•CHAPTER 23•

237 26 8
                                    

FAST FORWARD

Ngayon na ang prom namin, andito kami lahat sa bahay at naghahanda kasama ko pala yung mga kaibigan ko na Sina oheb, hadji at Edward. Wala si Kairi ngayon kasi kailangan niya daw umuwi sa kanila so it means hindi siya makakapunta sa prom, sayang.

"Uy pre ang ganda ng dating natin d'yan ah, mala Mafia boss." -biro ni Edward nang makita niya ang sout ko.

"True, di mo man lang sinabi na mafia theme edi sana nakaganyan tayo ngayon." -dagdag ni oheb.

"Sus, di naman babagay sa inyo kung mag ganyan kayo, para kayong adik." -pagkokontra ni hadji sa kanila kaya natawa ako.

"Tumigil na nga kayo, para kayong mga bata d'yan." -suway ko sa kanila kasi nagbabangayan nanaman.

Makalipas ang ilang oras ay natapos na kami kaya napag-isipan na namin na pumunta na sa university.

"Let's go, baka hinahanap na ako ngayon." -wika ko at lumabas na, sumunod naman sila sa'kin at sumakay na kami sa cotse ko.

"Sino partner mo paps?" -tanong ni oheb.

"Kahit alam mo na tinatanong mo pa. Bcbc." -saad ni hadji kaya masama nanaman ang tingin ni oheb dito.

"Eh? May galit ka ba sa'kin ji?" -sabi ni oheb habang galit na nakatingin Kay hadji.

"Ayan nanaman kayo, tumigil na nga kayo." -suway sa kanila ni Edward.

Patuloy parin sila sa kanilang bangayan hanggang sa nakarating kami sa university. Pumasok na kami at pumunta na sa gym kung saan iheheld ang venue.

"Ano kaya hitsura mo ji pag sumasayaw ka mamaya." -biro ni Edward, tinignan naman ito ng masama ni hadji.

"Kala mo talaga ang lakas ng dating mo." -sagot naman ni hadji. Ewan ko nalang sa tatlong to, kung hindi si oheb ang kasagutan ni hadji, si Edward naman.

"Sabi daw nila pag nag aaway palagi ay sila ang magkakatuluyan." -wika ko kaya natahimik silang tatlo.

"Yuck!" -pandidiri ni hadji.

"Akala mo talaga papatol ako sayo?" -sagot naman ni Edward.

"Sus, baka bukas kayo na." -wika ni oheb kaya masama nila itong tinignan.

"Tumigil na nga kayo, andito na tayo." -suway ko sa kanila at pumasok na.

Marami na rin ang andito, yung iba nga dito pa nag ayos.

"Hi Dj." -bati sa'kin ng babae, siguro classmate to ni vee. Nakita ko to sa classroom nila eh.

"Hello." -bati ko rin pabalik pero nagulat ako nang hinawakan niya yung kamay ko.

"What's wrong with you?" -tanong ko.

"I'm Chloe and I'm your partner." -sagot niya kaya binawi ko yung kamay ko na hawak niya.

What the heck? Si vee yung partner ko diba? D-dont tell me na binigay niya talaga yung rights niya, n-no!

"What? Vee Villaluna is my partner." -sagot ko.

REGRETSWhere stories live. Discover now