•CHAPTER 11•

198 19 3
                                    

Makalipas ang ilang oras na panananatili ni Kairi dito sa bahay, nagpaalam na siya na umuwi na.

"Tol uwi na ako." -paalam niya.

"Sige ingat ka Kai, baka mapano ka pa, wala nang mangbwibwiset sa'kin araw-araw HAHAHA" -sagot ko habang tumatawa.

"Grabe naman oh, sige na babye." -sagot niya tsaka lumabas na para umuwi.

Pagkaalis ni Kairi agad akong bumalik sa loob at pumunta sa sala, nakita ko naman doon si manang na nanonood ng television kaya linapitan ko ito.

"Manang." -sambit ko sa pangalan niya, dahila na napatingin siya sa'kin.

"Bakit? May ipapaluto ka ba Dj?" -tanong niya habang nakatingin sa dereksiyon ko.

"W-wala naman po." -tanging sagot ko tsaka umupo sa tabi niya.

"Ano pala yung kailangan mo? May iba ka bang kailangan?" -tanong ulit ni manang.

"Meron sana eh, pwede po ba magtanong?" -panghihingi ko ng permiso sa kaniya.

"Oo naman, syempre." -sagot naman ni manang kaya umayos na ako ng upo.

"Kilala mo na po ba yung magbabantay kay Auriel?" -tanong ko, I'm just curious kung sino at alam ko maging sino man siya hinding hindi ko siya rerespituhin at pahihirapan ko siya upang umalis siya dito.

"Hindi pa Dj. Makikilala din naman natin siya bukas eh." -sagot ni manang at binalik yung atensyon niya sa TV.

"Ah oo nga pala." -sagot ko tsaka bumalik na sa kwarto ko.

************************************
"Vee" -sigaw ni Tori galing sa sala.

"Bakit?" -tanong ko, eh pano ba naman kasi bigla bigla nalang sumisigaw.

"Ikaw ba to? Ano to? Ikaw yan? Ikaw tong tinutukoy niya?" -sunod sunod niyang tanong kaya naging curious ako at linapitan siya agad.

"Ano ba kasi yan?" -tanong ko.

"May post kasi tas ani sa caption I love you my dear V. Sino naman tong v?" -sagot niya at tumingin sa'kin na nakakunot ang noo.

"Oh ako lang ba may V sa pangalan dito?" -sagot ko tsaka tinaasan siya ng kilay.

"Uh n-no I mean, oo." -sagot niya habang nauutal pa.

"What? Nasiraan ka ba? Ang dami kayang may v sa pangalan. Jusko ka deluluhan mo Toriyama." -wika ko.

"Anong delulu? Eh ikaw lang naman may V sa first letter sa boung university na pinag-aaralan natin ah." -sagot niya at bahagyang natawa.

"Bakit may sinabi ba d'yan na first letter ang v na yan? May sinabi bang nasa university natin yan?" -sagot ko.

Bigla niya akong hinila na ikinagugulat ko naman, hindi naman to nanghihila so Tori ah, bat nanghihila na ngayon? Strange.

"Tandaan mo Vee, sa oras na malaman to ni— hindi natapos ni Tori yung sasabihin niya dahil may tumawag sa cellphone niya kaya dali dali niya itong sinagot.

S-sino ba yung balak sabihin ni Tori kanina? Sino ba yung magagalit?

Makalipas ang ilang minuto bumalik na si Tori sa sala.

"Sino ba yun?" -tanong ko.

"It's my mom, sabi niya kailangan ko daw umuwi kasi may family reunion kami." -sagot naman niya.

"Oh kailan ka uuwi?" -tanong ko, hindi ko maimagine yung buhay ko pag wala si Tori eh, siya lang yung naging kakampi ko at sigurado akong palagi kong kakampi.As well as Sofia.

"Mga next week siguro, pagkatapos ng prom." -sagot niya at ibinalik ang atensyon niya sa cellphone niya.

"Ganun ba, sayang wala nang magpapainit ng ulo ko dito HAHA" -wika ko at nagulat ako nang sinapak niya ako.

"Inamo HAHAHA love kita kahit ganyan ka." -sabi niya habang natatawa sa sinabi ko.

"Mamimiss ko yung pagpapainit mo ng ulo ko HAHAHA" -sabi ko ulit at tumawa.

"Don't worry, may magpapainit naman ng gabi mo" -bulong niya, sakto lang naman ang pagkabulong na kami lang talaga nakakarinig.

"What do you mean?" -curious kong tanong, ewan ko talaga dito Kay Tori, parang gusto niyang lagi ako nag ooverthink eh.

"You will know it Veenus" -sagot niya habang tinitignan ako ng nakakaasar.

"Teka nga lang Tori, sino ba yung tinutukoy mo kanina? Na magagalit siya pag nalaman niya yu— hindi ko natapos yung sasabihin ko kasi biglang nagsalita si Sofia.

"Si Da— hindi natapos ni Sofia yung balak niya sanang sabihin dahil tinakpan ni Tori yung bibig niya.

"It's better to shut your mouth up for now girl, let vee discover and know him" -wika ni Tori at binitawan si Sofia.

Ano ba tong mga to? May tinatago sila? May sekreto sila na hindi ko alam? Nakakapagtampo naman kung ganon.

Teka nga lang, ang weird niyo." -wika ko habang nakakunot noo.

"Actually uhm, m-may aasikasuhin pa ako sa laptop ko, bye" -paalam ni Tori tsaka umalis. Ang weird naman ng mga taong to, halatang may tinatago eh.

Pagkaalis ni Tori hinila ko agad si Sofia papalapit sa'kin.

"Uy Vee, ginagawa mo?" -sambit niya kaya natawa ako kunti.

"Sof tell me nga, may tinatago ba kayo? Just answer me yes or no. As simple as that." -saad ko at natawa naman siya kaya kumunot ang noo ko. Ano bang nagyayari sa mga to?

"You know vee, you will know it, okay? Alam ko dapat wala tayong taguan ng sekreto pero it is for your own good na kasi HAHA, well masisiyahan ka naman pag nalaman mo na. Sige bye." -sagot ni Sofia tsaka iniwan ako mag isa.

Masisiyahan? Ano ba kasi yan? Ano ba kasi yang tinatago nila na masisiyahan ako pag nalaman ko na? Jusko nag iisip nanaman ako ng kung ano ano.

Pagkaalis ni Sofia bumalik ako sa pagkakahiga. Nakatingin ako ngayon sa kisame habang iniisip ang mga pinagsasabi ng dalawa.

Habang nakahiga ako, may kumatok sa pintuan kaya dali dali ko itong binuksan at bumungad sa'kin yung lalaking nakikilala ko nung hinintay ko yung ssg president.

"Hi!" -bati niya sa'kin at nagbitaw ng napakatamis na ngiti.

"Hello, may kailangan ka ba?" -tanong ko, nakakapagtaka lang kasi bigla bigla nalang sumusulpot.

"Actually wala pero may favor sana ako." -sagot niya.

"Yes, ano yun?" -sagot ko at nagulat ako nang ngumiti nanaman siya na kay tamis ng tsokolate.

Pwede ba kitang ilabas? Treat ko." -sagot niya na ikinanganga ko naman.

Ilabas? Treat niya? Hindi ba date tawag nun? Diba date yang mga ganyan? Sh*t anong isasagot ko?

Saglit akong natahimik kaya nagsalita uli siya para basagin ang katahimikan na bumabalot saming dalawa.

"Uh, if hindi ka pa ready, okay lang naman. Hihintayin kita hanggang sa maging ready ka na." -dagdag niya pa.

"N-no, I'm r-ready? Yes ready uh, oo." -pautal utal kong sagot kaya bahagya siyang natawa.

"HAHA okay, so tara?" -wika niya sabay akbay sa'kin kaya umatras ako upang matanggal ang pagkaka akbay niya.

"Bihis lang ako." -sagot ko at akmang aalis na para magbihis nang hilain niya ako kaya napunta yung mukha ko sa dibdib niya.

"Wag ka na magbihis, you look so sexy in that outfit." -mapang akit niyang sabi kaya naitulak ko siya kunti.

"N-no I'm sorry. Hindi ako komportable dito, bihis lang ako." -sagot ko at dali daling pumasok sa loob upang magbihis.

Pagkatapos kong magbihis bumalik na ako sa labas upang makaalis na kami.

"Tara." -saad niya at hinawakan ang kamay ko.

Tumango lang ako at sumunod sa kaniya. Sumakay kami sa sasakyan niya at sinimulan na niyang magmaneho.

Why is he so feeling close towards me? Even if we don't know each other, and we met only in an unexpected time.

REGRETSWhere stories live. Discover now