•CHAPTER 15•

239 18 7
                                    

Nilapag ko ang plato na pinagkakainan ni vee sa kama niya at agad na lumabas ng kwarto niya.

"Ugh—sh*t wise. Ano ba tong ginagawa mo!?" -saad ko sa aking sarili matapos makalabas sa kwarto ni vee.

Agad akong pumunta sa kwarto ko at humiga sa napakalambot kong kama.

P-paano kung assuming siya? Paano kung dahil sa inasta ko kanina sasabihin niya na concern ako sa kaniya? Sh*t! Hindi to pwede.

Papikit na sana ako nang maalala ko na naiwan ko pala yung platong pinagkakainan ko sa kwarto ni vee kaya agad akong tumayo at pumunta sa kwarto niya. Bumuntog hininga muna ako bago buksan ang pintuan.

Pagbukas ko sa pintuan, pumasok ako kaagad. Nakita ko naman yung platong pinagkakainan ko kanina at platong pinagkakainan niya rin.

Kinuha ko naman ito agad at akmang aalis na sana nang mapansin kong wala si vee sa kwarto niya.

Saan kaya yun? Di bale na dapat wala akong pake sa kaniya. Sino ba siya diba?

Bumaba ako sa kusina para ilagay ang platong ginamit namin ni vee kanina. Pagkatapos ko yung ilagay sa lababo agad naman akong bumalik sa kwarto ko para makatulog na.

Papikit na sana ako nang maalala ko si vee. Sh*t bat ka ba laging nag sisink in sa utak ko? Anong meron sayo?

Lumabas ako ng kwarto at pumasok sa kwarto ni vee pero wala akong naabutang vee doon kaya pumunta ako sa terrace nagbabakasakali na andun siya. At andun nga siya.

************************************

Nag aalala siya sa'kin na parang wala. Ewan ko ba. Nung una ayaw niya ibenta ko ang rights ko para makapartner siya sa prom namin next month tapos ngayon parang sinasabi niya na—

"Ang lalim ata ng iniisip mo." -wika niya, boses palang kilala ko na. Andito nanaman to.

Sumandal siya sa terrace at tumingala sa kalangitan na puno ng bitwin.

"Ganda nila no?" -sabi niya.

"Sino?" -tanong ko, paano ba naman kasi, walang binigay na specific context, marami namang maganda kasama na ako doon HAHAHA.

"Yung mga kumikinang sa kalangitan." -sagot niya, tumango lamang ako bilang pag sang-ayon.

"Gusto mo ba mahawakan?" -tanong ko sa kaniya.

"Yeah, kung sana pwede edi sana hinawakan ko na yan matagal na." -sagot niya, napatawa naman ako ng kunti dahil iba ang iniisip ko.

"Edi umakyat ka na sa kalangitan." -wika ko, agad naman siyang napalingon na naka kunot noo pa.

"Di'ba sabi mo gusto mo? Oh edi umakyat ka na. Depende nalang kung tatanggapin ka dun." -dagdag ko pa, halatang mas lalo siyang naiinis sa sinabi ko.

"Vee!!" -tawag niya sa pangalan ko na may inis sa boses. Ang sarap naman pala asarin nitong ssg president na kinatatakutan ng lahat sa campus.

"Oh joke lang HAHAHA. Bye tulog na ako." -paalam ko at umalis na, naiwan naman siya doon sa terrace.

|KINABUKASAN|

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa pagmumukha ko. Agad kong kinapa yung glasses ko at nakita ko naman agad ito at sinout.

Kinuha ko yung cellphone ko sa may bandang gilid at bumungad sa'kin ang mga chats nila Tori.

[Gsea ng tatlong magaganda]

Tori: hi everyone everytwo everything HAHAHA. Malapit na yung prom natin.

Sofia: pwede makapunta kahit di ako kasali?

REGRETSWhere stories live. Discover now