•CHAPTER 10•

205 15 3
                                    

|KINABUKASAN|

Nagising ako sa ingay ng dalawa sa kusina, trespassing nanaman sila eh, pumapasok ba naman na walang pahintulot ko.

"Ang ingay nyo." -wika ko habang naglalakad papunta sa kusina kung saan andoon sila Tori.

"Gising na pala ang prinsesa ni ano." -pang aasar ni Tori, jusko umagang umaga nangbwebwesit.

"Tori umaga pa lang, kakagising ko lang." -sabi ko rin tsaka umupo.

"Oh edi sorry na, mamaya na pala pag tanghali na HAHAHA." -sabi niya habang tumatawa parin.

"Ewan ko sa inyo, ano ba yang pinag uusapan niyo? Pa chika naman." -singit ni Sofia sa usapan namin.

"Ganito kasi yan, yang frenny mo na ayaw daw mag enter sa lablayp ayan ayaw pang magpapahalata na nagseselos." -kwento ni Tori.

Sinamaan ko siya ng tingin kaya medyo natawa siya at mas lalo akong inasar.

"Ay ganun ba Tori. HAHAHA, malabo namang ireject tong frenny natin ng isang guy HAHAHA sa gandang yan? Irereject? Impossible." -wika ni Sofia habang sinasabayan si Tori sa pagtawa.

"Kaya nga HAHAHAHA" -sagot naman ni Tori habang patuloy na tumatawa.

"Isa pa! Pupulutin niyo talaga ulo niyo sa labas!" -sabi ko pero patuloy parin sila sa pang-aasar sa'kin kaya hinayaan ko nalang.

Nakaupo ako ngayon sa upuan tas nag ce-cellphone habang si Tori naman at si Sofia nasa kusina nagluluto ng agahan namin.

Makalipas ang ilang minuto natapos na silang magluto kaya kumain na kami agad.

"Bukas na pala yung pasok mo sa work no?" -panimula ni Tori kasi binalot ng katahimikan ang dorm ko.

"Oo, siguro 'di naman mahirap magbantay ng bata no?" -sagot ko at sumubo ng panghuli.

"Well I think madali lang magbantay ng bata pag hindi malikot." -singit naman ni Sofia.

"Ay oo mukhang mahihirapan ka d'yan kung malikot yang babantayan mo." -pagsang-ayon naman ni Tori Kay Sofia.

"Okay lang yun, kaya ko naman." -sagot ko tsaka tumayo at nilagay ang ginamit kong pinggan sa lababo.

"Teka nga lang Vee, bat ka pala magtratrabaho? Diba successful naman yung company niyo?" -wika ni Sofia kaya napalingon ako sa dereksiyon niya.

"Kailangan ko kasi sof, tutulungan ko si mommy para sa pinsan ko." -sagot ko.

"Ha? Bat? Teka teka nga lang, paki explain naman oh." -pagtataka ni Sofia.

"Basta. Malalaman mo din at maiintindihan mo." -sagot ko at bumalik sa kwarto ko.

"Ako nalang mag eexplain. Ganito kasi yan, yung pinsan niya na hospital at medyo malaki ang gastos sa hospital kaya need nila ng malaki laking pera para panggastos at sabi nung mommy niya baka makakatulong siya sa gastusin na yun. Alam mo naman si Vee sobrang matulungin yan kaya sa sobrang matulungin hahanap talaga siya ng paraan." -paliwanag ni Tori upang maintindihan ni Sofia.

"Teka hindi ba kayang tustusan ng mommy niya yun? Eh diba successful na yung mga company nila?" -tanong naman uli ni Sofia.

"Isa nalang ang kompanyang hawak ng mommy niya ngayon kasi naagaw na ni Drake ang iba." -sagot naman ni Tori kaya tumango nalang si Sofia bilang ibig sabihin na naiintindihan niya.

************************************

Kinuha ko yung cellphone ko at binuksan yung messenger ko and as usual yung mga barkada ko nanamang walang maiitutulong sa mundo ang bumungad sa messenger ko.

REGRETSWhere stories live. Discover now