•CHAPTER 13•

184 18 1
                                    

Agad namang bumalik si Auriel sa'kin pagkatapos niyang salubongin ang 'yaya' niya daw kuno, medyo natawa lang ako sa tawag niya.

"Hihi can we play?" -tanong niya sa'kin at nag puppy eyes. Ang cute cute naman.

"Of course baby. Anong iplaplay natin?" -sagot ko, bakas sa mukha niya na masaya siya.

"Finally, may kalaro na ako hihi." -wika niya, so sad naman, Wala ba siyang kalaro noon?

"Laro tayo bahay bahayan po hihi, pwede?" -tanong niya, naalala ko nanaman mga gawain ko noon, itong ito yun HAHA.

"Sure." -pagsang-ayon ko, napatalon naman siya sa tuwa.

"I wuv you na po." -wika niya kaya napatawa ako medyo kinilig rin ako, ikaw ba naman sinabihang I love you ng bata. You know never nagsisinungaling ang mga bata.

"I love you too, Auriel." -wika ko at ngumiti sa kaniya. She's so cute.

Umalis naman si Auriel dahil tinawag siya ni manang kaya umupo muna ako sa sofa total wala naman akong ibang trabaho dito.

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko at nag Facebook. Bumungad pa nga sa'kin si Tori tsaka si Sofia sa messenger, nagsisi ba sila dahil inaway nila ako? Char. HAHAHA

[Gsea ng tatlong magaganda]

Tori: hi ebriwan labas naman tayo pag may time

Sofia: eh? May trabaho naman yang si Vee tsaka baka nag chat sila nung kasama niya kahapon na kumain lang daw sila, wag mo na disturbuhin.

Pinagsasabi mo d'yan Sof, kumain lang naman kami, ano ba kasing problema niyo about dun?

Sofia: sumama ka sa taong hindi mo naman masyadong kilala. Yun!

Tori: well yeah, nag alala lang naman kami.

Eh ano yung sinasabi nyo na pagmalaman niya humanda ako? Sino yung tinutukoy niyo dun?

Tori: basta wag na yun, mukhang nawala naman pake niya sayo HAHAHA.

Sofia: kahit di ko pa siya na meet alam na alam ko talaga na ano HAHAHAHA.

Tori: yes HAHAHA ito namang si Vee sinayang charot, nauna naman si boy sumama sa iba HAHAHA.

Sofia: kaya siguro sumama si Vee sa iba kasi nalaman niya na may kasama si boy na iba kaya gusto niya lang gumanti. Tama ba Vee?

Anong gumanti? Eh di ko nga kilala tinutukoy niyo eh.

Sofia: Buti pa ako, kakarating ko lang alam ko na agad lahat.

Dakilang chismosa ka kasi.

Tori: HAHAHHA may point naman si Vee.

Sofia: ito oh point (.)

Tori: HAHAHA lahat yata ng chismis alam ni Sofia eh HAHAHA

Siguro.

Sofia: yokona nga.
——————————————————

In-off ko na yung cellphone ko kasi narinig ko na tinatawag ako ni manang sa kusina.

Agad akong pumunta ng kusina at nakita ko nga roon si manang na nagluluto, tinignan ko naman yung wall clock at napagtanto ko na tanghali na pala, ang bilis naman parang kakagising ko lang.

REGRETSWhere stories live. Discover now