•CHAPTER 19•

219 23 13
                                    

|KINABUKASAN|

Nagising ako dahil sa sinag ng araw dahil hindi ko pala naisarado yung kurtina kagabi.

Agad akong bumangon at isinuot yung salamin ko at pinuntahan si Auriel sa room niya.

Papasok na sana ako ng room ni Auriel nang nakita ako ng tatlong kaibigan ni wise.

"Hi mamsh, good morning." -bati niya sa'kin at ngumiti. Mamsh? Saan niya ba napulot yan? Hindi naman niya ako mama.

"Good morning din." -bati ko rin sa kanila.

"Hoy ang kapal mo!" -wika nung isa kay oheb, oheb naman yata pangalan niya? Yun yung sinabi ni wise eh.

"True." -pagsang-ayon naman nung medyo cute na isa.

"Eh? Ah! Vee pwede ka ba namin tawaging mamsh?" -paghingi ng permiso ni oheb. Tinawag niya na nga ako eh.

"U-uh, if you want to." -sagot ko. Agad naman silang nagsitakbuhan patungo sa baba. Manang mana talaga kay wise, medyo may sira sa ulo.

Pagkatapos ng pag uusap namin ay pumasok na ako sa kwarto ni Auriel. Naabutan kong nakahiga pa si Auriel sa bed niya.

"Auriel baby, baba na tayo, kain ka na." -paggising ko sa kaniya

"Good morning ate vee." -bati niya nang magising siya.

"Good morning din baby." -bati ko rin sa kaniya at binuhat na siya para bababa na kami.

Bumaba na kami sa sala at pinaupo ko na si Auriel sa upuan para kumain na, andun na rin ang tatlong kaibigan ni wise, naka upo na rin.

"Mamsh asan pala si papsh? Tulog pa ba?" -tanong ni oheb.

"Ewan ko. Hindi ko naman yun pinuntahan eh." -sagot ko.

"Iha, pakigising nga si wise para makakain na yun." -utos sa'kin ni manang. Naku naman panibagong pagsubok ang haharapin.

Tinignan ko yung tatlo at panay ngiti sila, sarap kaltukan ng mga to. Naku!

"Ah sige po manang." -pagsang-ayon ko. Wala akong magagawa eh, pag si manang nag utos matik sunod ako.

Umakyat na ako sa taas upang gisingin si wise. Pagkarating ko sa pintuan ng room niya ay bumuntog hininga muna ako bago ko ito buksan.

Pagbukas ko ay sumalubong sa'kin ang wise na tulog na tulog. Hayst! Tulog yarn?

Linapitan ko ito at ginising, sana naman hindi to mang aaway pag ginising no?

"Wise kain na." -gising ko sa kaniya.

Bumuka naman yung mata niya at nagulat nang makita ako. Ito na nga ang sinasabi ko eh.

"Hmm. Let's sleep pa." -wika niya at hinila ako dahilan nang mapahiga rin ako.

Niyakap niya ako ng napakahigpit at binaon ang ulo niya sa leeg ko at inaamoy iyon.

"Hmm, bango." -wika niya at hinigpitan pa ang pagkakayakap niya sa'kin.

"Wise tara na sa baba, kain ka na." -sabi ko pero ayaw parin akong tigilan.

REGRETSWhere stories live. Discover now