights ko para maka partner siya sa prom dahil may promise ako sa kaniya pero siya naman tong laging nagsasabi sa pamamagitan ng kaniyang mga kilos na ang mga pangakong binitawan ko ay mali, napagtanto ko na mali ako sa ginawang pangako sa kaniya." -sagot ko.

"Ay, so may feelings ka dun? Yieeeeee." -pang aasar ni Tori, pambihira tong si Tori, 'di na nga ako nagbibiro nakuha pang magbiro.

"Ewan." -tanging sagot ko.

"Ewan? So hindi ka sigurado? Hindi mo alam kung gusto mo siya o hindi?" -sabi ni Tori.

"Tori naman eh, wala, wala akong nararamdaman dun sadyang naghihinayang lang ako." -sagot ko.

"Hayst, someday malaman mo din yan kung bakit nararamdaman mo yan." -sagot ni Tori at tinapik yung likod ko.

"Ibenta ko nalang kaya yung rights ko para maging ka partner siya sa prom? Ibenta ko Kay Jennie, kaya siguro gustong gusto ni Jennie na sila maging partner kasi sila na." -sabi ko.

"Hay naku Vee, bat mo naman nasabi na sila na? Porket magkasama lang?" -sabi naman ni Tori.

"Eh tawag nga ni Jennie sa kaniya love eh. Di mo ba yun narinig?" -sagot ko.

"Baka ginawa niya lang yun para pagselosin ka." -sagot naman ni Tori.

"Selos? Never naman ako nagseselos jusko." -sagot ko pero tinawanan lang ako ni Tori.

Makalipas ang ilang oras nanatili parin akong nakahiga at nakatulala dito sa dorm ko, ako lang mag isa dito kasi umalis si Tori.

Habang nakahiga ako dito biglang may tumawag sa selpon ko kaya sinagot ko kaagad ito.

Hello?

Hello? Sino po ito?

This is Ms.Samantha.

Ah hello po, bat napatawag po kayo?

Di ka nalang mag p P.A.

P-po?

Don't worry may ipapatrabaho parin ako sayo, alagaan mo yung pinsan ko.

Pinsan? Ilang taon ba yan?

5 years old.

Ah sige po.

REGRETSWhere stories live. Discover now