Chapter 27

4.9K 108 6
                                    

I woke up at two o'clock in the morning because of the cold and strong wind. Kinusot ko ang dalawang mata ko dahil medyo nanlabo ito sa biglaang pagdilat.

Ang malakas at malamig na hangin ay malayang nakakapasok sa loob ng maliit at simpleng bahay na tinutuluyan ko. Agad akong bumangon ng mapagtanto kong umuulan pala.

Pumasok ako sa banyo para kumuha ng timba. May butas kasi ang bubong kaya kailangan ng pangsahod. Medyo basa na nga sa loob ng bahay dahil kanina pa siguro umuulan..

I sighed and took a rag to wipe the wet floor. Ganito lagi ang tagpo dito sa bahay tuwing umuulan. Kailangang maagapan talaga dahil kung hindi ay baka bumaha rin dito sa loob ng bahay dahil sa tulo.

May mga butas kasi ang bubong dito sa bahay maging ang mga dingding na kahoy ay ganoon din. It's like the past has come back that we live like this too. Before, every time it rained, we panicked because a lot of water entered the house.

Masaya ako kasi kahit papaano ay may naalala ako sa nakaraan. But there is a part of me that is sad, because I want to remember everything.

Why is it that the only things I remember are the other things that happened when I was young?

What really happened to me?

“Huy! Tulala yan?" Ang mataray na mukha ni Diane ay nakaharang ngayon sa harapan ko.

Pumikit ako bago ko pinalandas ang mga palad ko sa mukha ko.. “Maaga kasi akong nagising kanina dahil sa lakas ng ulan."

“Bakit ka naman nagising? Wala bang bubong ang bahay mo?" She rolled her eyes.

Natawa ako dahil sa sinabi niya bakit naman naisip niya iyon.. “Baliw hindi," aniya ko. “Malamig kasi dahil sa malakas na hangin."

Tumingin siya sa akin at ngumuso. “Hindi ko naramdaman iyon kanina ang sarap pa nga ng tulog ko eh."

I smiled slightly. “Pader kasi ang bahay mo." Mahinang sabi ko.

“Huh?" Tila nagtaka siya sa sinabi ko. “Bakit ano ba yung bahay mo?"

“Plywood at mga kahoy lang ang dingding ng bahay ko, tapos butas-butas pa yung bubong." I sighed heavily. Nangungupahan lang pala ako sa bahay na iyon pero para sa akin ay bahay ko na talaga iyon..

Yung ibang paupahan na napuntahan ko ay mahal ang bayad kaya nauwi ako ngayon sa bahay na plywood lang ang dingding may mga butas pa ang bubong.

“Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

I nodded. “Hindi ko naman talaga iyon bahay dahil nangungupahan lang ako. Iyon yung pinili ko dahil mura lang yung upa."

“Nangungupahan ka lang? Do you want to stay at my house so you don't have to pay anything?" Biglang tanong niya.

I shook my head. “Hindi na okay lang naman sa akin ang ganon ang importante ang may nauuwian ako."

She was sad because of what I said. “But when you're at my house, you don't have to pay anything." Seryoso niya akong tinignan. “Makatutulong iyon para makatipid ka."

“Huwag na Diane." Umiling ulit ako. “Maliit lang naman yung ginagastos ko para sa bahay." Pinilit kong ngumiti.

“Bakit ba ayaw mo sa bahay ko?" Nagsalubong ang kilay niya.

“Nakakahiya naman kasi Diane—"

“Anong nakakahiya?" She cut me off. “Ako na nga ang nagsasabi sayo tapos mahihiya ka pa." Tumingin lang ako sa kanya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. “Hindi mo kailangang mahiya Selene. Sa bahay nalang kita para may kasama na ako." She pouted her lips. “Please!"

Behind his dark Aura [ Unedited ]Where stories live. Discover now