28 POEMS & POETRIES

6 0 0
                                    

Tulang isinulat para sayo.


Na-prepressure ka na naman,
Sa agos ng buhay bilang isang studyanteng sanay na pagdating sa larangan ng paligsahan,
Ngunit...
Ginawa mo naman ang lahat diba?
Ginawa mo ang lahat-lahat hanggang sa hindi mo na alam kung sino ka nga ba.

Kilala mo pa ba ang sarili mo?
Alam mo pa ba kung ano ang gusto mo?
Alam mo pa ba kung ano ang mga pangarap mo?

Kilala ka ng ibang tao bilang isang studyanteng may pambihirang talino at talento,
Kilala ka bilang isang studyanteng may medalyang nakasabit sa leeg mo,
Ilang certificate na natatanggap mula sa ibat-ibang paaralan mismo,
Sumasali sa kahit na anong paligsahan upang ipakita ang natatanging talino at talento.

Ngunit matanong kita,
Kaya mo pa ba?
Kumusta ka?
Masaya ka ba?
Wala naman akong sinasabing masama na gawin at ipamalas mo ang iyong kakayahan sa madla,
Ngunit wala namang masamang magpahinga muna.

Kaya't mga Binibini't Ginoo,
Ayos lang naman mapressure ngunit wag naman masyado todo,
Ayos lang naman na abutin ang "academic validation" na sinasabi mo,
Ngunit sana naman alam mo rin kung paano gamitin ang mga salitang "pahinga muna at laban ulit" para naman masiguradong maayos ang puso't isipan mo.

Randomly Written Where stories live. Discover now