•CHAPTER 14•

215 22 2
                                    

Nang masigurado ko nang nakatulog na talaga si Auriel, bumaba na ako para tulungan si manang sa gawaing bahay. I know it is not a part of my work anymore but I just want to help.

Bumaba ako at pumunta na sa sala, pagkarating ko roon ay nakita ko si wise na nakaupo sa sofa at nanonood ng TV. Tumingin siya sa'kin pero hindi ko siya pinansin, bahala siya.

Kumuha ako ng walis at dustpan para simulan na ang paglilinis pero nakita ako ni manang at pinigilan.

"Hoy, naku Vee! Ako na d'yan. Hindi naman yan kasama sa trabaho mo eh." -wika ni manang.

"Tutulungan ko lang po kayo para mapadali po yung trabaho ninyo, tsaka wala naman akong gagawin eh." -sagot ko.

"Let her manang, ginusto niya yan." -singit naman ni wise na wala man lang emosyon sa mukha.

"Ah opo manang. Sige na po." -sagot ko naman.

"Sige pero mag ingat ka ha, baka mapano ka pa." -bilin sa'kin ni manang atsaka umalis na.

Naiwan naman kaming dalawa ni wise dito kaya napagpasyahan ko nalang na magsimula nang maglinis kesa mag aapoy sa galit sa mukha ng lalaking to.

************************************

Habang naglilinis si vee dito hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya. Siguro dahil sa galit at inis ko sa kaniya kanina. I never expect na ganun pala ang totoong ugali niya. Masungit.

"Oh? Kanina ka pa tumitingin sa'kin d'yan ah. May problema ba tayo?" -wika ni vee nang mapansin niyang nakatingin lang ako sa kaniya.

"You're too assuming. Sino ka ba para tignan ko? Are you special? Of course not!" -saad ko pero hindi na muli ako nakatanggap ng sagot mula sa kaniya. Nasaktan ba siya sa sinabi ko? Well, dapat lang.

In-off ko na ang TV at aalis na sana pero narinig kong nagmura si Vee at hindi yun sa galit kundi sa sakit. Pinuntahan ko kaagad siya at nakita ko nga dun na namimiit siya sa sakit ng kaniyang tyan.

"V-vee? Anyare sayo? Masakit ba tyan mo?" -sunod sunod ko na tanong pero hindi siya sumagot at patuloy parin sa pagyuyuko dahil sa sakit.

"Vee? Okay ka lang?" -pag aalala ko, alam kong iniiwasan niya ako kaya tinawag ko nalang si manang para tulungan siya.

"Manang, manang." -tawag ko kay manang, agad naman siyang dumating at sinabi ko sa kaniya kung anong nangyari kay Vee.

Habang kinukwento ko kay manang ang lahat bigla bigla nalang natumba si vee at mabuti nga ay nasalo ko agad kaya hindi siya bumagsak.

"Dalhin mo siya sa kwarto niya Dj. Tatawag lang ako ng doctor." -utos sa'kin ni manang kaya dali dali ko naman itong sinunod.

Nilapag ko si vee sa higaan niya at inayos ang pagkakahiga niya.

"Yan kasi eh, tigas ng ulo. Sabing wag na maglinis." -mahinang sambit ko at hinawi ang buhok na nakaharang sa kaniyang mukha.

Ilang minuto ang nakalipas dumating na ang doctor at agad niyang chineck si vee. Iiwan ko na muna sana si vee nang mapansin ko na ako lang ang binabantayan ng doctor, at sigurado ako na pag makaalis ako rito may gagawin siyang masama kay vee kaya mas minabuti ko nalang na mag stay rito hanggang sa umalis na siya.

Nagtataka na rin ako dahil sobrang tagal na niya pero wala pa siyang sinasabi kung ano ang nangyare kay Vee kaya nag tanong nalang ako.

"Doc, ano po ba nangyari sa kaniya?" -tanong ko kaya napalingon siya sa'kin.

"Kailangan ko ng tubig para ma sigurado na tama ang nakita kong symptoms sa kaniya." -sabi nung doctor, labag man sa kalooban ko na aalis ako dito na meron siya pero ginawa ko parin ito at kumuha ako ng tubig.

REGRETSWhere stories live. Discover now