Chapter 22

5K 115 6
                                    


Napangiti ako ng makita kong may doctor ng palapit sa amin. “Good morning po, doc." Bati ko ng makalapit na siya sa amin.

Nginitian ako ng doctor. “Good morning din hija.. Ikaw ba ang nakakatandang anak ni ma'am Hanaria?" Hanaria ang pangalan ni mama.

I nodded. "Yes, I am." I answered. “Bakit po?"

“Wala naman.. I just want to say that don't forget to remind your mother that she can't be tired." Magiliw at malumanay ang boses ng doctor.

Napakamot ako sa ulo at napabuntong hininga. “Ay nako doc napaka pasaway po kasi niyan ni mama." Bumaling ako kay mama. “Kahit anong paalala e hindi nakikinig."

Natawa ang doctor. “Oo nga halata naman." Sabi niya. “O siya, puwede na pala kayong umuwi." Tumingin siya kay mama. “Huwag mong kakalimutang inumin ang gamot mo at saka bawasan narin sana ang pagiging pasaway."

Tumawa din si mama. “Salamat po, doc."

“Sige, dito na ako at may titignan pa akong ibang pasiyente."

“Salamat po doc," sabi ko naman bago siya tuluyang umalis. “Halika na pwede na daw tayong umuwi." Inalalayan ko si mama makababa sa higaan.

“Salamat talaga sainyo mga anak." Sabi niya ng makaalis na siya sa higaan. “Pakiramdam ko tuloy ay wala ng mas swerte sa akin pagdating sa pagkakaroon ng mabuting mga anak."

“Naging mabuti karin naman sa amin mama kaya halika na umuwi na tayo." Sabi ko at iginaya na siya palabas sa hospital.

“Ate babalik kapa ba sa manila?" I looked at Heinz because of his question.. Sa kambal ay si Heinz ang madaldal at makulit habang si Haenz naman ay tahimik lang.

“Oo, kailangan eh." Sagot ko at tipid na ngumiti.

“Aalis ka pala ulit ate," saad naman ni Haenz.

Tipid ko silang nginitian. “Nasa manila kasi ang trabaho ko diba?" Mahinhin na tanong ko sa kanila.

“Trabaho ba talaga?" Mama asked sarcastically.

“Luh? Si mama!" Sabi ko at medyo napairap pa. Natawa naman si mama sa reaction ko.

“May boyfriend kana ate?" Sabay na tanong ng kambal.

“Hay nako! Mamaya na tayo mag-usap. Sumakay na muna tayo." Sabi ko at binuksan na ang pintuan ng kotse..

“Ganda nito ate ah, kaninong kotse ’to?" Tanong ni Haenz at pinagmasdan pa ang kabuuan ng kotse. “Sobrang mahal siguro nito."

“Sa amo ko ito pero hindi ako sigurado sa presyo." Sabi ko nalang kahit obvious naman na million-million ang halaga nito..

“Mabuti at mabait ang amo mo at pinahiram ka." Kumento naman ni mama ng magsimula ko ng umandar ang kotse..

“Mabait tala iyon," sabi ko at ngumiti. Sakto naman na napatingin ako kay mama na nakatingin din pala sa akin at kunot ang noo. “Ma! Huwag mo nga akong tignan ng ganiyan."

“Amo mo ba talaga iyon? Obvious naman anak na lalaki ang may-ari nitong kotse dahil sa kabuuan na amoy nitong sasakyan."

Hindi ko agad nasagot ang mausisang tanong ni mama. Bumuntong hininga ako at seryoso ang naging tingin sa daan. I don't know how to answer mama. My two brothers behind became silent.

“Anak wala namang masama kung sasabihin mo ang totoo." Hinawakan ni mama ang kamay ko. “There is no problem with me if you have a boyfriend." Mama's voice suddenly became serious.. “Because what's important to me is that you're happy."

Magaling nga pala si mama mag English dahil English ang major niya. Kaso madalang lang si mama magsalita ng english. Kadalasan ay kapag seryoso siya.

I sighed and turned to her for a moment.. “Totoo naman po ang sinabi ko ma. Amo ko siya." Si Liam.

Behind his dark Aura [ Unedited ]Where stories live. Discover now