12 POEMS & POETRIES

10 0 0
                                    

Tulang para sayo.

Sa bawat patak ng ulan
Sa bawat takbo ng oras, minuto o segundo man
Hayaan mo munang ipikit at magpahinga sa nakakapagod na araw na ito
Hayaan mo munang kalimutan ang mga bagay na bumabagabag saiyo.

Wala namang masama sa paghinto
Hangga't alam mong hindi ka susuko
Doon pa lamang sa bahaging iyon ay masasabi kong isa ka sa pinakamatatag na tao sa mundong ito.

Kaibigan, hangga't may pangarap ka na gusto mong maabot
Wag kang susuko at wag magpadala sa depresyon o lungkot
Hayaan mong gabayan ka ng ating panginoon
Tiyak na makakarating ka sa tuktok na gusto mong maabot.

Randomly Written Where stories live. Discover now