Chapter 8

5.4K 117 0
                                    

“Ito ice cream," I handed him a piece of chocolate ice cream that I bought.  “Makakatulong iyan para gumaan ang pakiramdam mo."

Kinuha niya iyon at ngumiti. “I remembered when nanny told me that before."

“Sinabi niya na saiyo iyon dati?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

He nodded and smiled. “Malungkot kasi ako noon tapos nagulat nalang ako nung umalis siya tapos pag balik may dala na siyang ice cream."

Ngumiti ako din ako. “Gumaan ba ang pakiramdamn mo?"

“Yes, because I enjoy eating ice cream." Mabilis na sagot niya at hindi parin nawawala ang ngiti sa labi.

Masaya ako kasi nagagawa niyang alalahanin ang yaya niya ng hindi nalulungkot. Ibang iba kapag mga magulang niya ang pumapasok sa isipan niya. Naiintindihan ko naman kung bakit.

“This is the first time I spent a long time outside." Napabaling ako kay Liam ng muli siyang nagsalita. “Dati palabas palang ako ng pintuan, pasok na pasok na ako kaagad."

Natawa ako sa sinabi niya. Naglalakad na kami ngayon pauwi sa bahay habang magkahawak kamay.

“Ikaw kasi hindi ka nag enjoy." Sabi ko.

“Because I didn't know how to enjoy those times."

“E, ngayon? Alam mo na ba?" I looked at his face because I wanted to see his reaction. Napangiti naman ako ng makita kong nakangiti siya.

Hindi lang labi ang masaya sa kaniya dahil maging ang mga mata niya ay nagsasad ng sayang naratamdaman niya.

“Yes, because you are already there by my side." Sagot niya.

“But your nanny was also by your side before."

Tumigil siya sa pag lalakad at humarap saakin. Doon ko lang napansin na ubos na pala yung ice cream niya.

“You taught me differently, Hiara." Seryoso niyang sabi saakin pero nakangiti parin siya habang nakatingin ng diretso saaking mga mata.

“Paanong iba?" Takang tanong ko dahil hindi ko siya maintindihan.

“I don't know, hindi ko maipaliwanag." Nagkibit balikat siya. “But I really felt different when you were there by my side." Sabi pa niya at parang napa-isip pa. “Maybe because I can kiss you but I can't kiss nanny.

Nagulat ako dahil sa sinabi niya kaya lumaki ang mata ko bago ko siya mahampas ng mahina sa braso.

Napa kurap-kurap pa ako. “Liam!" May diin ang boses ko.“Huwag ka ngang ganyan." Sabi ko sakaniya at pinanlakihan siya ng mata.

He chuckled. “Why? It's true." Sabi niya at hinimas ang braso niyang nahampas ko.

Napangiti naman ako ng makita kong pinipigilan niyang tumawa. May kalokohan din pala ang inosenteng ito.

“Huwag kang maloko diyan, Liam." Tinuro ko pa siya para mas madama niya ang sinabi ko.

“It's true, Hiara." Sabi niya at humarap ulit saakin. “I can kiss you but I can't kiss nanny."

Nagpapadyak ako at napakamot sa ulo. Parang nakakahiya ang sinasabi niya. Isipin ko palang na hahalikan niya ang yaya niya ay kinikilabutan na ako.

Grabe panaman siya humalik.

Muli ko siyang tinignan bago ko siya talikuran naramdaman ko naman ang agad na pagsunod niya saakin.

“Hiara," he called me.

“Bahala ka diyan." Nilingon ko siya at ng makita kong malapit na niya akong maabutan ang napatakbo ako.

Natawa ako ng tumakbo din siya. “Hiara wait for me don't run." I heard him say as he chased me.

Behind his dark Aura [ Unedited ]Where stories live. Discover now