•CHAPTER 26•

203 23 4
                                    

Months have passed at wala na akong update kay wise. Wala nang balita at di ko alam kung asan na siya ngayon. Nag transfer na rin kasi ako ng school for the better, ayaw ko nang guluhin ang mundo niya at ayaw ko rin na guluhin niya pa ang mundo ko.

Nasa school ako ngayon kumakain ng lunch kasama si Tori, lumipat rin si Tori ng school kasi boring daw buhay niya pag wala ako HAHAH.

"Natapos mo ba assignment natin?" -tanong ni Tori habang kumakain.

"Anong natapos? Kakabigay pa lang ni prof." -sagot ko. Siraulo rin eh, kakabigay pa lang gusto na agad tapusin ko.

"Ay oo nga sorry, pero malapit na pala tayo grumaduate no?" -wika niya.

"Oo." -sagot ko at tumingin sa itaas.

"Oh bakit? Mukhang malungkot ka ah? Ayaw mo ba grumaduate?" -saad niya.

"Gusto. Pero mas gusto ko yung sana andito siya na manood sa graduation ko." -sagot ko.

"Si wise?" -alertong sagot ni Tori.

Tumango lang ako bilang sagot, si Tori naman halos mawala sa tamang pag iisip dahil sa sinabi ko.

"So you mean you like him?" -sigaw ni Tori.

"Hinaan mo boses mo, ang ingay mo." -pabulong kong saad kaya natahimik siya.

"Kelan pa?" -tanong niya.

"Ang alin?" -saad ko naman.

"Kelan nabuo yung feelings mo?" -tanong niya habang seryusong nakatingin sa'kin.

"Nung umalis ako. I realize that I need him pero anong magagawa ko wala na eh. Masaya na siguro yun." -wika ko at sinirado yung lunch box ko.

"I'm sure may feelings din yun sayo. The way he find you in the prom noon." -sagot naman ni Tori.

Kung meron man wise, sana sinabi mo.

"Ay Teka vee nag chat sila sa gc, suspend daw ang class this afternoon. Tara gala?" -wika ni Tori habang nakatingin sa cellphone niya.

"G." -maikling sagot ko at tumayo na.

Sumunod naman si Tori sa'kin at lumabas na kami ng university. Naisipan naming mag starbucks kaya dumiretso na kami.

"Ano order mo?" -tanong ni Tori.

"Matcha lang." -sagot ko at kinuha yung cellphone ko sa bulsa.

Habang nag scroll scroll ako dito sa Facebook ay biglang dumaan sa news feed ko ang picture ng lalaki na nakatalikod at may caption itong "Danerie James Del Rosario " wait familiar. Familiar name, narinig ko na to.

"Vee andito na yung order mo." -wika no Tori kaya binalik ko nalang yung cellphone ko sa bulsa ko at sinimulan nang kainin ang order ko.

"Parang ang lalim ata ng iniisip mo ah?" -tanong ni Tori. Siguro nahahalataan na talaga ako.

"May nagbobother sa isipan ko." -sagot ko.

"Si wise nanaman?" -tanong niya.

"No! Actually hindi." -sagot ko.

"Sino?" -wika niya.

"That name Danerie James Del Rosario, ang familiar. Narinig ko na ang pangalan na yan pero di ko alam kung saan." -wika ko.

"Ha? Eh? Hindi mo yan kilala? Nasiraan ka ba?" -wika ni Tori.

"Kilala mo?" -tanong ko.

"Malamang." -proud niya pang sagot.

"Sino siya?" -wika ko.

"Di mo talaga alam?" -paninigurado no Tori. Sabing hindi eh.

"Wait." -sagot ko.

REGRETSWhere stories live. Discover now