8 POEMS & POETRIES

28 0 0
                                    

Tulang para sayo.

Mahal kita.
Dalawang salita ngunit masasabi kong sobra-sobra ang nadarama.
Ngiti at tawa o kahit ang mismo mong halakhak ay siyang nakakamangha.
Ang bawat kilos o ang bawat hakbang mo papunta sa gitna ng madla ay nakakahanga.

Bawat ekspresiyon ng iyong mukha ay gusto kong masaksihan.
Bawat tawa't halakhak mo'y gusto kong mapagmasdan.
Bawat pagpapakita mo ng talento ay gusto ko ring matutunan.
Bawat determinasyon sa iyong mata na makikita habang ipinaglalaban ang nararapat at tama ayon sa perspekto ng iyong paniniwala ay gusto ko ring masaksihan.
Bawat pagtulong at pagiging mabait mo sa kapwa na siyang ikinahulog ko ng tuluyan.

Kaya ngayon ay tanungin mo ako kung bakit hindi kita pwedeng mahalin at magustuhan? Kung ang lahat ng mga ginagawa at pinapaniwalaan mo'y naging dahilan ng pagkahulog ng marupok kong puso sayo ng hindi inaasahan.

Randomly Written Where stories live. Discover now