24 POEMS & POETRIES

9 0 0
                                    

Tulang isinulat para sayo.

Sino ka?
Nakatitig ka sa aking mga mata,
Habang kinakabahan kong kinakanta ang mga liriko ng isang kanta,
Kasabay rin nito ang pagtugtog mo ng gitara.

Sino ka nga ba?
Ngayon pa lamang kita nakita,
Ngunit alam ko, may isang bagay na hindi man ako sigurado,
Pero hindi ako maaaring magkamali na hindi iyon totoo,
Dahil alam kong nakita na kita sa panaginip ko.

Alam mo ba?
May pagkakahawig kayo ng isang taong hinahangaan ko noon,
Pero alam mo ba?
May napagtanto rin ako ngayon,
Na kayo nga ay may pagkakahawig sa isa't-isa,
Ngunit alam kong pagdating sa talento at talino ay tunay na may pagkakaiba.

Ni hindi ko alam kong kilala mo siya,
At kung kilala ka niya,
Ngunit ayaw ko namang gamitin ka,
Dahil lamang sa namimiss ko siya.

Nagtataka ako dahil ang bawat ngiti mo,
Ay may pagkakapareho,
Sa isang tao,
Na hindi ko inakalang magugustuhan ko,
Noon mula sa malayo.

Kaya pasensiya na,
Masyado pang magulo ang aking isipan upang maisip na magustuhan ka,
Dahil alam kong hindi ko maaaring sabihin kaagad na "gusto kita"
Dahil lamang sa may pagkakahawig kayong dalawa,
Ngunit may isang parte sa aking nais na kilalanin ka,
Kahit ilang minuto lang upang masabi kong hindi nga ikaw siya.

Dedicated for someone I just met yesterday.

Hi...

Love lots.

Randomly Written Where stories live. Discover now