•CHAPTER 29•

222 17 4
                                    

************************************

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kisame.

A-asan ako?-bulong ko kasabay nun ang pagbangon ko sa kamang hinihigaan ko.

Nilibot ko ang aking paningin sa kwarto kung asan ako nakatulog at siguradong hindi ko alam at hindi ko pa ito napuntahan.

Tumayo ako at lumabas at nakita ko si

Wise? Bakit andito siya? Siya ba nagdala sa'kin dito? B-bakit niya ako dinala dito?

Naglakad ako ng dahan dahan upang hindi marinig ng lalaking kasama ko na nagluluto ang mga yapak ko.

"You're awake." -wika niya habang nakatalikod parin sa'kin at inaabala ang pagluluto.

Hindi ako sumagot at umupo sa couch ng sala. Is this a condo?

"Anong gusto mong ulam?" -tanong niya habang nakatingin sa loob ng fridge at naghahanap ng mauulam.

Hindi parin ako sumagot at kinuha ko ang remote na nasa mini table ng sala at pinaandar ko ang TV.

"Ignoring me, huh?" -wika niya at kinuha ang isang pack ng hotdog at niluto yun.

Bahala siya d'yan. Bat dinala niya ako dito without my permission? Buti nalang sabado ngayon at walang pasok.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na siyang magluto at dinalhan ako sa sala ng pagkain.

"You should eat na. Here!" -wika niya sabay abot ng pagkain sa'kin. Tinanggap ko naman iyon agad, kesa naman mamatay ako sa gutom dito.

Paalis na sana siya nang magsalita ako kaya napalingon siya sa gawi ko.

"Hoy! Bat mo ako dinala dito? Pinagsamantalahan mo ba ako?" -tanong ko, aba malay ko talaga sa lalaking to kung kaya ko tong pagkatiwalaan eh.

"What are you talking about?" -sagot niya, abay ineenglishan ako ah.

"Anong klaseng tanong yan? Sagutin mo ang tanong ko!" -sigaw ko, pero tinawanan lang ako ng lalaking nasa harap ko, sampalin ko kaya to?

"Bat naman kita pagsasamantalahan? Sino ka ba?" -pang-iinsulto niya sa'kin. Ayaw niya man aminin pwes alam ko na iniinsulto ako ng lalaking to.

"Ah ganun? Eh bat mo ako dinala rito?" -sagot ko.

"Ah! I get it! Right! Dapat pala iniwan nalang kita doon sa bar at hinayaan na pagsasamantalahan ng mga lalaki dun, sayang! Don't worry sa susunod iiwan na kita dun." -sagot niya at umalis, narinig ko rin ang sasakyan niya paalis.

Napaka red flag! Ekis ka sa'kin.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ulit ako sa kwarto, wala naman akong gagawin dito, besides, di rin ako makakauwi. Di ako pamilyar sa lugar na to, baka mapahamak pa ako eh.

Magpapahatid nalang ako sa lalaking yun, dinala niya ako dito kaya ihahatid niya ako sa amin.

Habang dinadama ko ang galit ko sa lalaking yun, bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko kaagad ito.

Hello?

Sino to?

Gaga ka! Di mo na ako kilala? Si Tori to babaitang ka!

Ay sorry HAHAH. Nuba kailangan mo? At napatawag ka pa ha?

How are you?

Anong how are you? Eh iniwan niyo ako sa bar kagabi, langya!

Kami? Luh! Kung alam mo lang iuuwi ka na sana namin kaso nakita namin si wise na papalapit sayo, inalok mo nga siya ng inumin eh, tinanggap niya yun pero di ininom. Tas binuhat ka niya palabas, di ka na namin sinundan, alam naman naming masarap d'yan.

REGRETSWhere stories live. Discover now