•CHAPTER 22•

226 18 6
                                    

Pagkalabas ni vee ay lumabas na rin ako at bumaba para samahan si Auriel sa sala.

At nagulat ako nang nadatnan ko si vee sa sala, akala ko ba magbibihis to?

"What the? Akala ko ba magbibihis ka?" -wika ko kaya nagulat siya at napatayo.

"Jusko naman wise. Humiwalay kaluluwa ko sayo eh." -reklamo niya. Siya pa talaga may balak mag reklamo?

"Then? Hindi ka pa ba magbibihis?' -tanong ko ulit pero kumunot ang noo niya.

"Magbibihis? Bat naman?" -sagot niya. Bingi ba to? O nakalimutan niya lang yung usapan namin kanina?

"I've told you that we were going to buy costume for the upcoming prom." -sagot ko at umupo sa sofa.

"Ah hehe ganun ba? Ngayon na?" -tanong niya ulit. Hindi ba halata?

"Papabihisin ba kita ngayon kung bukas pa tayo aalis?" -pilosopong sagot ko kaya dumilim yung mukha niya at nagsalubong yung dalawang kilay.

"Ewan ko sayo." -wika niya tsaka bumalik sa taas upang mag bihis.

************************************

Pagkaalis ko sa room ni wise ay agad kong pinuntahan si Auriel sa sala at naabutan ko naman siya dun na naglalaro.

"Oh baby." -wika ko at lumapit sa kaniya.

"Hello po." -bati niya nang makita ako.

Sinamahan kong maglaro si Auriel dito sa sala para naman hindi siya mapag-isa diba?

Habang nakikipaglaro ako kau Auriel ay agad namang sumagi sa isip ko si Jennie. Asan kaya yun?

Sakto naman na dumaan si manang, tatanugin ko nalang si manang. Baka kasi hindi pa umuwi yung bruha na yun.

"Manang asan po si Jennie?" -tanong ko.

"Umuwi na vee." -sagot naman ni manang at dumiretso sa garden para magdilig ng halaman.

Umuwi na pala, buti naman.

"What the? Akala ko ba nagbibihis ka?" -biglang sulpot ni wise sa likuran ko kaya nagulat ako. Balak pa yata ako patayin sa gulat ng lalaking to eh.

"Jusko naman wise. Humiwalay kaluluwa ko sayo eh." -sagot ko habang gulat parin. Hindi man lang kasi marunong mag excuse me, ganun. Bigla nalang sumbat.

"Then? Hindi ka pa ba magbibihis?" -tanong niya ulit. Bat naman ako magbibihis? Igagala niya ba ako? Char.

"Magbibihis? Bat naman?" -tanong ko. Daming ads kasi ng lalaking to, hindi na lang mag straight to the point.

"I've told you that we were going to buy costume for the upcoming prom." -sagot niya. Ay oo nga naman, sorry makalimutin lang eh.

"Ah hehe ganun ba? Ngayon na?" -paninigurado ko, baka kasi mamaya pa kami aalis tas nagbibihis na ako.

"Papabihisin ba kita ngayon kung bukas pa tayo aalis?" -pilosopong sagot niya. Tsk! Nagtanong ako ng maayos eh.

"Ewan ko sayo." -wika ko at umakyat na para magbihis.

Ano bang isusuot ko? Mag cardigan nalang siguro ako tas shorts. Pwede na to.

Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na ako agad at nang makita ni wise yung sout ko biglang dumilim ang mukha. Ano nanaman bang kasalanan ko sa lalaking to?

"Are you sure na ganyan yung susuotin mo?" -tanong niya.

"Yeah, m-may mali ba?" -pautal-utal kong saad. Hindi na kasi madrawing yung mukha niya eh.

"Wait!" -sagot niya at umakyat. Nagagalit ba yun? Bat naman siya magagalit? Tsk!

Hinintay ko naman si wise dito sa sala at hindi nagtagal ay nakababa na rin siya at may dalang pajama at hoodie niya. Anong gagawin niya sa pajama at hoodie?

REGRETSWhere stories live. Discover now