26 POEMS & POETRIES

7 0 0
                                    

Tulang isinulat para sayo.

Alas nuwebe labing apat,
Akala ko ba ay ako'y sapat?
Alas nuwebe labing anim,
Akala ko ba ang pag-ibig mo para sa akin ay aaminin?

Bawat pagtatagpo ng ating mga mata,
Bawat pagtataguan ng mga ngiti upang walang makakita,
Alam kong nararamdaman mo rin na pareho nating gusto ang isa't-isa,
Bawat liriko ng isang kanta,
Alam kong tayo lang dalawa ang tinutukoy nito sinta.

Ngunit bakit bigla pang dumating ang isang araw,
Na parang hindi na ako at ikaw,
Kung kailan nahulog na ako sayo ng lubusan,
Doon mo rin pala mapapatagtantong hindi mo ko kayang panindigan.

Umaasa,
Naging tanga,
Naging assumera,
Nagustuhan ka,
Minahal ka,
Ngunit pinili mo paring iwanan ng hindi mo man lang binigyan ng pagkakataon ang tayong dalawa,
Para masabi ang dalawang salitang alam kong naramdaman mo rin na "Gusto Kita"

Sinta,
Bakit ang bawat panagako sa isang kanta,
Na ika'y maghihintay at mamahalin ako hanggat wala pa akong iba,
Ngunit bakit?
Bakit lahat ng yun ay tinutupad mo na sa kaniya?

Gustong-gusto ko maging masaya,
Gustong-gusto ko ng pakawalan ka,
Gustong-gusto ko na wala ng sakit sa aking puso kapag naiisip ka,
Pero sinta,
Anong gagawin ko kung mahigit apat na taon ikaw lang ang inibig at inalayan/sinulatan ng tula't kanta.

Kung kaya't kung pagbibigyan man ng pagkatataon,
Gusto kong maisayaw ka kahit yun man ang maging una at huling pagkakataon,
Para lang matupad ko ang kahilingan ko sa loob ng apat na taon,
Ang mayakap at makasayaw ka sa nobyembre sa espesyal na buwan ng taon.

Napagtanto ko rin na ang salitang "tayong dalawa",
Ay hindi na mangyayari sapagkat alam kong hindi talaga tayo para sa isa't-isa,
Ikaw ang kaya kong ipaglaban, mamahalin, susubokan,
Ngunit bakit hindi mo man lang nilinaw sa una palang na hindi mo ko kayang panindigan,
Upang sana sa buwan ng Hunyo palang ay napigilan ko na ang nararamdaman.

Randomly Written حيث تعيش القصص. اكتشف الآن