CHAPTER 20

32 7 3
                                    

CARAMEL’S POV


   Anong oras na din akong naka uwi sa bahay dahil mahimbing ang tulog ni Leonox sa mga hita ko. I want to wake him up but he looks really tired kaya hindi ko na ito ginising pa, idagdag mo pa itong si Cirus na chat nang chat sa akin dahil pumunta ito sa bahay at hindi ako nahagilap.


  “I’ll get going, thanks for coming with me.” Paalam ni Leonox.
Tumango nalang ako bilang sagot at tuloyan na pumasok sa loob ng bahay saka binuksan ang mga ilaw at direktang pumunta sa aking silid upang mag bihis, and I also need to prepare my own dinner dahil magastos ang kumain ng kumain sa labas.



    Habang busy sa pag chop ng ilang ingredients para sa lutuin ay bigalng may tumawag na naman sa phone, I immediately pick it up saka bumalik sa ginagawa ko.


“Hello, Caramel… Pwede pa copy nang assignments mo?” Bungad ni Gaia sa kabilang linya.

  “Ha?! May assignment?! Parang wala naman ahh?” Gulat na sabi ni Caramel at ibinaba ang hawak nitong kutsilyo.

  “Yan, matulog ka pa lagi sa klase para hindi mo alam ang mga nangyayari.” Sermon ni Gaia. “Hello may assignment si sir Kit. Yung science ba.” She continue at pilit na ipinapaalala sa kaniya ang tungkol sa assignment.

“Ay, wala… Tigilan mo ‘ko wala akong maalala, Gaia.” Pag iirap ko sa ere na para bang makikita niya ang reaction ko.

“Okay sabi mo e..” Sang ayon niya sa'kin. “Pareho tayo walang assignment e…” Naka ngiting sambit niya.


“Pinapa kaba mo lang naman ako, kaya mag assignment ka mag isa.” Natatawang sabi ko at saka  ibinaba ang tawag.

   Pagkatapos kong mag luto ay naisipan kong manoon nalang muna sa tv ng balita habang wala pang update na ibinibigay sa akin ang mga empleyado sa kompanya. Habang nasa kalagitnaan ako sa pagkain ay biglang may kumatok sa pinto, inilagay ko sa maliit na mesa ang pinggan ko at kinuha ang baril na dala ko kanina. Sinilip ko muna kung sino ito at napa irap nalang sa ere dahil nakita ko na naman ang pagmumukha neto. I immedieatly hide the gun behind the door, where you can find my leather and hoodie jacket.  Lumabas na ako para salubongin ang loko dahil todo ngiti ito habang kumakaway sa ‘kin.

“Ginagawa mo dito?” Inis kong tanong. “6 pm na ahh?” Dagdag ko pa.

  “Wala man lang bang, ‘hi poging Cirus.’ Gan’on?” Ani niya. "Isa pa hindi naman ako dalaga eh..." He added.

My left eyebrow raise like I’m judging my own brother, he just laugh while looking at my reaction to what he said. Ibinigay naman nito sa akin ang dala niyang basket na may lamang  prutas, he also hand me the flower he got.


  “What’s this for?” Nagugulohan kong tanong.

“Peace offering? for not showing up when you need me.” Hindi siya  sure sa sagot niya kaya napatawa nalang ako at malayang binuksan ang pintuan.

“Pasok…” I said and let the door wide open.

Pumasok naman siya at saka umupo sa sofa kung saan ako kumakain kanina.

“Makiki kain na rin ako, hindi pa kasi ako kumakain.” Cirus then get up at kumuha nang pinggan at kutsara sa kusina.

  'Kapal...' Bulong ko sa ere..

    Hinayaan ko nalang ito at inilapag ko ang mga binigay niya sa mesa ng kusina, sabay kaming bumalik sa sala at sabay na umupo. Habang kumakain ay marami siyang kwentong ibinahagi kaya nawala sa isip ko ang pangungulila sa pamilya ko.

Until Death Do Us Part [ COMPLETED ]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant