•CHAPTER 18•

188 21 0
                                    

"Papsh dito kami matutulog, pwede?" -wika ni oheb. Hayst! Boung gabi nanaman ako bwebwesitin ng lalaking to.

"Tong si oheb, kapal ng mukha." -sabi ni Edward.

"True, di na nahiya." -dagdag naman ni hadji.

"Eh? Tumahimik na kayo, pareho naman kayong makinabang sa kakapalan ng mukha ko." -wika ni oheb at tumingin sa'kin, tinaasan pa ako ng kilay.

"Ano na papsh?" -saad ni oheb. Makapal talaga.

"Oo na, sige na." -sagot ko. Napipilitan lang talaga ako eh, alangan naman pauuwiin ko pa to ng gantong oras.

"Yeehheeeyyy!" -sigaw nila.

"Tumahimik nga kayo, natutulog si vee." -wika ko. Nagulat naman ako nang ngumiti sila ng nakakaasar.

"Nginingiti ngiti niyo d'yan?" -tanong ko.

"Yiee, si vee? As in? Pwede namang si Auriel eh HAHAHA. Nadulas ka na po." -sagot ni oheb at ngumiti.

"Fvck! Big deal ba ang sinabi ko? Totoo namang may natutulog." -sigaw ko dahil sa inis.

"Oh easy lang tayo boss ha? Kakasabi mo lang po na may natutulog." -mahinahong saad ni Edward.

"Sus, nadulas ka na nga eh. Pero matutulog na po ako. Bye." -paalam ni oheb at umakyat na para makatulog.

Sumunod naman si hadji at si Edward kay oheb at tuluyan nang pumasok sa guest room kung saan sila matutulog. Malaki naman yun, kasya nga dun mga lima eh.

Ako nalang naiwan dito sa baba kaya umakyat na rin ako. Papasok na sana ako sa kwarto ko nang may naaninag akong anino sa may balkonahe kaya linapitan at tinignan ko ito para malaman kung sino ang nasa balkonahe.

Pagsilip ko, nakita ko si vee nakatulala sa kalangitan at parang ang lalim ng iniisip. Hindi pa pala to tulog?

"May tao ba d'yan?" -wika niya, siguro napansin niya ako.

"Yeah, it's me. Anong ginagawa mo dito?" -sagot ko at umupo sa isang upuan.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" -balik niya ng tanong sa'kin. Nagtanong ako? Tas itatanong niya rin sa'kin? Ang galing!

"You haven't answer my question yet." -mahinahong saad ko.

"Ako? U-uh, ano, nagpapahangin?" -sagot niya.

"Bat parang di ka sure?" -tanong ko kaya napalingon siya sa'kin.

"Ako? Gaga. Sure to no." -wika niya. Bahagya naman akong ngumiti dahil sa sagot niya. Kahit kailan talaga vee.

"Sige, sabi mo eh. By the way, speaking of prom, may maisusuot ka na ba?" -pagbago ko ng usapan.

"Prom? A-attend ka talaga?" -tanong niya. Anong klaseng tanong yan vee?

"Yeah of course. Ikaw?" -tanong ko pabalik sa kaniya.

************************************

Sa naging tanong ni wise, kung a-attend ba ako ng prom, bigla akong natahimik. Hindi ko alam ang isasagot ko, but I don't want him to be there without a partner.

"Silence means?" -wika niya kaya napalingon ako sa kaniya.

A-attend ba ako? O hindi? Ano namang gagawin ko dun? May Jennie naman siya diba? Gf niya yun. Sigurado naman akong si Jennie yung aatupagin niya dun, at ako? Wala, flowers lang, parang design. Ganun naman lagi.

"Bat hindi ka makasagot? Hindi ka ba sigurado?" -tanong niya ulit, this time tinignan ko siya sa mata. We are now looking at each other.

"Kung a-attend ako, ano namang gagawin ko dun?" -tanong ko sa kaniya at iniwas na ang tingin.

"So hindi ka a-attend? Ganun?" -saad niya.

Hindi ko rin alam eh, hindi ko alam wise. Bat ba mukhang ayaw mo akong hindi umattend dun?

"Parang ganun na nga." -tanging sagot ko at yumuko.

"How about me?" -tanong niya na ikinalaki ng mata ko.

"H-ha?" -wika ko dahil sa gulat.

"Paano ako? Paano ako kung di ka a-attend?" -sabi niya at tumingala sa kalangitan.

"Andyan naman si Jennie." -sagot ko. Napatayo siya dahil sa naging sagot ko at hinila ako palapit sa kaniya.

Sh*t! Ang dikit namin. I can feel his man at my tummy. Ano ba to? Ano bang nangyayari sa'kin?

"Look at me." -wika niya habang nakabakus parin sa bewang ko ang mga kamay niya. Wise naman eh, pwede naman yatang mag usap tayo na nakaupo.

"U-uh, uhm. Can you please remove your hands on my waist?" -saad ko. Umiiling siya bilang sagot, bwesit naman oh.

"Aalisin mo o ako yung aalis?" -sabi ko na ikinalaki ng mata niya.

"What do you mean?" -tanong niya dahil naguguluhan siya.

"Uh, nothing." -tanging sagot ko at hinayaan na lamang siya na nakahawak sa bewang ko.

Hindi ko alam pero, bat parang safe ako pag andito siya? Bat parang komportable ako sa kaniya? Vee! Ano ba tong nangyayari sayo! May girlfriend na yan huy! Pero, pero? Pwede bang ako muna?

"Look at me vee." -wika nanaman ni wise. This time I look at him.

"I don't want Jennie to be my partner at the prom." -wika niya at ibinaon ang ulo sa balikat ko.

"H-ha? Eh? She wants you." -sagot ko. Bawat katagang binibitawan ko ay parang lason sa puso ko.

Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko sayo wise. Ang tanging alam ko ay mali ito, mali! Maling mali.

"Ganyan ka ba talaga vee? Hindi mo man lang iniisip ang mararamdaman ko." -wika niya at mas lalong siniksik ang ulo niya.

"Wala pa akong pambili ng isusuot eh, tas malapit na yung prom. Hindi ako pinadalhan ni mommy." -sagot ko. Totoo naman, pero naiintindihan ko si mommy. Ang dami niyang dapat pag gastusan, isa na dun ang pinsan ko.

"Don't worry, bibili tayo bukas." -wika niya. Ililibre niya ako? Nakakahiya naman, mag wiwithdraw nalang siguro ako sa banko total may ipon naman ako dun.

"H-ha? Wag na, hahanap nalang ako ng paraan." -sagot ko pero sumama yung tingin niya sa'kin, siraulo ba to? Parang gusto niya pang gumastos?

"No! Ako ang bibili at ako ang babayad." -saad niya. Gusto niya talagang gumastos, sige sa bagay marami naman siyang pera.

Hindi na ako sumagot, parang mag aaway lang kami kung aayaw pa ako sa gusto niya eh.

"Punta tayo sa mall tomorrow, okay?" -sabi niya sa malambing na tono at hinimas himas yung buhok ko. Naku naman wise, ayan ka nanaman eh.

Tumango lang ako bilang sagot at aalis na sana sa pagkakayakap niya nang mas hinigpitan niya pa ito.

"Tulog ka na?" -tanong niya habang yung ulo niya nasa leeg ko parin.

"Mmn." -sagot ko. Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin at tinignan ako, ulo hanggang paa.

"Damn! Your so sexy baby." -wika niya na nakapag kiliti sa'kin. Pero may kasalanan pa to sa'kin, baka nakalimutan niya.

Pero seryuso? Baby? As in coming from him? Vee naman, wag ka na mag papauto, alam mo namang may girlfriend na siya eh.

"Tulog na ako." -saad ko at tinalikuran ko na siya. Hindi ko kayang manatili pa dun, baka di ko mapigilan yung sarili ko. Wala naman akong nararamdaman para sa kaniya pero bakit patuloy niyang pinaparamdam sa'kin na—ah basta! I hate him!

"Yes! This is Veenus Villaluna and I hate him so much."

REGRETSWhere stories live. Discover now